Hey Little Brother!

11 1 0
                                    

    Andito ako ngayon sa kwarto at kakagising ko lang. Halos eleven o'clock na ko ng umaga nagising dahil sa sobrang puyat kagabi. Nilibot ko kasi ang lahat ng mga Department Store sa Ilagan para makahanap ng laruan na gustong makuha ni Zero.

Nakababata ko siya kapatid, 14 years old na siya at ako naman ay 20. Ang sabi sa akin nina mama wala na daw pag-asang magkaroon sila ng panibagong anak dahil may sakit sa puso si mama at pwedeng ito ang maging dahilan para mawala siya sa amin. Pero kahit na bawal sinubukan nila ni papa at si Zero ang naging bunga. Kaya naman kahit ano gagawin ko para sa kanya.

Narinig kong may kumakatok sa pintuan kaya naman binuksan ko kaagad ito.

"Oh Ma, bakit po yun? " taka kong pagtatanong. Base sa suot ni Mama halatang kauuwi lang nila.

"Zera, tulungan mo nga ang kapatid mo sa baba, hindi niya kayang buhatin lahat ng yun. Atsaka alam kong kagigising mo kaya mag luluto ako ng paborito niyong champorado." naka-ngiti niyang sabi sa akin.

Nagmadali akong pumunta sa baba pero nagulat ako ng makita ko si Zero na namumula habang buhat buhat ang dalawang malalaking plastic bag sa magkabilaan niyang kamay.

Lumapit kaagad ako inagaw sa kanya ang kanyang mga bitbit.

"Zero! Ano bang ginagawa mo? Namumula ka na oh" sa walang expression niya na mukha ay biglang lumiwanag ito.

"Pumunta ka na sa kusina, tapos na ata ni Mama yung niluluto niyang champorado" At dali-dali naman siyang tumakbo papuntang kusina.

"Ate! Halika na! Bahala ka uubusin ko to hahaha"  mapang-asar niyang sigaw sa akin.

"Oo papunta na. "

"Ma, ano ba yung mga pinamili mo at parang sobrang dami? " Takang tanong ni Zero habang kumakain pa.

"Mga vitamins mo, tapos nga fruits din atsaka mga basic needs. " Mabilisan niyang sagot at umalis na.

Minsan mahirap din basahin ang nasa isip nila mama kahit pa lagi kaming magkakasama, all i just know is something isn't right.

"Ayyy Ate, busy ka ba ngayon? "

"Hindi naman, bakit ba yun? " Nakatingin siya sa akin ng medyo matagal na may pag aalinlangan sa kanyang nga mata kaya naman nag-kunwari akong aalis na ng biglang hinawakan niya ang aking kanang kamay.

"Ate, punta tayong Time Zone... Pwede ba? "

Tumingin lang rin ako sa mga mata at ngumiti.

"Yes! Thank you ate! " sabay yakap sa akin. Sa aking pag ngiti alam niyang pumapayag ako sa gusto niya.

"Mamayang mga after lunch nalang tayo pumunta ah? " wala siyang sagot kundi panay tango lang.

Natapos na kaming kumain lahat nang biglang sumigaw si Mama.

"Wala! Walang pupunta sa Mall! Tawagin mo nga ang ate mo! " hindi ko na hinintay pang nay tumawag sa akin at pumunta na kaagad kung saan ko narinig ang sigaw.

"Halika Zera, bakit ka naman pumayag sa sinabi ng kapatid mo?" Galit na sabi ni Mama.

"Ma, wala namang mali kung pag- bibigyan ko si Zero diba? Atsaka minsan-minsan lang naman kami mag bonding dalawa." Paliwanag ko sa kanya.

"Hindi mo kasi naiintindihan Zera eh, bawal mapagod yang kapatid mo. "

"Ano namang mali kapag napagod siya ma? Mas maganda nga 'yon para mas masanay siya at para hindi lang lagi dito sa bahay." Pilit kong pagpapa-intindi kay Mama.

"Kapag sinabi kong walang aalis, wala!" At nag walk out na siya sa harap namin ni Zero.

"Zero, sorry ah? Babawi nalang si ate sa susunod. " Naaawa ako sa kanya, mabibilang mo lang kasi sa daliri kung ilang beses siya pumasyal o lumabas ng bahay.

Hey Little Brother! (SHORT STORY)Where stories live. Discover now