CHAPTER 2

103 0 0
                                    

CHAPTER 2: IKUWENTO MO, REDENTOR

Nasa kasarapan ng kasiyahan ng magkakaibigang Emo, Edel, Edcel, Eddie, Dexxx at Anwar habang nakikinig ng paborito nilang programa sa radyo ni Papa Bubot nang dumating ang masipag na bagets na janitor ng ampunan na si Redentor, Reden for short.

"Aba, nag-uumpukan na naman kayo dyan aa, pwede bang makisale?" Bati ni Reden.

"Aba syempre naman po, alam naman ang tunay na mag-tutropa kapag trip namin ang isang bagay, dun kame. At saka enjoy naman kami." Sagot ni Dexxx

"Aba, swerte mo naman Emo. Wala ka pang isang buwan dito sa ampunan nakahanap ka agad ng tropa sa katauhan ng mga yan. " Puri ni Reden kay Emo.

"Di naman po, basta't marunong po makisama talagang magkakasundo kaming magbabarkada, pwera lang kina Dexxx at Anwar hehe. . ." Biro ni Emo

"Oo nga naman Dexxx at Anwar, kelan ba kayo magkakasundo?" Tanong ni Edel sa dalawa

"Siya nga pala kuya, paano naitatag ang Bahay Bata Orphanage.?" Tanong ni Emo

"Aa yun ba? Teka. . ." Putol ni Reden sabay flashback sa nakaraan. Ikinuwento din iyon sa kanya ng matandang janitor na humalili sa kanya sampung taon na ang nakakaraan.

Eto ang kwento ni Reden, Papa Bubot style:

"1994 nang itinayo ang Bahay Bata Orphanage, alinsunod sa kahilingan ng may-ari ng lupang kinatitirikan nito: si Sr. Pedro Guatlo. Kaya kilala ang compound na ito sa tawag na SPG Compound. Kilala kasi si SPG bilang pinakamayamang tao sa bansa noong dekada 70. Daming bilib sa kanya dahil sa sipag at tiyaga nya ay naging bigtime siya. At di lang yon, tumutulong pa siya sa mahihirap. Pansin nyu na maraming bahay sa paligid ng compound. Dati itong sakahan ng palay kaya napakalawak ng compound na to. Kita nyo ba yung ancestral house na yan, (sabay tanaw sa malaking bahay na nasa labas. Kung naglalaro kayo ng GTA Vice City, ang ancestral house na tinutukoy ni Reden ay Hawig sa Vercetti Estate.) yan ang naipundar nya sa pagtatrabaho bukod sa malaking lupang nabili niya. Di gaya ng mga haciendero na napapanuod natin sa TV na matapobre, si SPG ay kabaligtaran ng mga haciendero sa TV."

"May naging asawa si SPG. Ang kaso," Putol ni Reden nang biglang nag ring ang cellphone ni Emo.

Si Edwin ng Batang Yagit Foundation ang natawag.

"Hello, mic test. .  . .  Walang hiya missed call ://" sambit ni Emo. "Ok alam nyo na guys"

"Mamaya na natin ituloy yong kwento kuya Reden. May kakalabanin kami sa dota." Paalam ni Anwar sabay layas ng tropa at naiwang mag-isa si Reden.

Mukhang malalim ang iniisip ni Reden. At dahil nagkwento siya ng nakaraan, muling bumalik sa gunita nya ang masalimuot na nakaraan nya. Ang kanyang nakaraan na  malalaman natin sa mga susunod na kabanata.

Walang computer shop sa loob ng compound kaya lumalabas pa sila para maglaro ng dota. Ang reklamento ng ampunan ay bawal lumabas ang ampon na wala pang isang taon sa ampunan maliban lang kung may kasama siyang ampon na mahigit isang taon nanunuluyan sa ampunan.

Nanduon sa gate ang grupo nina Edwin, na kinabibilangan nina Wele, Boogie, Toyay, Aman, at Rudy.

"Oh anu pa ang hinihintay nyo? Dali baka maunahan pa tayo" pagmamadali ni Wele.

At lumakad na ang grupo.

Habang malapit na sila sa shop napansin nila na maraming tao doon.

"Pare si kuya Abo, inaresto." Sumbong ng isa sa mga suki ng shop.

At kumaripas nga ng takbo ang  grupo palapit sa pinagmumulan ng komusyon; ang computer shop.

Kasalukuyang pinoposasan si Abo, may-ari ng shop kasama ang sampung kataong nahuli sa aktong nagsasagawa ng cybersex operation.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SPG CompoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon