Chapter 3: Journalist Fair. (Part 2)
Ashklein P.O.V
Kasalukuyan akong nagiimpake ng mga gamit dahil tatlong araw daw kami sa fair na iyon at bukas na kami pumunta doon.
Nang maipasok ko na lahat ng gamit ko sa bag ay humiga ako sa kama at kinuha yung ticket na binayaran ko na two thousand.
Napangiti ako ng makita ang pangalan ko doon, kinuha ko na din yung ID na gagamitin namin bukas para makapasok. Tinitigan ko sila at napangiti ako.
Minsan lang ako payagan ni mama na maglakbay sa kahit anong lugar. Kaya ang swerte swerte ko ngayon.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya, "Ma?"
"Oh Klein? Bat ka napatawag? May problema ba?" Bungad ni mama sakin ng mga tanong.
"Ahh.. Wala po ma. Salamat po pala sa pera na pinadala niyo." Sabi ko Kay mama. Gusto ko na talaga ng maiyak dahil miss na miss ko na siya, She's my treasure. My one and only.
"Hay nako Klein, Obligasyon ko yun. Ano ka ba?" Sabi ni mama kaya natawa kami pareho. Marami pa making pinag-usapan ni mama katulad ng, kung maayos ba siya ngayon? Maayos ba trabaho niya?
"O sige na ma. Baka nakaka-istorbo na ako sayo o baka may Ginagawa ka pa, Ibababa ko na po to. Maaga din po kasi ako bukas." Sabi ko Kay mama tsaka pumayag din siya. Ibinalik ko ang ID at ticket na kinuha ko kanina at inilagay sa bag.
Kinuha ko yung Cellphone ko at nag post sa FB
'Tomorrow is the day.'
Wala pang sampung minuto e nakakuha na ako ng 20+ likes.
Binaba ko yung phone ko at pumikit nalang.Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil maaga rin naman akong natulog. Ginawa ko ang morning rituals ko tsaka nagbihis.
Lumabas ako ng bahay dala-dala ang bag ko na may lamang mga damit.
Naglalakad ako papuntang sakayan dito sa subdivision na ito. Nang makarating ako dun ay agad akong nakasakay. Nakarating din naman ako sa Pinag-usapan namin na mag kita.
ang akala ko ay ako ang una, may mas nauna pa pala saken.
Lumapit ako dito "Ahh.. Kasali ka ba sa Journalist Fair?" Tanong ko dito. Lumingon siya sakin at nginisihan ako.
"Ahh .. Oo eh," sagot nito saken, nginitian ko siya pabalik. "Ikaw ba?" Pabalik na tanong nito saken.
"Oo, napa-aga nga ako e. Baka kasi maiwan ako. Nah! Di pwede yun ano." Sagot ko sakanya, tumawa siya kaya napatitig ako sakanya.
Di mo talaga ikakailang ang ganda nang pagkakagawa ng mukha niya, Sa ganda ng mata, ang tangos nang ilong, at ang mapupula niyang labi.
"Alam ko namang gwapo ako miss, Di mo na kailangan isa-isahin ang pagkakagawa sa mukha ko. HAHAHA"
"Nagparetoke ka ba?" Pabalang na tanong ko sakanya,
"The fvck?! Ako? No need miss," sabi nito sakin. Ang OA ng bekleng to ah! Kala mo naman talaga. "By the way, What's your name miss?" Tanong nito sakin.
"Ashklein Rexhyn, Ikaw Mr.?" Tanong ko pabalik sakanya. Naglahad ako ng kamay sa harapan niya. Nginitian niya ako tapos tinanggap iyon.
"Kael, Kael Zormen." Sagot nito saken, Really?! Agh! Tama talaga si Xhy, gwapo nga talaga to. Ayts.
YOU ARE READING
Private vs. Public
RandomShe isn't that poor. He's like living in a gold. She isn't that Famous. He is most recognizable. She isn't the ideal girl While.... He is almost perfect.