Seven

1 1 0
                                    

Tambak agad ang trabaho niya sa unang araw pa lang. Salamat sa dating assistant na bigla na lang nawala umano. MIA. Kung bakit at sa anong dahilan, ayaw na niyang alamin.

Isa lang ang alam niya, mababatukan niya ng bongga ang sinumang iyon kapag nakita niya, for sure.

That is, kung magpapakita pa iyon sa Saralde Towers.

Nakarinig siya ng tuktok sa kahoy. Hindi niya pinagkaabalahang pansinin ang anuman o sinumang iyon.

Basta masidhi ang pagnanais niyang matapos agad ang pangalawang batch ng mga folders na kanyang inaayos.

Kailangan na daw iyon ni.. ng kanyang boss.

"Gel?"

Ang malamyos na boses ni Meg ang narinig niya.

"Bakit?"

"May balak ka bang mag-overtime?"

"Overtime?" Noon lang niya napansin ang oras. Mag-aalas-sais na ng gabi.

Oh, shimz!

"Ni hindi ka pa yata nagmimeryenda eh."

"Sa rami ng trabaho ko? Kailangan ko na yatang kalimutan ang pagmimeryenda."

"That's why I'm here." Noon lang ito pumasok sa kanyang cubicle para ipatong sa mesa niya ang styrofoam cups ng kape at ilang sandwiches. "Dinalhan na kita."

"Nakakahiya naman sa'yo. Naabala pa yata kita."

"Don't worry about it. I was about to log out nang makita kong ikaw na lang ang narito. Nakauwi na si Miss Ysa. Iyong ibang empleado nagsibabaan na. May apat lang yata ang mago-overtime, kasama ka na."

"Marami kasing naiwan na tambak na trabaho ang pinalitan ko, eh. At kailangan na ni sir ang mga ito bukas."

Isinantabi muna niya ang ilang folders at papeles para bigyang daan ang pag-aalburuto ng tiyan niya matapos malanghap ang sanghaya ng bagong timplang kape.

"Alam mo, puwede mo naman iyan iuwi para sa inyo mo gawin. Mas safe ka pa doon. Kaysa dito. Lalo at overtime din iyong isa sa empleado nating.. manyak." Pabulong lang nitong sinabi ang mga huling salita.

"Sino?"

Pasimple nitong itinuro ang isa sa dalawang lalaki na nakaupo pa at abala sa pagtitipa sa computer. Ang isa pa sa naiwang empleado roon, na isang babae ay naglalakad na palabas.

"Kaya mas better na iuwi mo na lang iyan kaysa tapusin dito. Kasi, alam mo, kahit sabihin pang lalaki ka, wala ka pa ring panama riyan. Lalo na at.." iminuwestra nito ang kanyang damit, or rather ang kanyang front bumper. "You know what I mean."

"Yes, kuha ko."

"So?"

"Tapusin muna natin ang miryenda and then we'll pack up. Ikaw, wala ka na bang gagawin?"

"Magla-log out na lang."

"Okay."

A few hours later..

"Alam mo," wika ni Meg sa gitna ng pagnguya, "iba ka sa lahat ng les na nakilala ko."

"Paanong iba? Ako ba ang pinaka pogi?"

She smirked. "Aside from that." Nilunok nito ang nasa bibig nito at tumingin ng diretso sa kanya. "Hindi mo sinusubukan na paliitin iyang.. asset mo."

Ang front bumper ko na naman.

Gelo grinned. "As fas as I know, walang voluntary muscle ang dibdib ng tao. Kaya matay ko mang paliitin ito gaya ng ginagawa natin sa tiyan natin, hindi ko pa rin alam kung paano."

Two Of Us [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon