The date night:
Isang lalaking napakagwapo ang nasa harapan niya ngayon, isang lalaking pinapangarap ng mga babaeng makasama habang buhay, kahit siguro sa physical palang na kaanyoan nito malalaman mo nang isang mabuting lalaki ito. Pero masyado pang maaga para mag pakasiguro, iisa lang ang masasabi ko, isang Adonis ang otukung to.
“Wow! You look different, I mean different in a beautiful way. You look amazing tonight Ashley.” Compliment ni Yugo sakanya.
“Thank you pugo ay Yugo pala bat ba pugo lage nasa isip ko. Ikaw din ang gwapo mo lalo ngayon mas gwapo ka lalo pag maliwanag ang surrounding.” Tugon ni Ashley (teka tama ba yung sinabi ko?”)
“hahaha, palabiro ka pa din kahit di nakainum, so shall we?” pagbibigay ng kamay nito sakanya bilang pagiging gentleman niya.
Ashely Alvarez's POV
Dinala siya nito sa isang magandang restaurant, tahimik at maganda ang ambiance napaka romantic. Ang dami ng mga napag usapan nila at sa gabing yun parang kilalang kilala na niya si Yugo ng napakatagal. Di niya mapigilang tumingin ng diretso sa mga mata nito habang nagsasalita ang lalaking nasa harapan niya. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sakanya. Natapos ang gabi na puno ng tawanan, kwentuhan at isang kakaibang Yugo ang natunghayan nya nung araw nay un, hindi dala ng inuming alcohol at di rin dahil sa pagkain o sa restaurant marahil yun talaga ang totoong siya. Masayahin pala kwento at hindi siya mahirap patawanin kahit corny lahat ng jokes ko malayong malayo sa lalaking nakilala ko sa bar na may pagka cold ang dating at napaka suplado. Natapos ang gabi na parehas kami may naiwang ngiti sa mga labi naming. To sum it all, masaya siyang kasama at gusto ko pa siya mas lalong makilala. May mga pag kakataong bumubulong sa isipan niya n asana ang pagkakakilala niya sa lalaking ito ay may malaking rason sa likod nito. Ayoko umasa lalot nagsisimula palang silang magkakilala pero sana may patutunguhan to dahil kung siya nga ang para sakin promise God hinding-hindi ko na siya bibitawan at isasauli pa.
Yugo Vasque’s POV
Ashley Alvarez, 28, no boyfriend since birth. Nakakapagtaka na ang isang maganda, edukada, mabait din naman, may since of humor, makwento hindi maarte ay di pa nagkaroon ng boyfriend kahit kalian. Isa siyang kakaibang babae para sakin, isang malaking challenge siya para sakin. Oh baka naman nagbabalat anyo lang to at katulad lang din siya ng mga x niyang sa una lang mabait pag tagal lumalabas ang tunay na kulay nito at halos lahat sila gold digger, pinagmumuka siyang atm machine at walang humpay na panloloko ang ginawa sakanya, pinagmukhang kaawa awa sa mga taong nakakakilala sakanya at walang pwedeng makapag paliwanag ng sakit na naranasan niya sa babaeng inakala niyang mahal na mahal din siya. Those memories made me bitter up until today. Hindi pa dapat magpakasiguro, dapat matuto na ko sa nakaraan. Pero ang gabing yun, hindi ko din mapaliwanag. Para siyang drugs nakaka adik, ang sarap titigan ang mukhang akala mo mataray pero maganda, kung pano tumaas ang kilay niya sa bawat ekpresyong binibitawan niya, ang mga matang halos mawala na pag nakatawa siya and her lips nakaka mesmerized. Gustong ko pa ring siyang makita at makasama hindi naman siguro masama.
Tok tok.. Tok tok Tok tok..
Mga katok galing sa labas ng pinto ng kwarto ko. Wala namang iba ang kakatok sa pinto ko na kakatok ng ganong kaaga kundi ang kaibigan kong may hangin ang utak.
“Asshhh… wake up” panggising nito sakanya.
“What do you want?” papikit pikit pang mata habang bumangon ito. Sabay tinignan ang orasan sa pader nila. Time check 5:00 am.
“Ohh holy cow! Ms. Regalado hindi ngayon ang tamang oras na mang gising ka! Ano ba naman! Bakit sobrang aga naman ang pangdidisturbo mo, natutulog pa yung tao eh.” Pagalit niyang sabi sa kaibigan na nakakusoot ang noo.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND FOR LIFE
RomanceLove? Ano unang pumapasok sa isipan nyo? Boyfriend? Mahirap na ba humanap ng ganon ngayon? Ikaw ba yung kasama sa mga taong patuloy na naniniwala na may pag ibig na nakalaan para sayo? O ikaw yung taong hahanapin ito para makuha mo?