×××
Assiah's POINT OF VIEW
•Chapter 1
Febuary 14, 2014
Valentines day ngayon. Papunta nako sa school.
Ano kayang pakulo ni lester ngayon? Kinikilug ako. Feeling ko may bongga syang surprise mamaya!!!
Pagdating ko sa school, ang daming nagtitinda ng bulaklak sa labas. Hmm, mabilan nga si marga! (Bestfriend ko) Para may magbigay naman sakanya kahit papano. Pinili ko yung maganda ganda.
"Huy!" Sigaw ni marga ng makita nya ako.
"Para kanino yan?"
"Ahh, eto? Para sayo! Happy valentines bestfriend!!!" Sabi ko. Sabay abot ng rose.
Niyakap nya ako ng mahigpit.
"Hindi ka naman nagsabi! Wala akong mabibigay sayo ngayon. Sorry! Thanks bestfriend! Happy valentines din!" Sabi nya.
Okay na sakin yung mapasaya ko sya.
Ngumiti nalang ako at sabay na kaming naglakad.
"Oo nga pala, wala ka bang date mamaya?" Tanong nya.
"Date? Ewan ko kay les. Di pa nagtetext ehh! Pero feeling ko may surprise sakin yon mamaya!!! Kinikilig ako!" Sagot ko.
"Feelingera! Wag mag assume baka ma disappoint ka na naman!!" Sabi nya.
"Ang bitter mo eh no!" Sabi ko.
Palibhasa kasi walang boyfriend.
Buong araw, si lester lang nasa isip ko. Nako sana lang hindi ako madisappoint na naman. Kasi nung 4, 1st anniv namin, wala syang effort. Binati nya lang ako. Ni hindi kami nagkita. Sakto kasi, umalis sila ng family nya. Pero bumawi naman sya.
Sa sobrang lutang ko, di ko namalayan nasa may locker na pala kami ni marga, uwian na!!!
"Eeek, naeexcite ako marga!!" Sabi ko.
"Hahaha tara na nga!" Sabi nya.
Papalabas na kami ng gate ng may naririnig akong hiyawan ng tao sa labas. Para bang kilig na kilig. Omg, baka si lester na yun!!!
Papalapit na kami ng may matanaw akong banner. Ng makalabas kami, nag 'yieee' yung mga tao.
[HAPPY MONTHSARY BABE!] nakalagay sa banner. Hawak ng isang lalaki ng di ko naman kilala.
"Ang swerte mo friend!" Sabi ng mga babae sa likod ko.
Hindi pala para sakin yun.
Bigla akong nalungkot. Asan kaya si lester?
Di ko alam pero bigla nalang akong tumakbo papunta sa park sa may likod ng school. Dito kami lagi nagpupunta ni lester. Paradise namin to kumbaga. Tahimik, wala masyadong tao.
Pero wala din sya dito.
Bakit pa kasi ako nag expect?
×××
Febuary 13, 2015
"Assiah, one year na pala kayong break ni les bukas no?" Sabi ni marga habang naglalakad kami pauwi galing school.
Hay nako! Pinapaalala pa! Ayoko na nga alalahanin yun ehh!
"Tigilan moko marga! Wala ako sa mood!" Sagot ko. Nagmadali akong maglakad. Maiwan nga to! Kainis!
"Ayyy ang bitter? Etoo! Nagbibiro lang! Teka naman, hinyatin moko!!!" Sigaw nya
Para kasing tanga ehh. Binagalan ko na yung lakad ko. Hanggang sa naka abot na sya at sabay kaming naglakad.

BINABASA MO ANG
365 days before I die
Teen FictionPano kung may magsabi sayo na isang taon ka nalang titira sa mundo? Maniniwala ka ba?