Simula

33 0 0
                                    

"What? Hell no! Ano na lang ang mangyayari sa atin ngayon, Mom?" I'm very frustrated right now. I don't know how to handle these things lalo't wala na ang Papa.

"I don't know, too. Nak, kumalma ka muna alam kong pagod na pagod ka na." Pagpapakalma ng mama sa akin na kahit papano ay naibsan ang galit, pagod, pagluluksa at iba ibang emosyon na naghalo halo na.

"Ms. Adventura, As what I've said earlier, kailangan niyo ng lumipat sa lalong madaling panahon dahil kukunin na ng bagong may ari ang bahay na ngayo'y tinutungtongan niyo.  Ang tanging maitutulong ko lamang ay bigyan kayo ng matitirhan pansamantala." Attorney Casque, our family lawyer said. Tumango na lamang ako, wala na rin naman akong magagawa.

"Attorney Casque, If you won't mind may gusto sana akong hingilin" Kalmado ko ng sabi dahil kahit ano pa ang gagawin ko ay wala ng saysay, wala na talaga akong magagawa.

"Sure thing, what is it? Yung madali lang hija alam mo na." Tumawa pa siya sa huli niyang sinabi. I nodded my head and smiled a bit.

"Gusto ko po sanang sabihan niyo yung nakabili nitong mansyon na paki alagaan ito ng mabuti alam niyo naman pong pinaghirapan ito ng papa na mapatayo." Nagsariling sikap ang papa upang mapatayo itong mansyon pero kapalaran nga naman talaga nawala pa ang pinaghirapan ng papa.

"So, are you done packing your things?" Tanong ni Attorney Casque pero napatango na lamang sa sariling tanong nung makita niyang tapos na kaming mag impake. "Let's go?" Dagdag niya at nauna ng lumabas ng mansyon kung kaya'y sumunod na kami.

Tiningala ko ang mansyon at huminga ng malalim. Hanggang dito na lamang ang mga pinaghirapan ng papa na maipundar. Pinahid ko ang mga luhang nakawala sa mga mata ko, di ko namalayang naiyak na pala ako.

"Huwag ka ng mag-alala pa anak, balang araw ay babalik rin ang mga nawala sa atin." Hinagod ng Mama ang likod ko at napayakap sakaniya habang humahagolhol.

Money is really powerful nowadays, if you don't have the money to buy anything or everything you wanted or needed, then you're nothing. They'll just ignore you like you're nothing but a damsel in distress, a trash, an invisible, an air and whatsoever shitness. No one will help you except yourself.

Alam kong namamahinga na ang Papa malayo sa hinaharap naming mga problema ngayon. Hindi ko alam kung bakit naghirap kami ng ganito na umabot na sa puntong wala na kaming matitirhan. Akala ko maayos lang ang pamamalakad ng kompanya habang nagpapagaling ang papa sa kaniyang sakit sa puso pero sinabutahi lang pala ng mga kasosyo ng papa hanggang sa nagkautang utang na at hindi na nababayaran.





"I have to go, ladies. At ito na muna ang maipapatira ko sainyo pansamantala. Walang gamit masyado since matagal na tong hindi tinitirhan kaya pagpasensyahan niyo na. At kung may kailangan man kayo ay tawagan niyo lamang ako." Ang istilo ng bahay ay parang pinaghalong moderno at sinaunang pangkastilang bahay. May kalakihan rin naman ang bahay na napapalibutan ng mga Bermuda at mga Santan. At ang loob ng bahay ay may maraming nakadikit na mga pintura ng mga hayop at cross stitches na grupo ng mga bata.

"Mr. Casque you've done enough for us. This is too much for us and we're very thank you for lending your house for us." Ang pagkakasabi ko ay puno ng sinsiridad at pasasalamat pero hindi pa rin nawala ang pagkapormal. I was born with it at hindi na mawawala pa ito sa akin.

Umuwi na si Mr. Casque at naiwan kami ng mama dito sa bahay. We unpacked our luggages and put it on the Cabinet. Kahit ang cabinet ay moderno na gawa sa kahoy. Pagkatapos ay bumaba ako at lumabas para makapagpahangin man lang.

"Maswerte talaga tayo kay Mr. Casque, nak." Tumabi ang mama sa akin, sumunod pala siya sa akin. "Tomorrow, I'll try to look for a work so that we can pay for the bills and needs."

"No Mom, ako na ang maghahanap ng trabaho. Stay here mom and just do some things you wanted or do the household chores. I can't afford seeing you working for us, Mom." Hindi ako papayag na ang mama ang magtatrabaho para sa aming dalawa.

She tried to protest against me but failed. After a "No Buts" with a serious tone, she quitted. Bukas ay sisimulan ko ng maghanap ng trabaho at siguro mag aapply ako bilang sekretarya pero kung hindi papalarin ay ordinaryong empleyado na lang.

"Don't worry nak, I'll help you with the expenses here in the house. May natitira pa naman sa savings ko." Napapikit ako ng mariin, ito na naman. Kukuha na naman sa savings hanggang sa maubos.

"No mom, kaya ko na." I still managed say it clearly without cracking my voice. I hold my tears back. We're nothing today compared to our luxurious life before.

"Let's go upstairs Mom, we're going to sleep now." Tumango ang Mama at nauna ng naglakad papasok ng bahay kaya sumunod na rin ako.

Humiga ako sa kama at napabuntong hininga habang tinitingala ang bubong. How I wish I could go back to the way used to be live with. How I wish Dad never passed away so that He can help deal these problems we're currently facing right now. Pero tama lang rin na namatay ang papa para makapagpahinga na siya at malayo sa mga problema.

Sana lang talaga ay matanggap ako para may pangtustos kami sa pang-araw-araw na buhay. Bukas ay isang panibagong kabanata na naman ng buhay ko. Panginoon, tulongan at gabayan mo po ako, kami, sa aming mga problemang kinakaharap at masulosyonan ito. Sana lang po ay matanggap ako bukas na bukas. Amen.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Owning Her VirginityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon