Rhea I

4 0 0
                                    





Malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa mga balat ko.
Pagtayo ng aking balahibo ang simbolo.

Ang ngalan ko ay Rhea, labing-pitong taong gulang. Alam kong may mali, na isa akong pagkakamali, sapat na rason upang ako ay mamalagi mag-isa.

"Iha may problema ka ba?"
Sambit ng isang babaeng may katandaan na.

"Wala, umalis ka." ayoko nito, ayoko ng nararamdaman ko.

Pagkirot ay damang-dama ko, pag pisil sa puso't isip ko. Naglakad ako nang parang walang nararamdamang sakit.

Isang alaala ang nanumbalik.

"Papansin ka masaydo, akala mo pinasan mo ang mundo!"  Halakhak ng kaibigan ko.

" Ang drama mo, bakit hindi ka na lang mag-aral!"

Pasensiya, hindi ko kaya.

Mahapdi, na para bang wala akong nai-ambag sa mga alaalang namamalagi sa isipan nila.

Tila ba walang may pakialam.

Isang maingay na alingawngaw ang aking narinig, ako'y napahinto't napangiti.

"Sa wakas."

3rd Point Of View

Pag agos ng pulang likido ang bumalot sa paligid ng binibini, kasabay nang pag-alis ng humaharurot na sasakyan na tila mo'y may paligsahan.

Dumating ang ambulansiya at kapulisan.

"Maria Yine ang pangalan niya,  tignan mo." sambit ng unang pulis.

"Hit and run nanaman, pero iba eh, parang sinadiya." sambit ng ikalawang pulis bilang pagtugon.

"Ma.. Ma.. Magdalena Yine"
Napahinto sila nang marinig ang nabanggit na ngalan.

Nabalot ng takot, takot na dulot ng nakaraan.

Nakaraang akala'y  naibaon na sa limot.





- e n d  o f  p a r t  1 -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short Stories To TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon