2

16 1 0
                                    

"Riingg! Riiinggg! Rinnnng!" ang sabi ng alarm ni Hannai kasabay ang pag-vibrate nito. Pagbangon niya ay biglang nag-vibrate muli ang telepono niya. "text? ang aga pa ah!" Pagbukas ng telepono ay nakita kagad ang text ng sender. "From Dean?" Nagtatakang bigkas ni Hannai. "Good morniing Hannai! hahaha" Ang text ni Dean tuwing umaga at ang lagi namang reply ni Hannai, "Good morningg Dean!" Matapos mapindot ang send ay naghanda na siya para sa pagpasok sa iskul. Hindi siya makapaniwala sa laki ng sarili niyang kuwarto. Dati kasi, ang kuwarto niya ay maliit at kasama niya si Elena sa higaan. Wala pa sa kalahati ng kuwarto niya ang napupuno. hindi naman kasi masyadong mayaman ang pamilya nila. Ang tatay lang nila ang madiskarte sa buhay at nakakita ng ganon na bahay malapit sa trabaho niya. Ang laging sinasabi ng tatay niya, " The bigger, the better!" Pero, para kay Hannai, "The smaller, the normal".

"Good Morning class! First thing we will do is to do our seating chart, okay? So, tumayo kayong lahat and tumabi muna sa corner ng room. Dito na rin ako mag-aattendance so please, pagnarinig ang last name niyo ay magsalita at umupo na kagad sa assigned seat. Okay? Let's start!" Ang sabi ni Ms. Jaranillo sa buong klase. "Abrevo". "Here Mam!" "Baker". "Here Ms. Jaranillo!" Binasa lahat ni Ms. Jaranillo habang itinuturo ang assigned seat hangga't sa makaabot na kay Hannai. "Whane". Here mam!" Ang pagsagot ni Hannai habang naglalakad sa kanyang upuan. nagpapasalamat si Hannai dahil sa nasa bandang dulo ang kanyang upuan. "Xeghian". "Here Miss!" Nang marinig ni Hannai ang boses, napatalikod siya at nakita ang kanyang bagong kaibigan. babati na sana si Quiino, ngunit madami ang nakatingin sa kanya. Napansin rin ni Hannai iyon kaya medyo nahiya siya. "Hi Quiino!" Ang hiyawan ng mga babae sa tabi niya. Hindi na makapagsalita si Hannai dahil sa nag-aapawan na pagbati ng mga babae kaya nanatili na  lang muna siya at nagkonsintrayt sa class work nila.

"Okay class ngayon nama-" Ang putol na salaysay ni Ms. Jaranillo nang biglang nag-ring ang bell. "Opss. tapos napala ang klase. Sige na break niyo na. CLASS DISMISS!" "Yes Ms. Jaranillo!" Sagot ng lahat. Habang nagliligpit si Hannai ay may naririnig siyang sitsit. "HANNAI! Dito sa kanan! Hahaha!" Si Dean pala iyon. "Uy! Sorry ha. akala ko kasi di ako yung sinisitsitan. Di na rin pala tayo nagkita kaninang umaga." Ang sagot ni Hannai habang sila'y patungo sa maliit na bench. " Oo nga eh.Madami kasi akong ginagawa. Alam mo naman namahirap maging sikta diba?" "Yabangmo talaga! Di ka pa rin nagbabago! Ikaw nga yan Dean!" At sabay na nagtawanan ang dalawa. 

Nagkwentuhan sila hangga't sa nag ring na muli ang bell. Hinatid ni Dean ang pinsan pero, pagdating sa room, nagdagsaan ang mga babae sa bintana para lang makita si Dean."Wow ha! Dean, kelan pa to? Sophomore ka lang dito tapos sikat ka na kagad? Ayos ha!" "Oo nga eh. Sige na, baka mamaya mabutas pa yang bintana niyo. Bye!" Sabay yakap kay Hannai. "Yabang mo!" Sabay kotong naman kay Dean. Pagpasok ni Hannai sa room, nagdagsaan ang mga babae palibot sa kanya. "Hannai tama? Ikaw yung pinsan ni Dean diba? Lakad mo naman ako sa kanya!" "Hannai Hannai! Ako na lang!" "Hindi hannai! Ako!" Hangga't sa may humawak sa mga palad ni Hannai at hinatak papalayo sa corner ng room. "Quiino! Ano ka ba! Dapat di mo na ko hinila papalayo. baka anong isipin nila. Tara na! Balik na tayo!" Ang pakiusap napasigaw ni Hannai. "nilayo kita don kasi ayoko ng ganon sila sayo. Sakin okay lang. Pero sayo, hindi! Alam ko wala akong karapatan pero kasi..."Ano? Kasi ano Quiino?" Ang natetense na sagot ni Hannai. "Wala! Kaibigan kasi kita. Maproptekta lang talaga ako sa mga kaibigan ko. Yun lang! Tara na nga!"

IskuelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon