Simula

55 1 0
                                    

"Hon! Gising na ang anak natin! Tawagin mo yung doktor!"
"A-ano? Saglit lang! Dok, pumunta ka agad dito sa kwarto please!"

Nagising ako mula sa mahimbing kong tulog ng marinig ko ang sigawan nina tito at tita sa loob ng ICU kung nasaan si Julia ngayon. Napabaligwas ako ng tayo ng tuluyan ng prumoseso sa utak ko ang huling sinabi ni tito. Agaran akong kumuha ng gown at mask bago tuluyang pumasok sa loob at di rin nagtagal ay sumunod din sakin ang doktor. Makalipas ng halos isang oras na pagchecheck kay Julia ay lumabas ang doktor at sinabi samin na pwede nang mailipat ng regular room si Julia at hayaan lamang daw muna itong magpahinga ng maayos dahil paniguradong maninibago ito pagka-gising niya.

Isang taon... Isang taon din ang hinintay namin ng pamilya at mga mahal sa buhay niya na magising na siya. Noong una ay inihahanda kami ng doktor sa posibilidad na hindi maka survive si Julia dahil sa tindi ng mga head injuries na natamo niya sa aksidenteng kinasangkutan. Kasama niya noon ang kuya niyang si Robin na siyang nagmamaneho ng sasakyan bago ito bumangga sa poste. Makalipas ng ilang oras ay nagising na si Julia. Agad naman tumayo si tito at tita, pati na rin ni Robin mula sa sofa sa loob ng kwarto niya at lumapit sa pwesto niya. Mangiyak-ngiyak na hinawakan ni tita ang kamay niya. "J-julia... thank God you're finally awake..." At di na napigilan ni tita na umiyak na agad namang dinaluhan ni tito para tahanin. Pero ang mga salitang narinig namin mula sakanya ang bumasag sa aming mundo.

"W-wag mo kong hawakan... S-sino ba kayo? B-bakit ako nandito?" Halong pagkalito at matinding kalungkutan ang bakas sa mukha ng pamilya niya at hindi nagtagal ay tumindi ang pag-iyak ni tita pero pinilit parin niyang ngumiti kay Julia. "A-anak ako to, si mommy. Nandito din ang daddy mo pati ang kuya Robin mo." Saglit na lumingon sakin si Robin at sinenyasan akong lumapit sakanila. "Pati ang boyfri-" At ang inakala kong pagkawasak ng mundo ko kanina ay dumoble ng marinig ko ang tanong niya.

"Si Jaydon? A-asan si Jaydon? Nandito ba siya?"

"Wala nagtatampo parin ako..."
"Bub... Don't be jealous na... Nag-usap lang naman kami ni Jaydon kanina kasi magkapartner kami for the project eh. Wala na yon para sakin okay? Ex ko nalang siya and para sa grades kaya kami magkasama okay?"
"Di mo na siya love?" Ngumiti siya saakin sabay marahang umiling at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Ikaw lang ang love ko. Wala nang iba. At kahit kailan man, hinding-hindi na ako babalik sakanya. And choosing another man besides you would never be an option."
"Promise?"
"I promise..." Pagkasabi niya non ay hinalikan ko sia sa noo at mahigpit na niyakap.

"Sino ka?" Tanong ni Julia saakin na nakapagbalik saakin sa katinuan. Patago kong pinalis ang mga luha na lumalandas sa mukha ko bago huminga ng malalim at hinarap siyang muli, na may pilit na ngiti sa labi at pinilit na ayusin ang nanginginig kong boses. "H-hindi mo ako maalala?" Nanatili lamang siyang nakatingin saakin na walang kahit anong bakas ng emosyon. "A-ako to pre, si Ethan." Bahagya namang tumingin sakin si tito at Robin kaya pinagpatuloy ko ang pakikipag-usap  kay Julia. "G-grabe... Ang tagal-tagal mo ng tulog pre. M-miss na miss ka na ng pamilya mo."

"M-miss na miss na kita p-pre... Kung alam mo lang..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters to JuliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon