Chapter 1 Meet Axel

35 0 0
                                    

I’ve just entered my room in the Math building and then “Oh. Ayan na pala yung topnotcher natin.” Sabi nung prof ko sa Math101, si prof Dexter.

Nagpalakpakan mga classmates ko. Ngumiti lang ako at mabilis akong naglakad papunta sa upuan ko. Mejo mahiyain kasi ako basta ganito. Oo nahihiya din naman ako.

“Uy.” Sabay siko ng katabi ko sakin, si Merianne. “Nagtop ka na naman sa exam natin ah. Grabe ka talaga. Walang patawad.”

“Grabe ka naman. Tsamba lang yun ano ka ba.”

“Hm! Tsamba ka diyan. Tsamba ba yung tatlong beses? Ang talino mo talaga kahit kalian Jessica.”

“Being smart doesn’t mean you can already top an exam. Hard work and passion in learning are the keys….." Tumahimik si Mer.

"..joooooke.” Sabi ko dala peace sign.

“Nako Jess. Ayan ka na naman. Ipunin mo na lang yang mga sayings mo para sa graduation speech mo.”

Tumawa na lang kami.

------------------

Ganito lage ang mga pangyayari sa buhay ko. 3rd year na ako ngayon. Nasa good standing pa ako. Patapos na ang sem ko, parang pareho lang ang mga nagyayari simula noong freshie ako. Hindi ako sumali sa mga org na lagi akong iniinvite. Never pa akong nakatry na magaliw tuwing gabi. Contento naman ako, hanggang ngayon.

Palabas na kami ni Merianne ng room. “Maiwan na kita Jess ha. May klase pa ako sa taas. Kitakits nalang mamaya sa AMAT 150 natin."

“Sge2. Ingat ka. Pagbutihin mo.”

Nauna na si Mer umalis. 10am pa pala. Tumambay na muna ako sa canteen, siyempre, mag-isa. Konti lang talaga ang mga friends ko. Sina Toniette, Merianne, Angelica at Harley.

Still, I’m okay with it. I’m used to it and I already found my comfort with myself.

Sobrang lalim na ng iniisip ko nang biglang...

“Hey!”

“Araaaaay!” Nahulog yung bote ng tubig at tumama sa paa ko dahil sa sobrang gulat ko. “Ano baaa?!” Sabi ko habang kinukuha yung tubig ko.

“Ay, sorry. Sorry talaga Jessica.” Sabi nung lalake.

Nakatayo lang sa gilid. Nakikita ko yung branded niyang sapatos. Yung may icon ni Jordan. Basta yun. Sino kaya to at bakit niya ako kilala?

“Bakit? Ano bang kailangan mo? Ha?” Sabi ko habang nilalagay yung tubig sa mesa at dahan dahang tumingin sa kanya. “At si---“ Shooocks, ang gwapo. Maputi, matangkad, ang ganda ng mata. Looooord, eto na ba?

Aaaay, wait, aral muna Jess, aral muna.

“—no ka ba?” Naibalik ko naman agad yung poise ko.

“I’m really sorry. By the way, I’m Axel. Diba ikaw yung tatlong beses na nagtop sa 101 natin?” He said while extending his hand.

Makikipagkamay ba ako? Hmm. Total mabait naman ako, at gwapo siya, keri na.

“Ayos lang. Oo, ako nga. Bakit? Ano ba kailangan mo?”

“Gusto ko sanang magpaturo. Ayaw ko kasing bumagsak eh.”

Magpapatuturo daw. Pagbibigyan ko ba?

Sige na nga. Total pwede na rin ‘tong pangreview.

“Sige, umupo ka muna. Nakakahiya naman at nakatayo ka lang jan.” Sabi ko sabay alok nung kabilang upuan.

Kukunin ko na sana ang notes ko kaso imbes na umupo siya, tumingin lang siya at ngumiti.

“Oh bakit? Dali na at wala na akong time. May pasok na ako. Bilis na.” Sabi ko dahil mejo nainis ako. Akala ko ba magpapaturo?

“Aaahm, ano kasi.”

“Ano?”

“Gusto ko sana hindi lang ngayon. Pwede bang magpaturo hanggang sa katapusan ng sem?”

Aba?! Close kami? Pero talagaaaa, ang gwapo niya. Magpapabayad kaya ako, total kakainin niya yung time kong magreview. Sayang naman.

Pero baka siya na yung bigay ni Lord. Malay mo siya pala yung nasa panaginip ko.

“Sige na nga.” Sabay tayo. Nagulat siya at nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata.

Nabigla din ako dahil sa sinabi ko. Nadagdagan na naman ngayun ang responsibilidad ko.

*Sigh. This is my chance to find my first love. Sana nga.

-----------------------

Ano kayang mangyayari sa pagtututor ni Jess kay Axel? Desidido ba talaga si Axel na magpaturo o may binabalak lang siya sa matalino nating bida?

Vote na kayo kung nagustuhan niyo yung first part ng story. :D Sobrang i aapreciate ko yun.

Kung aabot ng 100 reads at at least 40 votes, mag-uupdate na agad ako ng next chapter. :))) Invite niyo friends niyo at comment na din para marinig ko ang mga gusto niyong sabihin. 

Ingat kayo nagyong week. God bless po. :))))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon