Wakas

1.7K 93 57
                                    

“That’s good? You're happy that we're not dating?”

"Ha? May sinabi ba ako?"

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Hindi naman siya makatingin sa akin hanggang sa tumayo na lang siya at nagpaalam na iihi.

Ilang sandali akong natigilan habang napapaisip. Sumunod ako sa kanya dahil alam kong umiiwas siya. Malakas ang pakiramdam ko na may ibig sabihin yung sinabi niya.

Napakamot ako sa ulo nang hindi ko na makita si Junior. Hindi ko na siya nasundan kung saan siya nagpunta.

Sa paghahanap ko ay napadaan ako sa grupo ng magkakaibigan. Nahihiya akong dumaan pero nagawa kong makalampas. Nakarinig ako ng sipol mula sa mga ito. May tumawag pa sa akin pero hindi ako lumingon.

"Miss, sandali." May lalaking humarang sa harapan ko. Nakangisi. "Pwede ka ba namin maimbitahan ng mga kaibigan ko?"

"Sorry, may kasama ako."

"Alam namin. Madali lang naman. Gusto lang namin makipagkilala."

"Sorry," sabi ko at nilampasan ito.

"Ang bastos mo naman!"

Napahinto ako sa paglalakad sa sigaw ng lalaki. Napalingon ako at kunot noo itong tiningnan.

"Excuse me?"

Ngumisi ito at lumapit sa akin. Napaatras ako nang tangkain nitong hawakan ako. Narinig ko ang hiyawan mula sa kanyang mga kaibigan.

"Huwag kang matakot. Hindi naman ako masama." Akmang hahawakan ulit ako nito pero agad ko itong itinulak. "Come on, Miss."

Tinalikuran ko ito at naglakad ulit. Kumalabog bigla ang puso ko nang maramdaman ko ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa pulsuhan ko.

"Bitawan mo ako!" sigaw ko at nagpumilit makawala. "Ano ba! Bitawan-"

Biglang bumagsak ang lalaki sa lupa nang makatanggap ng suntok. Nakita ko si Junior na umaapoy sa galit. Hinawakan niya ang kamay ko at itinago sa kanyang likuran. Tumayo ang lalaki at galit na hinarap si Junior.

"Anong problema mo?!"

"How dare you touched my girl? Huwag mong dinadamay sa kalokohan n'yo ang girlfriend ko! Gago!"

Hinila ako ni Junior pero napahinto kami nang balikan siya ng suntok ng lalaki. Hindi ko alam kung saan humugot ng lakas ng loob itong si Junior at nakipagsuntukan pa siya sa lalaki.

Pumagitna ako sa kanila at sinubukang umawat pero bigo ako. Galit na galit sila. Nainis ako sa mga kaibigan ng lalaki dahil walang ginawa ang mga ito kundi ang manood lang.

Napahinga ako nang maluwag nang dumating si Richard at Janah. Agad naawat ni Richard ang dalawa. Hinila namin si Junior at umalis na kami doon.

"Anong nangyari? Bakit nagkasuntukan?" tanong ni Janah pero walang nagsalita sa amin. "Okay. If you don't want to talk about it, matutulog na lang ako. Good night."

"Good night," tugon ko at pumasok na ito sa tent namin.

"Matutulog na rin ako," paalam ni Richard at pumasok naman sa tent nilang magkapatid.

Naiwan kami ni Junior. Pasimple ko siyang pinagmamasdan. Nakatingin siya sa malayo at magkasalubong ang mga kilay. Napakagat ako ng labi nang makita ang ilang pasa sa mukha niya.

Mas matindi ang natamo niya kumpara do'n sa lalaki. Marahil dahil bakla siya at hindi sanay sa suntukan kaya gano'n. Pero proud ako sa kanya dahil nagawa niya akong ipagtanggol.

"Hindi mo na dapat pinatulan ang lokong 'yon. Nagkapasa ka pa tuloy."

Matalim niya akong tiningnan. "Hindi ka dapat nagpunta doon!"

That's My GayfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon