Sam's POV:
" That would be all, class dismissed! "
Pagkalabas ng aming lecturer, tila mga preso na sabik makalaya mula sa matagal na pagkakakulong ang aking mga kaklase. Isa-isa ko silang pinagmasdan na makalabas. Hindi kasi ako sanay na makihalubilo sa kanila. Madalas na mga libro ang kasama ko sa pang-araw-araw. Nang makatiyak na ako na lamang mag-isa, mabilis kong niligpit ang gamit ko.
' pasado alas sais 'y media na pala. '
ani ko sa sarili ko habang nakatitig sa aking wrist watch.Nang makalabas na ako ng school building, madilim na ang kapaligiran.
Agad akong dumiretso sa parking lot. Malapit na ako sa kinaroroonan ng aking sasakyan, nang makarinig ako ng boses ng mga lalaki na tila nagtatalo." Kung 'di mo maibabalik ang pera na 'yun sa lalong madaling panahon, manganganib ang buhay mo! " ani ng isang lalaki na 'di ko makita dahil napahinto ako sa likod ng poste.
" Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wala akong kinalaman sa pagkawala ng pera ng boss n'yo? Kahit umiyak kayo ng dugo sa harap ko, wala akong ilalabas na pera! " singhal pabalik ng kausap nito.
' Pamilyar yung boses niya. Teka saan ko ba narinig 'yun? '
Dala na rin ng aking curiosity, sumilip ako at napagtantong yung baliw na lalaki kanina sa library ay nakasandal sa aking kotse habang kausap ang anim pang katao.
" Matigas ang ulo mo ha? " nakita ko kung paano nilabas ng isang lalaki ang kanyang tubo.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Maging ako ay natataranta sa kung ano man ang posibleng mangyari. Hindi niya kakayanin kung pagtutulungan siya.
' Teka, tatawag na ba ako ng pulis? '
Napanganga ako nang biglang hinampas n'ya ang kanyang tubo sa lalaking nakasandal sa kotse ko. Mabilis itong umiwas kaya ang resulta, sa kotse ko ito tumama.
" Hoy! Kotse ko 'yan. Bayaran n'yo yung sinira n'yo, " lumabas na ako mula sa pagkakatago ko dahil sa ginawa nila sa sasakyan ko.
Nakita ko kung paano silang lahat lumingon sa akin. Napalunok pa ako dahil sa matatalim na tingin na ibinato nila sa akin. Nanlumo naman ako sa nabasag na side mirror.
Hindi ko na alam ang nangyayari. Biglang bumagal ang ikot ng mundo ko. Namalayan ko na lamang na hila-hila na ako habang tumatakbo ng baliw na lalaki kanina sa library.
" T-teka, bitawan mo a-ako, " hinihingal ako sa sobrang bilis ng takbo namin.
" Gusto mo na bang mamatay? " Hindi man siya nakatingin sa akin, ramdam ko ang gigil at diin sa kan'yang pananalita.
Napasulyap naman ako sa likod ko at nakita ko na hinahabol pala kami ng mga kaaway niya. Medyo malayo pa naman sila sa amin. Malaking bagay na mas bata pa kami sa kanila kaya hindi kami basta-basta maaabutan.
Lumiko kami at iginiya niya ako sa isang bakanteng storage room. Pumasok kami roon at sinarado niya agad ang pinto.
Napaupo at napasandal naman siya habang hinihingal. Pinagmasdan ko naman ang aking pulsuhan na namumula dahil sa higpit ng hawak niya kanina.
Napaupo din naman ako sa harap niya. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at inabot sa kan'ya.
" Eto oh! "
" Anong gagawin ko d'yan? " galit na tanong niya.
" Seryoso? Hindi mo alam kung para saan ang panyo? "
Tinignan niya ako nang masama.
' Abaa. Ba't parang kasalanan ko pa? '
YOU ARE READING
I Fell Inlove With My Sister's Boyfriend
Romance" You don't fall in love with the gender. You fall in love with the person. " " There's nothing wrong to have feelings to the same gender. "