• Clock is Wise •

9 0 0
                                    

Anri's POV.

Binawi ko ang kamay ko at napasandal sa sofa,pafall ba tong baklang to?Well,Di sya effective!
Hawak ko parin ang wrist ko habang nakatingin sa kanya,with i dunno--mad eyes??

"Ba't mo yun ginawa?!Tsaka wag mo ngang kontrolin ang katawan ko!Just so you know labag yun sa will ko." Galit kong saad,ngumiti sya saka tumayo at lumapit sa isang bookshelf."My dear,minsan kailangan mong gawin ang labag sa kalooban ng iba para makuha mo ang gusto mo."

Nilingon nya ako at kinuha ang isang manipis na journal na nababalot ng ugat ng puno,hinagis nya sakin yun and i barely catch it.Lumanding yun sa hita ko na agad ko namang kinuha,sinuri ko ang journal.May isang maliit na padlock sa gitna ng leather cover,ang mga ugat ay nagmumula sa likod ng journal na umaabot sa padlock atpumapagilid ito."Anong gagawin ko dito?"

Umupo sya sa kinauupuan nya kanina at naghalumbaba sa table,"Isang law making journal,binibigay ko yan sayo."sabi nya saka nilagyan ng sugar cube ang tsaa nya.Sinubukan kong buksan yung journal pero di ko manlang mabuwag yung mga ugat.Frustrated kong tinignan si Alastair,"Ba't di ko mabuksan?"

"Ahaha,Anri sweetie,kailangan ng susi."sabay higop ng tsaa.Tinignan ko ulit yung maliit na padlock saka ibinalik ang tingin sa kanya."Nasan yung susi?"Umiling-iling sya saka tumingin sakin.Inilapag nya muna yung teacup saka lumapit sakin at umupo sa tabi ko.Kinuha nya ang journal sakin saka ginawa ulit yung circular motion,may isang susi ang biglang lumitaw sa harap ko na may kasamang tali.Iniwasa kong tingnan si Alastair at nagdesisyong kunin nalang ang susi,binuksan ko ang journal at medyo nagulat dahil walang nakasulat.Amoy black tea ang bawat pages ng journal," Natapunan mo ba to ng tsaa?Ba't amoy black tea?"

Tumikhim si Alastair saka kinuha saken ang journal at nilapag sa mesa."Alam kong may tanong ka kung bakit ibibigay ko to sayo---'?" "Well yeah meron nga,para saan ba---" "Let me finish,Anri...So!Magsisibli itong law entries,gagawa tayo ng rules na naayon sa gusto natin.But mind you dearie,dapat patas para sating dalawa ang gagawin mong rules."

Sheesh.Tumango ako saka tinignan ang journal."Magsusulat ka rin ba ng entries?"tinignan ko sya,still,hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mukha nya."Of course."

"Pero may itatanong lang ako sayo Anri Dreeks." tinaas ko ang isang kilay tsaka tinuon ang atensyon sa teacup na hawak ko."Ano naman yun Alastair? "

Ramdam ko ang titig nya sa bawat halo ko sa tsaa gamit ang kutsara,parang tinitignan nya ang kaluluwa ko.Ay teka,kaluluwa na ata ako,I'm pretty sure patay na ko eh."Bakit gusto mong buhayin kita pabalik?"

Napahinto ako.Bakit nga ba?

Napunta ang atensyon ko sa kanya,inaabangan nya lang ang sagot ko.Huh,pasensyoso pala si Alastair.Nilagay ko sa mesa ang teacup at nilingon ang fireplace,nagi-illuminate ang ilaw ng apoy sa silid na to na nagsisibling tanging ilaw namin.Bakit nga ba?May mga gusto akong balikan at balak tapusin,at patunayan.

"So..?"Alastair.

" Sa totoo lang,Alastair. Hindi kita masyadong kilala,we met like half an hour ago at mababase mo dun ang level of knowledge ko sayo.It's 0%,hindi kita kilala nor alam kung paano ka mag-isip."tinignan  ko sya,alam kong alam nya na binibigay ko ang honest opinion ko sa kanya at sa magiging sagot ko."Ni hindi ko alam kung pagkakatiwalaan kita.But I need you to bring me back,na tulungan akong patunayan sa iba kung paano ako babangon*ahem no pun intended*,"may biglang sumulpot na ballpen sa mesa at para itong compass na nakaturo sa journal."Besides,kailangan kong patunayan sa mga taong yun sa school na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko mula sa kagaguhan nila."

Nagulat ako nung biglang tumayo si Alastair at pumalakpak."Such determination,I applaud to you missy."pahulog syang umupo ulit at tinignan ang journal.Hinawakan ko ang fountain pen saka aakmang magsusulat na nung biglang nagsalita si Alastair."Be wise Anri,make sure na sigurado ka sa bawat salita na isusulat mo sa pages na yan.And trust me,I'll do the same."

Nakatitig ako sa kanya,gripping the pen tightly.Ngayon,dahil sa sinabi nya,hindi ko na alam ang isusulat ko.Argh,ginugulo ni Alastair ang utak ko.Argh..

"Isa kang deal maker diba?" tanong ko.

"One of my occupations,yes."

One of my occupations?Ibig sabihin may iba pa syang ginagawa,I'm pondering to know kung ano ang iba.Nanghalumbaba ako sa mesa kagaya sa posisyon nya nang hindi tinatanggal ang titig sa kanya."Ayos lang ba kung tanungin kita ng ilan?Para patas,you knew me and I know marami kang alam sakin.Alastair,you're not being fair."

Dumilim ng konti ang paligid at mistulang naging malamig,lumawak ang ngiti ni Alastair at biglang umikot ang cogwheel-like eyes nya at umilaw yun ng golden brown.Naramdaman ko ang kaba pero hindi ko hinayaan yun na ipakita sa misteryosong lalaki na to.

Inilapit nya ang mukha nya sakin leaving 4 inches space between us and---imposibleng halikan ako netong baklalers na to---stared at me in the eyes.Nahihilo ako dahil sa ikot ng mata nya (yung cogwheels iris nya).

"Hindi ko akalaing ganito ka ka-analytic at katalino,don't think ahead yourself just finding out na hindi ako naging patas--" glitched ang boses nya at yung tickings na narinig ko kanina,ay naririnig ko ngayon.Umatras si Alastair at bumalik sa dati ang lahat,hindi na umiikot ang cogwheel-like eyes nya at normal na ang ngiti nya.God hindi ba sya nangangalay sa kangingiti??

Dahan-dahan kong pinakawalan ang paghinga ko na di ko namalayan na tumigil.Hawak ni Alastair ang katana case nya at nilalaro nya yun sa paraan ng pagpapaikot nito sa kamay nya,"--but,yes haha.Pwede kang magtanong,marami pa naman tayong oras."Tinignan nya ang pocket watch na nakalambitin lang sa suit nya."You can start asking while writing your laws."

Ngumiti ako saka tumango,finocus ko ang sarili sa journal saka isinulat ang gusto kong mga batas."Ano ang iba mong 'occupations'?Sabi mo kanina isa lang ang deal making sa mga yon."

Kumuha sya ng butter cookie at kinagatan iton,"You pay attention to details,impressive.Yes,isa ang deal making sa mga iyon.May apat akong kakayahan;Retribution,Spatial manipulation,Creation at ang isa ay Wise clocking."

Napaangat ako ng tingin sa kanya,"Saan ang occupations dun?!"Tumawa si Alastair at umiiling na tinignan ako."Anri dearie,yun ang occupations ko.Ang kaya kong gawin at kontrolin,what?You think nagtatrabaho ako?Ahaha!Such nonsense there"

Inirapan ko sya at ibinalik ulit ang atensyon sa journal,baliw talaga sya.Baliw na bakla.Nagshift sya ng posisyon sa pag-upo at ngayon ay nakaharap na sya sa fireplace,the flames.illuminating in his eyes.

"May ginawan ka na ba ng deal bago ako?"

"Dalawa sila,centuries apart bago ikaw.I'd say,ikaw lang ang tumagal sa kwartong to." Napalunok ako dun."Hrmm,ba't naman?"

"Because," nahagip ng mata ko ang kamay nya na gumawa ng isang rosas,isang kulay itim na rosas."Naging irasyonal sila at hindi nag-isip,pero ginawa ko ang gusto nila at binuhay sila.Pero,hindi sila gumawa ng batas."

"Ahh...last question na to."nakasandal sya sa sofa habang nakatingin sakin." Ba't ako?"

Inilapag ko na ang pen,tapos ko nang sulatin ang batas ko.It's a tough shit but I need to survive,mahirap na baka magkaroon ng hindi pagkakasang-ayon.

"Bakit nga ba ikaw?Haha!Dahil ikaw,Anri Dreeks.." bigla syang naglaho at naramdaman ko ang presensya nya sa likod ko,nanigas ang buo kong katawan nung bumulong sya sa tenga ko."Ang itinuro sakin ng orasan."



Bumalik sya sa kinauupuan nya pero ngayon ay nakaharap na sya sakin."So!Tapos ka na,"Alastair,kinuha nya ang journal at binasa ito.His eyes are scanning the words with the same expression, nakangiti sya.Err,medyo creepy eh.>__>

Sigurado na ko sa isinulat ko at alam kong sasang-ayon si Alastair,dahil patas ang ginawa ko.Confident ako.And besides,gusto ko pang malaman kung sino talaga si Alastair Circuileté.


 || Deal MakerWhere stories live. Discover now