Prolouge

19 5 0
                                    

"Dulce? Dulce?" banggit ni Mykel "Nasaan ako? At sino ka?" bigkas ni Dulce "Masaya akong nakabalik ka salamat at dininig din ang aking mga panalangin!" sabi ni Mykel "Kuya.. Pasensya na pero di kita kilala sino ka po ba? Kamag-anak ko po ba kayo?" sabi ni Dulce

~Biglang tumigil ang mga oras ni Mykel sa sitwasyong roon, bukambibig ni Dulce na di niya kilala ito.~

Flashback 4 years Ago

"And The Most Valuable Player of the Game is......" sabi ng Announcer sa Laro

(Drum Roll)

"Dulce DeJesus" dagdag ng Announcer. Biglang gulat ng marinig ni Dulce ang kanyang panglan na isang MVP of the Game. "Wow, Chi galing mo naman sANa Ol" sabi ni Zeth sa kanya "Ano ka ba te chamba lang to di ko nga alam na magihing MVP ako eh" sabi ni Dulce "Sana Ol swerte diba!" sabi ni Zeth "Sana Ol swerte din sa kanya" dagdag ni Zeth

Biglang dumating si Mykel.

Si Mykel Montemayor anak ng isang CEO ng isang kompanya na nagpapatakbo ng mga Hotels sa Pilipinas.
Kilalang Matalino, Gwapo, at kinakikiligan ng mga Babae sa buong campus tanging si Dulce lang ang nilalaman ng kanyang puso

"Flowers for you Dulce" sabi ni Mykel "wOooOoow Evening Primrose" sabi ni Dulce "Thank you so much, Mykel" dagdag ni Dulce "Naalala ko na yan ang pinakapaboritong bulaklak mo sa lahat dahil sumisimbolo yan sa pangalan mong ibig sabihin at Love" sabi ni Mykel "Salamat talagaaaaaa" sabi ni Dulce sabay halik sa pisngi ni Mykel. "Ano Mamaya?! pwede ba kitang maaya lumabas para mag dinner." sabi ni Mykel "Uhmm Sige... pero sa isang kondisyon!" Sabi ni Dulce. "Ano" aniya ni Mykel "Uwi muna ako magpapalit ng damit" Sabi ni Dulce "Ahh HAHAHAHAHAH kala ko naman na kung ano" Sabi ni Mykel

Uwian na nang naghiwalay muna saglit ang dalawang magkasintahan

Habang nakasakay si Dulce sa Taxi tinanong siya ng Driver neto "Sa tingin mo ba loyal ang boyfriend mo sa iyo?" Sabi ng Driver "Po?" Sabi ni Dulce na kahit narinig niya ang sinabi ng driver. "Manong anong oras na po?" sabi ni Dulce. "11:10pm na po mam" sabi ng Driver.

Sa di inaasahang pangyayari.....

Ang sinasakyang Taxi ni Dulce ay nasagasaan.

Siya ay isinugod sa ospital atsa kasawiang palad di na siya inabutan ng buhay ni Mykel

"Zeth? nasaan siya nasaan si Dulce?" sabi ni Mykel. Si Zeth ay di mapigilang umiyak dahil sa nangyari kaya ay pinuntahan na lang ito ni Mykel

Naabutan niya ang bangkay ni Dulce. Umiyak siya at napaluhod sa nangyari

"Dulce bakit mo naman ako iniwan ng ganito bakit ngayon ano na gagawin ko nito" sabi ni Mykel "Hindi ko kayang mabuhay na lang magisa ng wala ka sa piling ko" dagdag niya. "Sana kung pwede lang hilingin ko na mabuhay ka ulit" sabi ni Mykel. Sa sobrang iyak niya ay di niya namalayan nakatulog siya sa tabi ng bangkay ni Dulce

Biglang nagliwanag ang paligid at nasilaw si Mykel sa pagkaliwanag nito. May narinig siyang boses mula sa liwanag ang sabi "Pumunta ka sa Ilog ng Buhay at doon matutupad ang iyong kahilingan na mabuhay ang iyong kasintahan" sabi ng boses sa liwanag.

Agad nagpunta si Mykel sa Ilog ng Buhay sinabi ng boses sa liwanag na matatagpuan ito sa paanan ng ikawalong bundok malapit sa kumukulong bunganga ng bulkan. Kahit na mahirap ay ginawa ni Mykel ang lahat para lang mabuhay ang kanyang kasintahan. At nakarating na siya dito nakakita siya ng Matandang babaeng nagbabantay sa ilog

"Kamusta Mykel!" sabi ng babaeng matanda na nagbabantay sa ilog "Batid ko ikaw ang pinapunta ng Liwanag dito sa ilog ng buhay" Dagdag niya. "May gusto ka bang Hilingin?" Sabi ng Matandang Babae. "Opo!" sabi ni Mykel
"Mukhang Desperado ka talaga sa iyong kahilingan" sabi ng matandang babae. "Kung gayon masusunod" Dagdag niya. "Ayos na binata, natupad na hiling mo pwede ka na bumalik ulit sa kanya" Sabi ng Matandang Babae at ginamitan ng mahika si Mykel para makabalik sa kanyang paroroonan at Biglang

"Kuya Sino po kayo?" sabi ni Dulce sa kanya nagising siya bigla sa isang malapantasyang panaginip niya. "Dulce? Dulce? totoo ba to" banggit ni Mykel "Nasaan ako? At sino ka?" bigkas ni Dulce "Masaya akong nakabalik ka salamat at dininig din ang aking mga panalangin!" sabi ni Mykel "Kuya.. Pasensya na pero di kita kilala sino ka po ba? Kamag-anak ko po ba kayo at bakit niyo po ako kilala?" sabi ni Dulce

"Bakit ganun hindi niya ako nakilala bakit wala siyang maalala sa akin?" Sabi ni Mykel

"Binalik ko lang ang kanyang kaluluwa mula sa Tulay ng Kabilang Buhay hindi ang kanyang mga alaala at Dahil nakaapak siya sa tulay na yun ang kanyang nananariwang alaala mula nung siya ay buhay ay unti unting mawawala kaya lang ang pangalan mo ang nawala sa isipan niya dahil siya ang tanging laman ng isip niya habang nabubuhay siya." Sabi ng Matandang Babae na nagbabantay sa Ilog ng Buhay

"Zeth?Zeth?" tawag ni Dulce. Lumapit si Zeth kay Dulce at itinanong kung bakit. "Sino siya Zeth?" sabi ni dulce "Te Di mo naaalala si Mykel? siya yung kasintahan mo" Sabi ni Zeth "Di ko talaga matandaan wala akong matandaang Pangalang Mykel" sabi ni Dulce "Mykel Umuwi ka muna baka nabigla lang si Dulce kasi kakagising niya lang sa pagkacoma niya.." sabi ni Zeth. Natulala si Mykel "Coma? Diba kanina lang.." sabi ni Mykel "Naku kung ano ano pinagsasasabi mo mykel alam mo magpahinga ka na sa bahay niyo tas balik ka dito bukas ha" sabi ni Zeth.

Habang naglalakad si Mykel Pauwi ay nagtataka siya kung bakit si Dulce ay nacoma lamang hindi namatay inalala din niya kung binago din ng matandang babae ang nangyari sa aksidente.

Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon