Simula

2.9K 85 32
                                    

Disclaimer: This an unedited version. Please be aware that there are some grammatical and typographical problems. I appreciate your patience. If I have some free time, I will modify it. And will also be deleting unnecessary parts and will add more scenes.

Your vote and feedback are greatly valued for purposes of encouragement and improvement. Thank you. Happy reading!

***

Takam na takam ko na sanang kakagatin ang hawak kong hamburger nang dumating si Janah. Umupo ito sa tabi ko na hawak-hawak ang tiyan. Mukhang galing ang gaga sa banyo. Binitawan ko ang burger at inabutan siya ng perfume.

"Ano 'to?"

"Air freshener. Spray mo at nang hindi ka nangangamoy tae. Gaga!"

"Panis na yata yung suman. Bigla na lang sumakit ang tiyan ko matapos makain 'yon," aniya saka inabot ang perfume ko at nag-spray.

"Janah?"

"O, bakit? Natatae ka rin?" tugon niya.

"Gaga!" singhal ko. "Si Magellan ang pumatay kay Lapu-Lapu 'di ba?"

"Bakit?"

"Nalito kasi ako kanina sa quiz. Sayang kung mali yung sagot ko, eh goal ko pa naman na maka-perfect sa quiz," wika ko. "So, tama ako? Si Magellan 'yon 'di ba?"

"Mali ka."

"Bakit? Sino pala ang pumatay kay Lapu-Lapu?"

"Si Mama," confident niyang sagot.

"Ha?"

"Kasi niluto niya yung binili ni Papa na isang kilong lapu-lapu kagabi. Ulam namin." Kinuha niya ang burger ko saka kumagat dito. "Pero huwag mo akong pagbintangan, ah? Si Mama lang ang pumatay sa kanila. Kumain lang ako."

Sinapok ko siya sa ulo kaya napahawak siya rito at hinimas-himas. Napailing na lang ako sa katangahan ng kaibigan ko. Hindi ko talaga maiwasang isipin na may nangyari sa kanya habang pinagbubuntis ng Mama niya.

"My God, Janah! Hindi ko alam minsan kung nasa ulo ba talaga ang utak mo or nasa puwet."

"Grabe ka naman. I hate you, Camille Joy!"

"I hate you too," tugon ko.

"E, ako? Do you hate me, Camille?"

Pareho kaming napatingin ni Janah sa lalaking sumulpot sa harapan namin. Matangkad, moreno at nakataas ang itim na buhok. Nakangiti ang loko habang nakatingin sa akin. Awtomatikong nalukot ang mukha ko sa inis.

"Not just hate, Jovert. I loathe you."

Inayos ko ang mga binili kong pagkain at isinilid sa supot. Tumayo na ako sa pagkakaupo para layasan ang asungot na hindi pa rin maka-get over sa kagandahan ko.

"Camille, hintayin mo naman ako!" sigaw ni Janah.

"Bilisan mo kasi. Ayokong nakakakita ng cancer."

"Correction, Pisces ako," nakangiting saad ni Jovert.

"Nakakatawa 'yon?" tugon ko saka umirap.

Hinila ko si Janah at naglakad na kami palayo sa asungot. Ilang metro na ang nalakad namin nang marinig kong bumulong si Janah.

"Sinusundan niya pa rin tayo."

Napalingon ako sa likuran at nakita kong nakasunod nga talaga si Jovert sa amin. Kumindat pa ang loko nang magtagpo ang mga mata namin. Napairap lang ako at nagpatuloy kami sa paglalakad ni Janah.

"Camille, baby! Mag-usap na tayo. Let's start a proper relationship."

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi ng loko. Hinarap ko itong nakasimangot pero nakangiti naman ito nang malapad.

"I just let myself flirted with you for fun. Huwag ka nang umasa na mauulit 'yon dahil wala na akong balak pa," inis kong sabi.

"Bakit? Dahil ba nakita mo akong nakikipaglandian sa ibang babae? Sige, titigil na ako. Ikaw na lang. Sa 'yo ko na lang ibubuhos lahat ng oras at pagmamahal ko."

"My God! I just had flirted with you once. Wala akong pakialam kahit ilang babae pa ang i-flirt mo!"

"Talaga ba, Camille? Pero 'di ba nagselos ka no'ng makita siyang may kahalikan na babae? Umiyak ka pa nga, e."

Pinandilatan ko si Janah saka nginitian nang matamis at may halong uyam. "Alam mo, Janah, minsan ang sarap din putulin ng dila mo."

Naitakip ni Janah ang mga kamay niya sa bibig at nanlalaki ang mga mata sa akin. Nabaling ang atensiyon ko sa loko nang magsalita ito bigla.

"See? Hindi ka iiyak kung wala kang feelings sa akin," nakangising sabi nito.

Napangisi rin ako habang nag-iisip ng maidadahilan. Nakakainis naman kasi 'tong kaibigan ko. Binuko ba naman ako. Bwisit!

"Don't think too much of yourself, Jovert." Tumaas ang isa kong kilay. "Oo, aaminin kong umiyak ako dahil sa 'yo pero naka-move on na ako."

"I doubt it. Nakikita ko pa nga ang galit at bitterness sa mga mata mo."

"Tanga! Eyebags 'yan kapapanood ng Korean drama!" sigaw ni Janah saka ito tumawa.

"Hindi ako bitter. Galit, pwede pa."

"Ba't ka galit?"

"Ano bang pakialam mo?" sagot ko. "Tigilan mo na ako, Jovert. Wala akong balak makipagrelasyon sa 'yo. Maghanap ka na lang ng iba."

"Ayoko. Ikaw ang gusto ko."

"Sana all gusto," bulalas ni Janah.

"Isa pang salita, tatamaan ka na," banta ko kaya tumahimik na ito.

Muli kong binalingan ang loko. "Gusto mo ako? Ang tanong, gusto ba kita?"

"Alam kong gusto mo ako."

"Dream on!" sigaw ko. "May boyfriend na ako."

Nangunot bigla ang noo niya dahil sa sinabi ko. Parang gumuho ang mundo niya dahil ilang sandali siyang natigilan. Ngunit, agad rin siyang nakabawi dahil nakuha niya agad akong tawanan.

"At sino naman ang boyfriend mo?" mapang-asar niyang tanong.

"Akala ko, best friend tayo? Bakit hindi mo sa akin sinabi na may boyfriend ka na?" untag ni Janah.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Napalingon ako sa paligid at nahagip ng paningin ko ang isang lalaking paparating sa kinatatayuan namin. Humugot ako ng malalim na hininga bago naglakad para salubungin ang lalaki.

"Love!" sigaw ko at sinunggaban ito ng yakap.

Matapos ko itong yakapin, hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi nito bago ko ilapat ang mga labi namin. Nakita ko ang gulat sa mukha niya pero mas diniin ko pa ang mga labi ko sa kanya. Agad itong kumawala at itinulak ako palayo.

"Meet my boyfriend," nakangiting sambit ko habang malokong nakangiti kay Jovert.

"Oh my God! This girl harassed my lips!" maarteng sigaw nito.

At first sight, I thought he's a guy but I think, he is gay. Wrong move, Camille.

That's My GayfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon