"Totoo ba ang Love at First Sight? Hmm, i'm not sure, pero parang nangyari na to sakin e. Diba yun yung, Unang Kita mo palang sa isang tao, pakiramdam mo sya na yung taong hinihintay mo? Weird no? Pero may ganyan. Let me tell you about something na nangyari sakin once."
TAKE NOTE: 2010 PA TO NANGYARi AH ! :)
Ako si Chachi. Chandria Christina Florantino. 13 years old. First year High School ako nun sa Eskwelahang pinapasukan ko. First Year, Section One. Sa totoo lang, di ko alam kong anong milagro ang meron sakin at lagi akong section one. Sa pagkakaalam ko lang naman, hindi ako yung tipo ng taong "Study Hard." Napasok lang naman ako araw-araw, nagrerecite paminsan-minsan. Yun lang gawain ko pero madalas akong magkaHonor. HAHA!
Oh eto na yung kwento ko.
(August 27,2012) - Nasa Corridor kami ng mga Bestfriends ko. Naghaharutan. Recess time kasi. Nang biglang may isang lalaking biglang nakaagaw ng atensyon ko. Natulala ako. Gwapo sya. Maputi, Medyo Maliit, Maporma at Mukhang Mabait. Napangiti ako bigla. Tapos sabi ko sa mga Bestfriends ko, "Ang gwapo nun oh. Sino kaya sya? Anong section nya?" Nang araw ding yun, inalam namin yung pangalan at section nya. Nalaman kong Section 2 sya. Natuwa ako kasi madami akong kaibigan dun. MAY PAG-ASA NAKO! :) And then, Nalaman ko name nya.
Tom Santiago. Yan pala name nya. 13 years old din sya. Magka edad lang kami. Hehe. Mai-add nga. Ang pogi nya talaga! :"> *Add as Friend*.. Waiting for the response nalang. Nang Biglang may nag appear na, *Tom Santiago accepted your friend request.* WATDAAA? Totoo ba to? Yaaaayy! Online sya! Icha-chat ko ba? Hmm, Anong sasabihin ko? Waaa! Kinikilig ako! :")))
Magkachat na kami -
Chinat ko na. Syempre, Cho-Choosy paba ako? Eh pagkakataon ko na to e. HAHA! Pagkatapos nitong araw nato, nasundan pa ung pagcha-chat namin. Araw araw kaming nagkakachat. Hanggang Madaling araw. Kaya nga madalas akong maLate e. Kasi napuyat sa pakikipagchat sakanya. HAHA! Sobrang close na kami. Hanggang sa isang araw sabi nya, "Mag-usap naman tayo ng personal." Aba! hiHindi paba ako? Syempre payag agad! HAHA!
(September 17, 2012)- First time kaming nagka usap. Recess time din. Ok naman. Maganda naman yung naging pag-uusap namin. Nagkatitigan kami ng malapitan. Ang masama lang, Naging topic namin yung CRUSH nya -__- Pero ok lang yun, atleast CLOSE NA KAMI! :">
--
Madaming moments ang dumaan saming dalawa. Parang More than friends but less than lovers nga ang Tema namin nun e. Kaso dumating yung time na napalapit ako sa mga Dancers ng School namin. Uso kasi yung "Pamilya Pamilya" nun, Ayun, in-adopt ako. Tapos nalaman kong May gusto pala sakin yung 'Tito Ko Daw'- si Johann.
Sobrang Mahal ko na si Tom nun. Actually nga, may Monthsary kami (27) pero ako lang nakakaAlam e. Yung parang S.O... Pero sa Sobrang S.O. namin, Ako lang nakakaAlam na may relasyon kami. HAHA XD Kaso nasasaktan na ako sa sobrang kamanhidan ni Tom. Halos buong school na nga ang nakakaalam nun na mahal ko sya e, Sya nalang ata Hindi :(
(December 2010)- Nakalimutan ko yung Araw. HAHA. Christmas Party namin. Nangako syang bibigyan nya ako ng Regalo. Hmm, Kilig kilig si Gaga. :"> Uhm, Well, binigay nya yung gift nung February 2011. Before Foundation Day ata yun? Ay ewan. Basta ang importante binigyan nya akong Hello Kitty :))
(April 10, 2011)- Sumuko na ako. Parang hindi ko na kaya yung ginagawa nya. Kinukwento nya sakin yung mga Moments nila ng Crush nya. Ang sakit sakit nun. Kung alam nya lang. </3 Dahil dun, at dahil narin sa efforts na ginagawa ni Johann, Sinagot ko sya. Yun, Naging kami nung April 12..
Johann Delos Santos. 14 years old. Matangkad, Hindi kagwapuhan pero Mabait, Maalaga, Mapagmahal at syempre, Mahal ako. Eh ang tanong, Mahal ko ba? :/ Ang alam ko kasi, Mahal ko parin si Tom. :( Pero dapat ko narin siguro syang kalimutan. Wala lang naman ako sakanya e. Nagiging Ok narin naman yung Relasyon namin ni Johann. Paninindigan ko nalang siguro to.
(April 27, 2011)- Nagkachat kami ni Tom. Sakto. 27 ngaun. Hapon un. Nangangamusta. Tapos tanong nya, "May boyfriend ka naba Chachi?" Nagulat ako. Ngayon nya lang tinanong yan. Alam ko kasing NGSB sya e. As in, No Girlfriend Since Birth. Hindi ko alam kung aaminin ko sakanya ang totoo. Pero hm, inamin ko narin kasi mahal ko narin kahit papano si Johann. "Oo e. Bakit mo natanong Tom?" sabi ko. "Ah eh, wala." Sagot nya. Tapos may pahabol na, "Bakit di kayo naka In a Relationship?". Sagot ko nlng "Ah, hindi pa kasi pwede e." tpos "bakit ikaw? kapag ba nagkagirlfriend ka, magrerequest ka skanya ng Relationship request?". "oo naman. Mahal ko e. Teka, Mahal mo ba?" Sabi ulit nya. Yun o, parang kinikilabutan nako. "Oo naman. Sobra." Sabi nya, "Sigurado ka bang Mahal ka nyan?". Oww. Ano ba nman tong mga tanong nya. "Oo naman." Tapos di na sya nagreply. What the hell is wrong with him? Hays. Para mas maniwala sya, nagpost ako. "I really love him. <3" Nagcomment sya. Tatlong beses. Kaso di ko nabasa kasi dinelete nya agad. Nacurious tuloy ako. Tss. Ano kayang sabi nya? Ano ba kasing nangyayari dun sa mokong na yun? :((
That night. Nagbreak din kami ni Johann. Dahil din kay Tom. Kala nya mas mahal ko parin si Tom kesa skanya. Oo, mahal ko pa si Tom. Pero mas Mahal ko na sya. Toinks. Wala na. Huli na ang Lahat. </3
Simula ng araw na yun, hindi na ako pinapansin ni Tom Santiago. MapaChat o MapaPersonal, wala talaga. :(( Nasaktan ata! Tapos wala narin kaming communications ni Johann. Hays! Ano ba naman to, kung kelan naman Pakiramdam kong magtatapat na sana sakin si Tom, saka ko sya nasaktan. Tapos yung dahilan ng pag-iwas sakin ni Tom, iniwan din ako! Arrgh! Lahat nalang! >_<
"Nagmahal ako sa Dalawang taong iniwan din ako ng Sabay...."
-- The End. :>
Korni no? HAHAHA! Yung lesson dito?
Para sa Boy (Yung Mala-TOM): Sabihin mo na sa mahal mo kung ano ang totoo bago pa sya mawala ng lubusan sayo. Baka kasi kung kelan handa kana, saka naman sya nagmahal ng iba. Hindi mo naman din alam kung nasasaktan sya. Diba?
Para sa Girl (Yung Mala-Chachi): Be true to your self. Wag magpadalus-dalus para hindi masaktan ng lubos.
-----
YUN LANG HO. AT MARAMING SALAMAT! :)

YOU ARE READING
Time is Gold. <3
Teen FictionTrue Story? HAHA! Siguro? XD Pakibasa nalang ho. Pagtyagaan nyo nalang ok? :) Salamats ! Sana mag-enjoy kayo ! :*