Panahon na nanaman ng pagbubukas at pagsisimula ng klase sa mga unibersidad , kabilang na ang Empire University na isang pampublikong unibersidad.
Maririnig na muli ang ingay ng kalsada sa tapat ng paaralan , mula sa busina ng mga sasakyan , sa paghinto ng makina dahil magbababa ng mga estudyante .
Bago pumasok ang mga estudyante ay chinicheck muna ng mga guwardiya ang kanilang mga kasuotan kung naaayon ba ito sa batas ng paaralan , pinakikita rin sa kanila ang COR na katunayan nga na sila ay nakapagenroll .
Paglampas sa pasilyo mula sa guard house , mabubungaran ang college building kung saan marami raming estudyante na ang naroroon , mga nagtatawanan ang iba , mga sabik sa pagkikitang muli , ang iba naman ay mahahalata mong mga bagong estudyante pa lamang na nangangapa sa kanilang bagong mundong kakaharapin , ang pagiging kolehiyo .
Kapag dumako naman sa bulletin board masasaksihan naman ang nagkakagulo at nagsisiksikan na mga estudyante sa pagtingin sa kani-kanilang schedule na nakapaskil doon, andyang may hawak na notebook at ballpen habang hirap na hirap sa pagkopya dahil sa gitgitan , ang isa naman ay matiwasay na nakuhanan ng litrato ang kanyang schedule , mapapansin mong nahirapan din sya sa pagkuha ng tamang angulo dahil sa pawis na tumulo sa banda noo nya , at sa buhok niyang bahagyang nagulo .
May ngiti sa labi siyang iniwan ang mga nagkakagulong estudyante at naglakad na tila hinahanap ang kaniyang room.
Maya-maya pa ay pumailanlang ang ring ng bell hudyat na magsisimula na ang klase .
Tumapat siya sa isang room at tiningnan ang room no. at ng makitang nagtugma ito ay pumasok siya at naupo sa table sa may dulong bahagi ng silid at prenteng naupo . may mangilan-ngilan siyang kasama sa table at binigyan nya lamang sila ng isang matamis na ngiti habang abala ang mga ito sa pagkukwentuhan .
maya maya pa ay dumating na ang kanilang instructor sa math 101 .
"Good Morning class ! " bati nito sa kanila "please get 1/4 sheet of paper , write your name ,course and section, then pass it forward " pag-iinstruct ng kanilang sir , na sinunod naman ng lahat " are all papers in?" muling tanong nito , na tinanguan naman nila .
" I will call you one by one then introduce yourself infront of the class" sabi pa nito , bahagya namang nag-ingay ang klase dahil sino ba naman ang may gustong tumayo sa harapan para sa " introduce yourself portion " na kinaiinisan ng lahat . Nagsimula ng magtawag ng pangalan ang instructor at magpakilala ng mga estudyante
" Mr. Rainier Alcantara" tawag nito, pumunta naman agad sa harap ang tinawag upang magpakilala
" Hi guys ! i'm rainier , rain na lang para maikli " nakangiting pakilala ng chinitong naka-eye glasses , na may katabaan ang pangangatawan.
" next , Nyx Clyde de Vivar" tumayo naman ang isang lalaking mahahalata mo na ahead ang edad sa karamihan dahil sa matured na itsura nito
" Good Morning , I'm Nyx Clyde de Vivar , as you can notice im years older than all of you , i'm already 25 years old . By the way , pinsan ko yung baboy na singkit na apat mata na nagpakilala kanina, halata ba?" nagtawanan naman ang klase sa pahayag nya , at tiningnan sya ng masama ni Rain , naningkit pa lalo ang singkit niyang mga mata .
" okay . come here infront Ms. Cruz"
at lumapit naman sa harap ang isang babaeng may katabaan din pero cute at nagsimulang magsalita
"Hello everyone! I'm rianne jheanna cruz , hope to get along well with you guys" at saka bumalik sa pwesto para umupo
" Leslie Jade Reyes po"
" Ellaine Santos mga fre , kilala nyo na ko diba" malakas ng pahayag ng babaeng ito , sumunod na tumayo naman ang babaeng animo'y boyish at nagpakilala
" Selene Paredes po , kung kailan nyo ng tulong wag kayo mahiyang lumapit , mabait ako! " pahayag nya bago tuluyang naupo
"okay so your turn miss Miraflor" tumayo ang isang babaeng di katangkaran at malumanay na nagsalita
"ako nga pala si Athena Hera miraflor, sana makasundo ko kayo! "
Nagpatuloy ang pag-papakilala ng buong klase hanggang sa di na natapos ang oras ng kanilang subject .
***
* I hope na natandaan nyo sila , sila ang mga characters ng story na to and next chapter magkakaroon na sila ng closure lalo na ang mga bida , let's just wait for the next chapter . by the way thanks for reading , kung meron man :)
* Vote/Comment po tayo !
salamatsss!
BINABASA MO ANG
SECRETLY INLOVE
Teen FictionNaranasan mo na bang mainlove? Sa mas nakatatanda sayo? Eh paano kung mas bata? would that be akward? Anong gagawin mo? Pipigilan at ililihim mo ba ang iyong nadarama? ang tanong , Hanggang kailan mo kaya kakayanin?