Part 1 | 1

234K 3.8K 1.5K
                                    

Chapter 1
Kendrick

***

"Kendrick naman, pati ba naman ang humalik hindi ka marunong?"

"Ka-kasi..."

"Kaya ako pa lang ang nagiging girlfriend mo kasi wala kang kwenta!"

Ang sakit.

Alam ko namang wala akong kwenta, kailangan pa bang ipagdikdikan sa akin 'yon?

"Jesse..." tawag ko sa kaniya.

Kaming dalawa lang ang nasa kwarto niya dahil wala ang parents niya at nag out-of-town. Pinapunta niya ako kahit late na. May sasabihin daw kasi siyang importante sa akin. Hindi ko naman alam na ito ang gagawin namin.

Don't get me wrong. Siyempre gusto ko rin naman 'to. Lahat naman ng lalaki sa mundo gusto nito. Pero hindi ko kaya...nakakabanas. Nakakahiyang wala akong kayang gawing tama habang nakahiga sa tabi ni Jesse. Nakakainis!

"Shut up. Ayoko na sa'yo, buti pa si Leo marunong humalik at hindi tumatanggi sa..."

Bigla na lang nandilim ang paningin ko. Ewan ko ba, nang marinig ko ang pangalan ng taksil kong kaibigan na binaggit ng girlfriend ko, bigla na lang kumulo 'yong dugo ko.

Hindi naman maikakaila na hamak namang mas gwapo at mas may dating sa akin si Leo. Matalik ko siyang kababata simula pa nang nakatira kami sa probinsya pero simula nang dumating kami rito sa Maynila ay nagbago na siya. Napasama siya sa ibang grupo ng tao at naging babaero na siya. Tsk.  Pati ang girlfriend ko dinamay niya pa.

"Ano 'yon, ginagago niyo ba ako ni Leo pag nakatalikod ako?"

Alam ko naman 'yung sagot sa tanong ko. Alam kong oo. Hindi naman ako manhid at bulag para hindi mapansin na sa tuwing wala ako, sila lagi ang magkasama at pag nandyan naman ako hindi nila ako kayang titigan sa mata at halatang kabado sila. Hindi rin naman ako bingi para hindi ko marinig 'yung mga kaklase namin na pinaguusapan sila.

Tanga lang talaga ako at nakuha kong tiisin si Jesse. Ano ba naman ang magagawa ko kung mahal ko talaga siya? At isa pa, siya lang ang sumagot sa torpe at jologs na katulad ko, kaya ayaw ko siyang pakawalan kahit na alam kong laro lang ito sa kanya.

"Oo bakit? Masama ba 'yon, ha? Masakit bang marinig na gusto ko 'yang bestfriend mo? Masakit bang marinig na mas magaling siya sa'yo?"

"Pe-pero..."

Bakit ba ako nauutal? Bakit ba kasi kailangan ako pa 'yung niloloko? Bakit ako pa 'yung kinakaliwa? Nakakabanas! Siya lang ang taong minahal ko nang ganito, tapos niloko pa ako. Pati ang pag- aaral ko, napapabayaan ko na para lang masunod ang bawat hiling niya tapos ito lang ang gagawin niya sa akin? Ipagpapalit ako basta-basta pagkatapos ng dalawang buwan na naging kami tapos sa matalik ko pang kaibigan?

Tumayo siya at isinuot 'yung blouse niyang hinubad kanina.

"Alam mo kung bakit mas magaling si Leo sa'yo?"

"Please...Please Jesse...wag mo nang sabihin sa akin 'yan..."

"Ken, kailangan mo itong marinig..."

Bad Girl For A Girlfriend (Published under Pop Fiction and Selfpub under Kpub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon