Part 1 | 3

162K 2.8K 234
                                        

Chapter 3
Kendrick
***

Ang sakit ng ulo ko. Nakikisabay pa ang napakaingay na alarm clock. Kaya parang hinihiwa tuloy ng paulit-ulit at minamartilyo ang bungo ko. Mukhang napasobra yata ako sa pag-inom kagabi kaya pati ang katawan ko ay napakabigat.

"Tsk!" Hindi ko na napigilan ang sarili at ibinato ko na sa hindi malamang direksyon ang alarm clock nang hindi ito natigil sa pag-iingay.

Napagulong ako sa kama at iminulat ang mga mata. Agad na sumalubong sa akin ang matinding sikat ng araw galing sa nakabukas kong bintana. Ano ba naman 'yan! Pati ba naman ang araw, hindi nakikisama sa akin?

Kinuha ko ulit ang kumot at nagtalukbong. Parang ayaw ko ng pumasok sa university at nakakawalang gana 'pag naaalala ko ang lahat ng nagyari kahapon. Hindi mawala wala 'yong sakit na iniwan nila sa akin kahit na anong gawin ko. Akala ko makakalimutan ko  'yong pagtataksil sa akin 'pag uminom ako, hindi pala.

Hindi ko lubos maisip na best friend at girlfriend ko pa yung nagwalanghiya sa akin. Grabe, ano ba ang kasalanan ko sa kanila?

Tsk.

Makabangon na nga, ililigo ko na lang muna ito tapos mamaya dideretso na lang ulit ako sa bar para uminom. Wala namang masama maglasing muna ako diba? Kahit sandali lang makakalimutan ko yung katarantaduhang ginawa sa akin.

Tatayo na sana ako kaso umatikabo na naman yung sakit sa ulo ko tapos nakisabay pa yung katawan ko kaya napahiga ulit ako.

Teka nga lang....Paano nga ulit ako nakapunta dito sa kwarto? Ang huli ko lang natatandaan ay may kausap akong babae. Hindi ko na maalala ang mukha niya, lalo pa't hindi ko suot yung salamin ko nang mga panahong yun. Shit! Bukod doon ay wala na akong maalala.

Siguro napadami talaga yung nainom ko, hindi naman kasi ako sanay na maglasing, tanging si Jesse lang talaga ang nakapagpabago sa akin ng ganito.

Pero sino kaya ang nagdala sa akin dito? Hindi naman pwede yung babae sa bar. Hindi nya alam kung sino ako at saan ako nakatira at kung alam man niya, hindi niya ako kayang buhatin papunta sa sasakyan at i-drive dito sa bahay.

Naghinatay muna ako ng limang minuto bago subukan ulit tumayo. Medyo nahihilo pa din kasi ako.

Dahil hindi ko na matandaan kung nasaan na ang salamin ko ay kinuha ko na lang ang luma ko sa may side table at dahan dahang tumayo. Doon ko lang nakita kung anong nangyari sa kwarto ko.

Grabe, parang dinaanan ng bagyo. Ang gulo ng kama tapos nakakalat ang mga damit ko sa lapag. Ngayon ko lang napagtanto na naka boxer shorts lang pala ako. Kinuha ko yung nakakalat kong T-shirt sa lapag kaso bigla akong natigilan ng may nakita akong nakakalat na mga condoms sa lapag katabi ng damit ko.

Ano to?

Saan 'to nanggaling? Wala akong natatandaan na mayroon ako nito dahil unang una wala akong pagagamitan pa. May nangyari kaya kagabi na hindi ko alam?

Pero saan nga nanggaling 'to? Hindi naman pwede bigla na lang ito sumulpot. Hindi din ito pwede dala ng mga katulong na naglilinis kasi halata naman hindi pa sila nakakapasok sa kwarto ko.

Pinulot ko yung mga nakakalat na condoms sa lapag, may nakasamang papel na parang card kaya hiniwalay ko iyon. Tinago ko yung mga condoms sa cabinet ko tapos tinitigan yung parang calling card na hawak ko.

BAD GIRLS COMPANY

Torpe ka ba?

O Iniwanan ka ba at tinawanan dahil hindi ka gwapo, wala kang experience sa relationship, o sadyang hindi ka lang talaga magaling sa kama?

Bad Girl For A Girlfriend (Published under Pop Fiction and Selfpub under Kpub)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon