Diary ng Panget by haveyouseenthisgirl

1.9K 8 0
                                    

Diary ng Panget by haveyouseenthisgirl

Reads: 22, 522, 118

Use this code to read on your mobile app: 1112367

Plot:

Mahirap maging maganda

Bawat galaw mo tinitignan nila.

Magkamali ka, hindi makakatakas sa kanilang mga mata.

Ang mahirap pa, pag gusto mong mangulangot kahit patago...

Hindi mo magawa.

Mahirap maging matalino

Kelangan lahat alam mo.Lahat itatanong sayo.

Lahat gusto mong alamin.

Mismong evolution ng ipis, gusto mong madiscover.

Mahirap maging sikat

Lahat sinusundan ka.

Kahit saan ka magpunta, andyan sila.

Sa flash pa lang ng camera nila, hindi na kelangan pa ng ilaw sa gabi.

Wala ka ng privacy.

Lahat inaalam nila, mismong napkin na ginagamit mo gusto din nilang alamin.

Mahirap maging mayaman

Lahat nakadikit sayo.

Lahat nakaasa sayo. Lahat umuungot sayo.

Lahat gusto magpalibre.

Hangga't may singkong duling ka pa sa bulsa, hindi ka nila tatantanan.

Characters (Main)

Reah "Eya" Rodriquez: siya yung tipo ng babae na ang tingin nya sa sarili niya ay panget. Nakapag aral siya sa Willford Academy kung saan ang tawag niya dito ay "school ng mga mayayaman". At nag momodel sya ng mga produkto na hindi na kailangan ipakita pa ang kanyang mukha.

Cross Sandford: ang "menopausal" na lalake na sobrang moody. Gwapo at mayaman pero sablay sa ugali. Model ng Bench dahil sa kanyang kakisigan.

Chad Jimenez: Gwapo at mayamang teenager na may gusto kay Lory pero may gusto si Lory kay Cross. Naging matali na magkaibigan sila ni Eya at lagi nyang tinutulungan si Eya kapag may kailangan ito.

Lorraine "Lory" Keet: Maganda at mayaman na teenager. Half-British at pantasya ng mga lalake sa Willford Academy. Pero may gusto siya kay Cross. Magiging kaibigan ni Eya at babansagan siyang "fairygod mother".

1. Ito yung story na ipapakita sayo na kahit mahirap at panget ka (ehem yun ang description ni Eya sa sarili niya) ay wala ka ng magagawa para i-improve yung sarili mo. Na di sapat na mayaman ka at maganda ang panlabas na anyo mo kung panget naman ang ugali mo. (ang hard? XD)

2. Pero may good side din naman ang ugali thingy dahil meron din namang mga tao na kahit mayaman sila ay kaya nilang makisama sa ibang tao at hindi nila ito minamata.

3. Sobrang nakakatuwa yung story bukod sa ito yung pinaka una kong nabasa sa Wattpad. Humanda kang sumakit ang tiyan sa kakatawa, ma-inlove, at mangarap sa storyang to (ako ang pangarap ko lang nun maging akin si Chad XD).

Published book na siya at nagkaka halaga ng 150php  

So ayun lang........ :)

Click external link:

http://www.wattpad.com/1112367-diary-ng-panget-available-in-bookstores-nationwide

Must Read Wattpad StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon