Bumunga ako ng usok at humithit muli ng isa pang sigarilyo habang nakatitig sa mahaba at matinding traffic ng aming syudad. It's already night time, but it's still traffic here.
Nasa balcony ako ng aking condo. Gustong makalanghap ng sariwang hangin, but here I am contributing to air pollution. I don't make sense at all, I know that. Hindi ko na kasi alam ang gusto kong gawin matapos ang mga pangyayari kamakailan lang sa akin.
"Tanginang buhay 'to," isang malutong na mura ang nasambit ko nang mapaso ko ang kabila kong kamay ng sigarilyo.
I'm clumsy than ever.
Ano pa ba ang puwede kong gawin bukod sa magmukmok sa loob ng condo ko?
Nagpasya akong pumunta ng kusina at kumuha ng isang canned beer sa fridge at agad itong nilagok habang papunta ako ng kuwarto. Napukaw naman ang aking atensyon nang tumunog ang aking cellphone na nasa aking bedside table.
Fuck. Akala ko kung may taong nag message sakin. Alert lang pala tungkol sa malakas na bagyong papasok ng Pilipinas.
Before I could turn off my phone after swiping the notification, my eyes lit up. I saw my damn wallpaper again.
Then, my heartbeat races. Something stung my eyes and from there, everything about us flashed before me.
Sobrang lakas ang buhos ng ulan sa labas. Nakatitig lang ako sa bintana, nag-aabang ng isang taong sabik kong makita. At ilang saglit lamang ay nasilayan ko na nga siya.
Naglalakad lamang siya na mag-isa. Basang-basa ang suot niyang damit. I was wondering if she left her umbrella at her apartment or her workplace. Alam kong kagagaling lang niya sa kaniyang part-time job dahil naka uniporme pa ito ng isang fast food crew.
Ano kayang problema niya at bakit hindi nalang niya ako sinabihan at nang nasundo ko na sana siya. O hindi kaya sumakay nalang siya ng taxi.
Mabilis akong bumaba. Kahit nasa ika-anim na palapag ang unit ko ay kumaripas ako ng takbo upang maabutan lamang siya.
Pagdating ko sa baba nakita ko siyang yakap-yakap ang kaniyang sarili habang nakikisilong sa porch ng building.
She's cold. Sinalubong ko siya. Ang tanging suot kong sweater ay aking hinubad upang i-yapos sa kaniya. I embrace her. I wrapped my arms around her waist.
Suddenly, she resist it. Umawang ang bibig ko sa ginawa niya.
"Please, Kevin," she said, shivering. "Stop this."
She looked into my eyes, telling me that what she's about to tell me is something serious.
She's only inches away from me, but it feels like her presence is afar.
"What's going on, Rogue? Don't joke me that way."
Nanginginig na ang labi ko sa mga sandaling 'yon. Hindi ko na alam kung dahil ba sa giniginaw ako o dahil sa ang lamig niya sa'kin. Ngunit pinilit ko paring ngumiti sa harap niya, as if she doesn't mean what she said.

BINABASA MO ANG
Wrapped
RomanceTrying to ignore the pain, Kevin Navarro found himself unwillingly exploring the world of dating while anxiously anticipating the comeback of the girl who broke his heart. Despite knowing their relationship involved no commitment, Kevin's admiration...