Ano?

27 24 1
                                    

Pagod na ako,
Pagod na ako
Magsabi na ok lang ako
Pagod na pagod na ako

Kasalanan ko ba?
Kasalanan mo ?
O kasalanan nating dalawa
Kung bakit tayo naging ganito

Lumipas ang mga araw
Na hindi tayo nagkikita
Hanggang sa nakasanayan ko na
Hindi na kita hinahanap hanap pa

Naalala ko pa
Yung mga araw na naiisip ko
"Ano ba tayong dalawa? "
"Hanggang dito nalang ba tayo?"

Hindi ko na maramdaman
Ang bawat salita mong
Dati'y kinaliligaya ko
Nagbago na ang lahat

Hindi ko na maalala ang kasiyahan ko
Tuwing nakakasama ka
Hindi ko na makita ang sarili ko
Kasama ka

Bakit tayo naging ganito?
Ako ba talaga ang nagbago?
O ikaw?
Parehas tayong nagbago.

Sabi mo mahal mo ako
Pero bakit biglang di ko na maramdaman
Sabi mo maghintay lang ako
Hanggang kailan ako mag aantay?


Mga Tula Ni PitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon