Chapter 1

9 1 2
                                    

Chapter 1

Nakabalik na kami sa room, 3:00-4:00 namin yun na lesson, tsaka pagkatapos uwian na.

Di ako nakikinig sa mga sinasabi ni Prof, nagt-take down notes lang ako at hindi umiimik. Di pa rin nawawala sa isip ko yung mga sinabi kanina ni Amber.

Ako'y nanghihina, parang gusto ko ng umuwi at magpahinga...

Ng biglang naalala ko yung naka-sulat sa letter na isinulat pabalil ni Jace. 'Sana magkita tayo para tayo mag usap.' Napa-ngiti ako ng naalala ko yun. Pero nung sinabi ni Amber...

Tinawag ko si Alizia, "pwede pumunta diyan at umupo?" Tanong ko rito, tumango naman si Alizia. "Alizia..."

"Oh? Nag-sisisi ka na ba?" Seryoso nitong sabi sakin, tumango naman ako. "Ikaw naman kasi, e. Ba't ba sinabi mo pang prank lang yun, hayy Kendall, ikaw nanaman 'tong masasaktan." Dagdag nito.

"Di ko naman buhos akalain na magkaka-gusto si Amber kay Jace, e. Aaah." Naiiyak na sabi ko tsaka napa-face palm.

"Tss. Sino daw pupunta sa gym sa lunes para makipag-usap kay Jace?" Tanong ni Alizia.

"S-si Amber..." sabi ko tsaka napatingin kay Amber na nakasubsob yung mukha sa kamay nito. Hayst, nagd-drama nanaman ata 'to.

"May plano na ako, Alizia." Maligayanh saad ko kay Zia.

"Amp, parang kailan lang, e, 'no?" Natatawa nitong sabi, "kanina naiiyak ka tapos ngayon maligayang-maligaya? HAHAHA."

I rolled my eyes nalang. Kinuha ko yung phone ko tsaka tinignan kung anong oras na, 3:47 pm, yesh! Matatapos na rin 'tong discussion ni Prof.

"Okay class, dissmiss." Ani ni Prof. Gonzales tsaka lumabas na ng room.

Agad akong tumayo tsaka pumunta sa upuan ko para kunin ko yung bag ko para pumunta sa room ng kapatid ko.

Palabas na sana ako ng biglang hinawakan ni Kallister yung balikat ko. "Hep! Hep! Kendall, sweeper mo ngayon. Wag mong sabihin tatakas ka?"

Amp. Alibi... Alibi... Aha! "Kallister, andito na kasi si Papa, kukunin ako. May dinner kasi kami mamaya, whole fam yun, sige ah? Punta na ako, babye!" Hinila ko palabas si Alizia at sumunod naman si Amber, -,-

Pumunta ako sa silid ng kapatid ko, which is andoon rin si Jace, pero hayst. Act natural lang self.

"Hades!" Tawag ko sa kapatid ko. Pumunta naman siya sa kinaroroonan ko, nakakunot noo itong nakatingin sakin. "Sabay tayo uwi, pleaseee!" Pamimilit ko sa kanya.

"Tingnan ko lang..." sabi nito tsaka pumasok ulit sa room nila. Ok-

"Tara Alizia, puntahan natin si Ivy. Ikaw, Amber? Ba't kinikilig ka?" Tanong ko kay Amber ng nakita kong nag-aayiee ayiee.

"Tumingin sakin si Jace, Kendaaaall! Aaaah!" Huh? Busy naman si Jace kanina sa pag-gugunting, ah? Hayy, hayaan ko nalang 'to.

Pumunta kami sa room nila Ivy, sakto naman andoon si Miracle. "Miracleee!" Tili ni Amber tsaka yinakap si Miracle.

"Brad-" sabi ko nalang tsaka ngumisi.

Nag-antay kami doon buong magdamag hanggang sa pumunta nalang yung kapatid ko doon kasama dalawa niyang kaklase.

I was in the middle of imagining kung anong mangyayari sa lunes ng biglang nagsabi si Amber ng, "gusto ni Jace ako maka-usap sa lunes." Masigla ito habang sinasabi yon.

I faked a smile, "yieee, kinikilig siyaaaa~" tili ko KUNO.

Tumingin sakin si Miracle ng naka-sanaol look. I smiled, a bit.

"Kinikilig na talaga ako pag lunes, ready na ko maka-usap si Jace." Saad nito, "ge, puntahan ko na si ate." Sabi nito tsaka umalis na. Napa-buntong hininga nalang ako, my heart... mahina pagtibok non, and it scares me. Baka mapa'no pa ko if ipagpatuloy ko 'to.

"Alis na rin ako, bye Miracle, bye Kendall." Ani Alizia tsaka umalis.

"Pst!" Liningon ko si Miracle, "sinabi sakin ni Alizia tungkol doon sa letter, ano na gagawin mo ngayon?"

I smiled, "susuportahan ko siya para kay Jace, syempre! Kaibigan ko yun, e. Lol HAHAHAHA."

"E, pano na yan?" Tinuro nito kung nasan yung puso ko.

Napahinto ako, oo nga 'no? Pa'no kaya 'tong puso ko? Sasagot na sana ako ng biglang dumating si Ivy kasama yung pinsan kong si Alex, yeah, classmates sila.

Itutuloy...

—●—
So ayown, 674 words hahahaha! Sana nga't mag-thousands pa yung words na gagawin ko, lol.

Hanggang sa muling update, hehehehe

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Prank Love LetterWhere stories live. Discover now