"Kamusta ka?"
Mga katagang unang sambit nung kami'y magkakilala
"Heto, okay lang naman."
Mga walang kasiguraduhang sagot ko sa kanya
Ngunit sa mga panahong labis akong nalulungkot at nag-iisa
Nariyan sya't ako'y sinamahan niya
Ako'y nawalan ng tiwala sa pagmamahal
Alam nya yan dahil ako noo'y nasaktan ng lubusan
Ewan ko, aking sarili'y kinainisanNung ako'y mahulog muli't sinaktan rin naman.
Paano nga ba nagsimula
Masasaya't matatamis na palitan ng mga salita?
Hindi ko na rin lahat maalala
Basta't alam ko'y palagi ko syang kausap mula gabi hanggang umaga.
Labis akong nagalak nung ako'y makawala sa kadenang saki'y matagal na gumapos
Kadena ng relasyon na ninanais kong magtapos
Ngunit pagdating mo'y hindi rin pala doon nagtatapos
Aking hangad na mabigyan ako ng pagmamahal na noo'y kinapos
Ay syang kanyang pinunan ng taos puso.
OrSem noon nung una ko syang makita
Labis na lamang ang aking naging paghanga
Oo na, gwapo siya, pero hindi yun ang rason kagaya ng inyong inaakala
Natawa pa ako ng tanungin sya ng emcee tungkol sa katangian ng babae na naipartner sa kanya sa isang laro at kung magpapalitan ba sila ng numero
Sagot nya'y, "May girlfriend po ako" at nagtawanan ang mga tao
"Ano kayang pakiramdam ng maging girlfriend mo?"
Yan ang malanding tanong na tinanong ko sa sarili ko.
Naisip ko, "May mga lalaki pa palang loyal kagaya mo".
Unang araw na sa kolehiyo
Panibagong yugto ng buhay ko
Ngunit kasabay ng kaba't takot sa mga subjects na meron sa klase ko
Ay sya namang bilis ng pintig ng puso ko ng makita kong sya pala'y kaklase ko
"Talaga nga bang kay liit ng mundo o talagang itadhana tayo?"
Paano nga ba nagsimula?
Nagsimula sa simpleng diskarte ng pag-message ko sa kanya
Assignments, group reporting at projects ay ginamit ko pa
Nung una diko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya
Nakakabwiset lang kasi ang sweet ng mga replies nya
At ang bilis rin namang nahulog ni tanga
Sa mga ngiti nyang sakin ay nagpapasaya
Sa mga mata nyang nangungusap at ako'y pinakakaba
At sa amoy nyang malayo palang alam kong ang parating ay siya.
Wala, di ko na napigilan at sakanya'y unti-unting nahulog na.
"Good morning, mag iingat ka"
Mensahe nyang kahit nung umpisa'y walang kahulugan, labis namang saki'y nagpapasaya
"Kumain kana, h'wag magpapalipas ha?"
Naaalala nya pa kaya?
Kung gaano sya nag-alala
Ngunit isa pang bagay na aking naalala
Ang kanyang talento sa pagkanta at interes sa musika
Na nagpatibay ng aking pagkagusto sa kanya
Sa wakas! Nakahanap ako ng aking kapareha.
Ngunit sa tuwing ako'y kikiligin at sasaya,
palaging nariyan ang masakit na gunita ng kahapon
Kalungkutan at pagkalugmok na tila ang hirap bumangon
Pero unti-unti nyang pinalitan ng saya ang lungkot na saki'y bumalot ng ilang taon
Ilang taong kalungkutan na pinalitan nya ng saya sa loob lamang ng dalawang buwan ng isang taon
Oo, ganun ang saya na idinulot nya noon
Ewan ko lang kung anong nangyari ngayon.
Napakabilis ng basta ng mga pangyayari
Isang araw nalang magkayakap kami, sa dibdib nya ako'y humihikbi.
Araw na kelanman hindi mawawala sa aking isip.
Bigat ng nararamdaman ko dahil sa nakaraan ay aking sinabi
Kasabay ng malakas pagpatak ng ulan
Sa gitna ng daan, sa harap ng gusali ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa agrikuktura
Humagulgol ako kasabay ng malalaking patak ng luha saking mga mata.
Dinamayan niya ako at araw-araw nanatili sa aking tabi
Ako sa kanya'y lagi nang dume-depende at naging komportable.
Masaya kami palagi, makikita naman sa kanyang ngiti.
Madalas man syang concerned sa ibang babae
Alam ko namang espesyal ako at hindi yun maitatanggi.
Kapag kasama ko siya, pakiramdam ko'y nasa langit ako.
Halos tumalon sa saya ang puso ko marinig ko pa lamang tinig niya.
Sana hindi na iyon magbago. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nawala pa siya.
"H'wag kang magbabago ha? Please stay."
Palaging nasa isip ko kapag ang laman ay siya.
Proud ako sa kanya ng sobra.
Gwapo matangkad at maappeal
Payat man ay matalino at magaling kumanta.
Pinatunayan sakin na hindi man ako ganun kaganda,
may magmamahal pa rin at tatanggap.
"Salamat at dumating ka sa buhay ko"
"Ikaw na ba ang biyayang ibinigay Niya?"
Sana'y dito ka lang palagi sa tabi ko.
***
BINABASA MO ANG
MALAYA
Short StoryPalayain ang iyong puso Ipabatid ang tunay na nararamdaman Ipakita ang tunay na kulay. Ang maikling kwentong ito ay naglalarawan ng pusong minsang labis na nasugatan at napuruhan ng dahil sa katangahan sa pagmamahal sa taong paulit-ulit nang bumitaw...