"Ma, alis na po ako. Ako na po maghahatid kay Elena. Babay po!" Ang pagpapalam ni Hannai sa kanyang ina. "Elena tara na. Baka malate pa tayo sa bago mong iskul. Ako din baka malate eh kabago bago natin sa eskuela late na kagad. Tara na!" Ang pagtawag naman ni Hannai sa kanyang nakababatang kapatid na si Elena. "Ate, kelan ba tayo uuwi sa Tacligan? Miss ko na kasi ang mga kaibigan ko dun eh. Lalo na si Camille. Kasi si tatay eh, lumipat pa ng trabaho." "Ayy! Elena, wag kang ganyan. Alam ko, namimiss mo na mga kaibigan mo dun. Sa tingin mo, di ko namimiss mga kaibigan ko doon? siyempre pareparehas lang tayo. Tsaka dapat nagpapasalamat ka nga eh kasi kungdi dahil kay tatay, wala tayo ngayon sa isang magarang at malaking bahay." Naglalakad ang magkapatid nang biglang Nakabangga ng isang tao si Hannai. "Ayy! Sorry. Di kasi ako nakatingin eh. Pasensya na ha." Ang pagpapatawad ni Hannai sa lalaki. "No. Okay lang. It's my fault. Mag-iingat na lang tayo next time." Matipuno at gwapong lalaki ang nagsalita. "Sorry talaga ha." Ang sabi ni Hannai nang biglang hinatak ni Elena ang kanyang kaliwang kamay. "ate, ang gwapo o. Kung magkasing edad lang kami, boyfriend ko na yan." Bulong ni Elena sa kanyang ate. "Ano ba yang pinasasabi mo. Hindi ko siya tayp no. tara na nga." Ang pakipot na pagreplay ni Hannai.
Nang mahatid na ni Hannai si Elena, Nagmamadali na siya upang di na rin siya malayt sa kanyang eskuela. Nang makapasok na siya sa front gayt ng iskul, may humihiyaw ng pangalan niya. "Hannai! Hannai! Dito sa kanan!" Pagkalingon ni Hannai ay nakita niya ang pinsan niyang si Dean. "Uy! Kumusta na? Long time no see ha! Kumusta na si tita Dina at tito Alex? Grabe! tagal na nating di nagkikita! Ilang taon na rin ha!" Ang masayang pagbati ni Hannai kay Dean. "Okay lang sila. Okay kaming lahat. Sa katunayan nga, lagi ka nilang naalala. Punta ka sa bahay mamaya. Isama mo na rin si Elena!" "Di pwede si Elena eh. May tyutor pa siya. Hindi rin siguro ako makakapunta kasi walang bantay sa bahay eh." Ang malungkot naman na replay ni Hannai nang biglang nagring na ang bell sa iskuela. "Tara na!"
Hinatid ni Dean si Hannai sa kanyang unang klase, "Salamat Dean ha! Baguhan kasi ako dito. Sige na. baka ikaw naman ang malate." ang pagpapasensya ni Hannai sa kanyang pinsan. "Okay lang. second year na ko dito kaya kabisado ko na lahat. Sige una na ko! Kita na lang tayo mamaya!" "Sige! Ingat!"
Nang pagkapasok ni Hannai sa room niya ay mistulang iilan pa lang na istudyante ang naaandoon at nakaupo. Hinahanap niya ang guro ngunit wala pa iyon. Umupo muna siya sa pinakadulo ng row sa bandang gitna. Ayaw niya kasi sa unahan dahil mahiyain siya. Nang napuno na ang room, saktong nagring ang bell at nakapasok pa ang isang estudiante. Namukhaan niya ito ngunit di naman siya napansin nito. "Good Morning class! Ako si Ms. Jaranillo ang guro niyo sa Homeroom at GMRC. Ang una nating gagawin sa umagang ito ay maghanap ng makakapartner at bumuo ng isang malaking cirlce sa gitna. "Yes Ms. Jaranillo." Walang mahanap na makakapartner si Hannai kaya naghintay lang siya sa taong lalapit sa kanya para maging partner niya ito. Makalipas ang ilang saglit ay may lumapit na sa kanya. Naririnig na ni Hannai ang kanyang mga yapak hangga't sa huminto at nagsalita."Hello! Ako nga pala si Quiino. Pwede bang ako ang maging partner mo?" "Teka! Ikaw yung lalaki kanina sa street ah! Tama ikaw nga! Hindi mo ba ako namumukhaan? Ayy! Sorry. Nagulat lang ako. Ako nga pala si Hannai. Sige, wala naman yatang makakapartner nang iba dito eh." Ang pag replay ni Hannai. "Oo nga. ako nga yun. sorry ha. Na-ingles pa kita kanina. Mukha ka kasing taga ibang bansa sa puti ng kutis ng balat mo. " and pagpuring sagot naman ni Quiino. "Class! May sampung minuto pa kayo para magkakilalahan!" Ang sabi sa amin ni Ms. Jaranillo. Nagkwentuhan na ang buong klase at doon nagsimula ang magandang pakikitungo nila sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Iskuela
RomanceSi Hannai at ang kanyang pamilya ay kailangang lumipat ng matitirahan dahil sa kanyang tatay. Nang makapasok sa iskuela ay natagpuan kagad siya ng kanyang pinsang si Dean. matagal ng di nakikita ang dalawa. Miss na miss na nila ang isa't isa dahil n...