Introduction

8 0 0
                                    

Alas sais na ng gabi at madilim na ang eskenitang tinatahak ni Angela. Pauwi na sana sya sa kanyang boarding house ng may maaninag syang sumusunod sa kanya.
Batid niyang babae ito kung kayat pinabayaan na lamang niya dahil sa pag aakalang baka parihas lang sila ng binabagtas na daan.

Bahagyang nabawasan ang kaba ni angela ng lagpasan siya ng babae at lumiko ito sa isang iskenita.
"Hay salamat. Buti na lang at nawala na ang creepy na babaeng yun. Kala ko talaga may masamang mangyayari sakin." bulong ni Angela sa kanyang sarili habang patuloy na naglalakad pauwi.

Natatanaw na ni Angela ang kanyang boarding bouse kung kayat naging panatag na ang loob ng dalaga dahil ligtas siyang makakauwi rito ngunit naglaho ang saya ng dalaga ng may biglang humablot sa kanya.

Buong akala ng dalaga ay kakilala lamang niya ito ngunit may isang malamig na bagay ang dumampi sa kanyang leeg na parang handang-handa itong gilitan siya kapag hindi ito sumunod sa kanya.

"Hi Angela, kumusta kana? Miss mo na ba ako besspren?" - ani ng dalagang nakakapit sa leeg ni Angela habang sumisilay ang ngisi sa kanyang mga labi.

"Aa-allysa? Ikaw ba yan?" Nauutal na wika ng dalaga habang ang kanyang puso'y tila tambol na hindi mapakali dahil sa bilis ng pintig nito sa kaba.

"Ako nga, hihi. Namiss ko kasi ang pinaka plastic kong friend eh." - sagot nito sabay diin ng bahagya sa patalim na nasa leeg ni Angelica.

Umagos naman ang dugo mula sa bahagyang pagkakahiwa ng leeg ni Angelica. Napaimpit ng sigaw ang dalaga dahil sa hapdi na taglay  ng maliit na sugat.

Tuwang-tuwa naman si Alyssa na masaksihan ang ekspresyon ng dalaga. Hindi pa ito nakontento dahil bigla nitong itinarak ang patalim sa tiyan ni Angela at inikot-ikot ito sa loob.
Napasigaw na lamang ang dalaga dahil sa sakit at unti unting nalagutan ng hininga.

Napa-palakpak naman si Alyssa sa tuwa ng makitang wala ng buhay ang kaibigang matagal na niyang kinamumuhian.
Hindi pa ito nakontento dahil dahan-dahan niyang binalatan ang mukha nito gamit ang maliit na kutsilyo na kanyang tinatago sa bulsa.

Siya si Alyssa Trixie Gamboa, isang nerd. At hindi mo aakalaing may tinatago pala itong malamim na sekreto. Isa siyang psychopath, at ginagawa niyang libangan ang pagpatay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Psycho Where stories live. Discover now