Paraisong Bangungot

26 8 0
                                    

Arklay Mountains, Tiddle

1996

[Myth of Arklay]

Sa isang malaking gubat na sakop ng lungsod ng Arklay, may isang malaking mansyon na wala nang naninirahan dahil ang may-ari nito ay matagal nang patay. Malinis man ang paligid ng mansyon, hindi mo parin maikakaila na luma na ito. Bukambibig dati sa lungsod ang tungkol sa mag-inang nagmamay-ari ng mansyon na napakabait daw, ang mag-inang Buenvenido. Ngunit, nang pumanaw silang dalawa sa di maipaliwanag na dahilan, ang sabi sabi rito ay lagi nang palaboy-laboy ang kaluluwa ng mag-ina na tila ba parang 'di matahimik. Pero sa kabila ng lahat ng mga kwentong kababalaghan tungkol sa mansyong iyon ay dinarayo parin ito dati ng maraming tao dahil napakakomportable raw pag ikaw ay pumasok dito. Tila mawawala lahat nang mga problema mo sa oras na itapak mo ang paa papasok sa mansyon. Pero may babala rin na huwag papasok pag maggagabi. Tila magiiba raw ang awra ng mansyon pag ikaw ay pumasok ng ika-siyam ng gabi. Lumipas ang panahon, maraming reklamo na ang dumating mula sa mga tao sa pamahalaan ng Arklay na karamihan daw sa mga pumupunta sa mansyon ay bigla bigla na lamang nawawala. Nagugulat na lamang sila na lahat ng litrato ng nawalang mga biktima ay puro naka simangot sa iba't ibang larawan, mula litrato nito noong pagkabata. Kaya simula noon ay ipinasarado na ang mansyon at di na muling binalikan pa ng mga tao. Ang kwentong ito ay di na ulit binuhay pa para ang mansyon ay di na mapapansin pa at para wala nang mabiktima. Nang mangyari ang inaasahang wala ng dadayo sa mansyon ay bigla na lamang itong naglaho na parang bula.

°°••..••°°••..••°°

Arklay City

1998

Sa kasalukuyan ng lungsod ng Arklay, may isang babaeng namumuhay nang simple. Siya ay si Ada Verde, labing walong taong gulang pa lamang siya ngunit nagtatrabaho na sya sa isang maliit na restawran sa kanilang lungsod. Isa lamang siyang ulilang lubos, kaya kailangan niyang maghanap buhay. Hindi sya nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa kamahalan ng bayarin sa paaralan. 16 siya nang pumanaw ang kanyang mga magulang, kahit na magdadalawang taon nang wala sa kanyang piling ang kaniyang mga magulang ay napapaiyak parin siya pag naririnig ang mga pangalan nito. Hindi halos ngumingiti si Ada sa bigat ng nararamdaman, lagi siyang nalulumbay. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaraanan, nakukuha niya paring ngumiti sa harap ng kaniyang mga kaibigan. Hindi niya lamang ito pinapahalata.

"Oh nakatulala ka na naman" bungad sa kaniya ng matalik na kaibigan na si Leon Montego dahilan para bumalik siya sa reyalidad.

"May iniisip lang" sagot ni Ada.

"Tutuloy ka ba sa handaan mamaya?" Tanong ni Leon sa dalaga.

"Oo naman, kaarawan mo kaya! Ba't naman ako hindi tutuloy?" Sabi ni Ada na sinundan ng malakas na tawa.

"Agahan mo lamang ang pagpunta, mahabang byahe pa naman ang bahay namin" paalala ni Leon.

"Oo na nga po" reklamo ng naiiritang si Ada.

"Sya nga pala, sinabi ko na sa amo mo na hindi ka muna magtatrabaho bukas kasi pupunta pa tayo sa beach!" sigaw ng papalabas na si Leon.

Hindi na umangal pa si Ada dahil alam niyang malakas si Leon sa babae nyang amo dahil sa kapogian ng binata.

4:00 na nang nakapaggayak si Ada para sa kaarawan ng kaibigan dahil nakaidlip siya kanina galing sa matinding pagod sa trabaho. Batid niyang mahuhuli siya sa handaan ngunit ayaw niyang biguin ang kaniyang kaibigan kaya't nagmadali siyang humanap ng taxi. Nang makarating sa istasyon ng tren ay sobra ang saya na naramdaman na hindi pa siya huli. Nagmadali siyang pumasok sa tren at umupo malapit sa pintuan para madali lamang lumabas mamaya. Nagsipasok na rin ang iba pang pasahero at tumunog na ang tren, hudyat na aandar na ito.

Paraisong Bangungot ✔ (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon