CHAPTER 1

21 7 0
                                    

I'm Hades Nicolai Francisco , i'm 4th year college ,isa akong Basketball Varsity Player at Dancer 

7:00 AM

nagdradrive ako ngayon ng kotse ko papuntang MILLED STONE ACADEMY putcha ang aga-aga traffic na agad bungad naka red light ngayon kaya sinilip ko muna cellphone ko baka nagchat sila Ryan pero wala naman at mag gregreen light na kaya itinabi ko na saktong naggreen light na at nang paandar na ko biglang tumawid yung babae 

bigla akong kinabahan sh*t nasagasaan ko ata yung babae

mabilis akong bumaba ng kotse para tignan yung babae kung okay lang ba sya

"miss okay ka lang ba?nasaktan kaba?" tanong ko

"muka ba kong okay ha! e muntik mo na nga ko masagasaan eh!" pataray na saad niya

aba!abnormal naman pala tong babae na to eh ikaw yung bigla biglang tumatawid kita mong green light na tapos ako sisisihin mo sabi ko sa isip isip ko pasalamat ka at may respeto ako sa mga babae

"eh ikaw kaya yung bigla-biglang tumatawid dyan" sabi ko

tinitigan niya ako ng masama at pinulot niya ang mga gamit niya, nang akmang tutulungan ko na siya ay pinulot niya agad lahat ng mabilis at biglang nagsalita 

"sa susunod kasi tignan mo muna kung may tatawid pa at magdahan dahan ka sa pag mamaneho at baka sa susunod makapatay kana!" pagsusungit niya na saa sabay naglakad paalis

aba't bakit parang ako pa yung may mali, pumasok na uli ako sa kotse ko at nagdrive na papuntang school

pagdating ko sa school ay nag park muna ako ng kotse at dumiretso ako sa gynasium dahil may training kami ng basketball, 

sh*t sh*t sh*t  yari nanaman ako nito kay coach late nanaman ako bwiset kasing babae na yun eh mapapagalitan pa ko sa kanya

nagmadali ako pumunta at sakto naman na nandoon na yung mga kaibigan ko sila Zade at Ryan sila yung mga bestfriend ko na parang kapatid ko na dahil magkakasama na kami simula bata

"oh dre, bat late ka?" tanong ni Zade

"nako dre may abnormal kasi kaninang babae na bigla biglang tumatawid habang nagdradrive ako , ayun muntik ko na masagasaan at ito pa ah siya pang galit eh siya na nga yung may kasalanan" inis na kwento ko sa kanila

"naks dre baka siya na yung forever mo hahahaha" pang aasar ni Ryan

sinamaan ko siya ng tingin, pero sabagay parang maganda naman yung babae eh hindi ko lang masyadong makita yung mukha niya dahil nakakugay yung mahaba na buhok niya

"nako dre, sige na mag attendance kana dun at baka mapagalitan kapa ni coach, wag mo na pansinin yan si Ryan at baka inaatake lang yan ng kaabnormalan niya hahahahaha"natatawang sabi ni Zade

natawa din ako sa sinabi niya at naglakad nako para mag bihis at mag attendance

10:00 am 

natapos na ang training namin at kailangan na naming pumasok kaso nakakatamad kasi yung matuturo samin ay yung matanda na lalaki, nakakaantok pa naman siyang magturo kaya napag pasyahan namin na wag na pumasok at tatambay na lang kami sa cafeteria na malapit dito sa school

pagdating namin sa caferia ay kumuha agad kami ng pwesto malapit sa bintana at tinawag ni Zade yung waiter para umoreder ng kakainin tsaka iinumin namin , dumating yung waiter at parang pamilyar siya sa akin , pinagmasdan ko ang mukha niya 

at oo siya nga yun , yung babae kanina na muntik ko nang masagasaan , so dito pala siya nag tratrabaho bilang waitress 

pagkatapos niya kunin yung order namin ay dumiretso na agad siya para ipaready yung order namin sinundan ko siya ng tingin

HULING SANDALITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon