Part 2

6 1 0
                                    

Allan POV

"Allan" sambit ng gf ko habang nakatingin ako sa mga mata niya. Sa salita niya pa lang alam kong may mali.

"Oh babe bakit?" Tanong ko dito.

"Kanina pa kasi ako kuwento nang kuwento pero di ka nakikinig, may problema ba?" Tanong nito

"Ah wala naman, iniisip ko lang yung business proposal ko. Sa tingin mo babe? Maipapasa ko ba yung proposal na 'to?" Sabi ko.

"Oo naman, ikaw pa ba? Ang galing galing mo kaya pagdating sa public speaking. Kaya nga crush na crush kita dati pa eh." Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Dati pa? Anong ibig sabihin niya?

"Siguro nagtataka ka 'no? Dati pa naman ako nagpapapansin sa'yo eh pero masyado ka kasing bulag sa pagmamahal sa best friend ko kaya di mo ko napapansin. Kinimkim ko lang lahat ng nararamdaman ko kasi nalaman ko na nililigawan mo pala si Alyssa" naluluha akong tumingin sa kaniya. Naiiyak ako kasi narinig ko na naman yung pangalan ng first at greatest love ko. Yung taong pinaka ayaw kong mawala.

"Allan, alam kong hindi ka pa rin nakakamove on, ramdam ko. Sa halik mo, sa mga tingin mo, sa tuwing magkasama tayo. Pero sana naman Allan alam mo rin yung nararamdaman ko. Lagi ko na lang pinagsasawalang bahala yung mga bagay na yan. Pero Allan kasi 5 taon na yung nakalilipas simula nang mawala si Alyssa."

Sambit nito na para bang sobrang nasasaktan siya. Hindi ako manhid, alam kong nasasaktan ko na siya pero hindi ko pa rin maiwasan na isipin si Alyssa. Hindi na niya matatanggal sa akin 'yon. Masyado kong mahal si Alyssa. Sariwa pa rin sakin kung paano siya nawala sa akin.

-----

5 years ago

"Allan, sa tingin mo, kung hindi ba tayo nagkaaway noong high school, magkakakilala kaya tayo?" Sambit ni Alyssa.

Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi at ihahatid ko na siya sa kanila. Galing kami sa tropa ko na kasama ko sa gang na birthday ngayon. Pasikot-sikot ang daan at puro madilim na iskinita.

"Siguro. Matagal na naman kitang napapansin eh. Napaka angas mo kaya maglakad kaya nga bwisit ako sa'yo dati eh." Tugon ko sa kaniya.

Nagkatinginan kami sabay. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA, I love you" sabay naming sambit sa isa't-isa habang nagtititigan. Tinititigan ko ang kulay light brown niyang mga mata na para bang mga bituin sa langit kung kuminang at nahahalina ako sa mga titig niya na para bang gusto ko siyang sunggaban at wag nang pakawalan pa.

Nagkakilala kami ni Alyssa dahil nagkaaway kami sa school. Masungit ako tapos hindi namamansin, yun ang tingin ng lahat sa akin. Pero tahimik lang talaga ako. May gang ako at 10 lang kami doon dahil hindi ako mahilig sa sobrang daming tao. At nakilala ko si Alyssa dahil may gang din siyang sinasalihan. Leader siya doon at leader naman ako sa amin. Doon nagsimula ang love story namin, dahil sa bangayan naming dalawa. First girlfriend ko siya, never pa ako nagka-girlfriend kasi pihikan ako. May mga nakakasex ako pero pampalipas oras ko lang sila. Ayaw ko sa mga babaeng dugyot.

"Allan, ramdam mo ba?" Kabadong bulong sa akin ni Alyssa.

Shit parang may sumusunod sa amin.

"ALYSSAAAA!!!" Sigaw ko nang makita siyang nakabulagta. "PUTANGINAMO!!! BAKIT MO SIYA BINARIL?! SINO KA BA?!"

"Nakalimutan mo na agad ako? Ako lang naman yung binugbog niyo nang walang awa. Halos mamatay ako mga gago kayo!" It was Hans, ang kalaban namin ni Alyssa dati.

"PUTANGINAMO! PUTANGINAMO TALAGA HANS! PAPATAYIN KITAAAA!!" Binunot ko ang aking baril at sunud-sunod na pinaputukan si Hans.

"Alyssa! Please wake up. Di ko kayang mawala ka please Alyssa"

-End of flashback-
-----

"Sorry Janina, pero alam mo nam---" Hindi ko na natuloy yung sasabihin nang makita kong umiyak si Janina.

"Iuwi mo muna ako please? Gusto ko munang magpahinga."

"Sige."

Pagkahatid ko sa kaniya ay hindi niya ako pinapansin.

"Janina, I'm so sorry." Panimula ko "Ayaw kong makita kang nasasaktan dahil sa kahibangan ko. Please forgive me. Kasi hindi ko pa talaga kaya na magmahal ulit. Siguro oo, mahal nga kita pero hindi sobra-sobra kagaya nang pagmamahal ko sa kaniya. Mahal kita pero mas mahal ko siya. Ayaw kitang gamitin pero hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Ikaw yung nandiyan para sa akin lagi pero hindi ko pa talaga kaya mag take ng risk kasi alam ko sa sarili ko na hinding-hindi ko kaya na kalimutan siya." Lumuhod ako sa kaniya at umiyak habang nakayakap sa mga paa niya.

Iyak din siya nang iyak kaya mas lalo akong nasasaktan. Tumayo ako at hinalikan ang noo niya pati mga mata. "Please stop crying. I don't want to see you miserable again. I'm so sorry. Sorry because when I'm with you, I am thinking of her. Sorry if you felt that it was just all fake. I am so lucky to have you in my life but you are not lucky with me. Let's have a break. I don't want to hurt you anymore. Lalo akong nasasaktan." I'm really really sorry. Iloveyou."

Bigla niya akong tiningnan at kita ko sa mga mata niya ang sakit na nadarama niya ngayon. "We're both wrong and right. I really love you but this realtionship wasn't right. Para lang tayong napipilitan. Kaya lang naman naging tayo kasi akala natin pwede tayo para sa isa't-isa. Kaso masakit na kasi talaga Allan eh. Sobrang sakit na kaya kahit na anong hawak ko sa relasyong 'to ay hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang magpakamartir. Hindi ko na kaya na magbulag-bulagan dahil alam ko naman na kahit ako yung kasama mo, siya pa rin ang iniisip mo." Dama ko yung sakit sa bawat salitang binibitawan niya. Parang tinatarak ng kutsilyo yung dibdib ko.

"I love you too but I can't take this anymore. Ako yung nandito pero siya pa rin ang kailangan mo. Papakawalan kita kasi alam kong siya pa rin ang mahal mo. Alam kong mas magiging masaya ka sa kaniya kaya pinapalaya na kita. Pero sa oras na hindi ka niya tinanggap, andito pa rin ako at minamahal ka pa. Go on and chase her, galingan mo sa project proposal mo para maalala ka niya at magmahalan kayo ulit." sobrang sakit ng bawat salitang binitawan niya pero alam naman namin sa sarili namin na mas lalo lang kaming masasaktan kung mag tatanga-tangahan pa kami.

"Thank you Janina. I hope you'll find somebody na mas deserving sa pagsasakripisyo. Sorry kung puro sakit lang yung pinaramdam ko sa'yo. But I'll promise na hinding-hindi kita kakalimutan at ako pa rin yung taong laging nandiyan para sa'yo. Take care always" I kissed her on her forehead then I go home.

-----
Naipasa ko ang business proposal at ang may-ari ng company na pinagtrabahuhan ko ay si Alyssa. She hugged me tightly after I discussed about the project. Kinwento niya sa akin na nagkaroon siya ng amnesia at kahapon niya lang naibalik ang mga ala-ala niya. Noong isang araw pa daw siya nakauwi galing sa America dahil sa treatment niya. I was so happy, at the same time sad. I am happy because I am with my favorite person now but knowing that there's someone is hurting so bad is really sucks and it fucks me up. I don't know what to do but when I am remembering those words from Janina back then, pushed me to do what my heart really wants. I am so thankful that I met Janina. If she didn't pushed me to do those such things, maybe I am still suffering from my depression. They said and thought that I have obsession love disorder but I know to myself that I'm just badly in love with Alyssa. And only Janina knows about that.

-The End-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thinking of her (2 Parts Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon