Chapter 1 (normies)

4 0 0
                                    

#1

Nagsimula to nung nilipat ako ng mga magulang ko sa ibang school....  Shempre nag inarte ako, sino ba naman ang matutuwa kung masaya ka na dun sa dati mong school eh ililipat ka pa!!?
Shempre WALA! So eto ako nagmumukmok sa hapagkainan

"anak bilisan mo, malate ka nyan, dito muna tayo titira pansamantagal kase alam mo naman sitwasyon natin diba?"
Hayysstttt ang sarap sagutin nun kase alam ko naman!
By the way, lumipat kami dito kase may nagawang kasalanan si papa kay mama but in the name of love! Kahit ba sabihan ng mga lolo at lola ko matching pangaral pa nga mga tita at ng tito ko eh wala silang nagawa....  Yan tuloy kick out kami sa bahay ni lola.. Anyways back to topic!!!!!

"ano pa bang magagawa natin ma? Alam ko naman ihh, ang sakin lang sana hindi nyo na nilihim kina lolo at lola na matagal mo na palang pinatawad si papa" medyo muntik na akong umiyak pero pinigilan ko yan.... Di magandang halimbawa sa kapatid ko na nakikita nya akong maging mahina.....

"iyun na nga anak,,, nadala lang naman ng takot si mama eh,  baka kase paghiwalayin kami dahil nakita mo naman kung gaano kagalit ang lolo't lola mo sa papa, nakita mo din naman kung gaano sya tinakwil ng sarili nyang nanay at tatay diba anak?!"

Di ko maiwasan tumingin kay papa nun
Feeling ko ang bigat na ng pakiramdam nya ngayon kaya syempre bilang anak nilapitan ko sya... With matching yakap pa yan para sincere kase ramdam ko talaga yung bigat ng loob nya.

"kaya next time erpats wag mo na gagawin yun hah! Wag mo na ulit kami iiwan dahil lang dun sa babaeng yun!!! Lagi nyo pong tatandaan na kami lang ang pamilya mo wala nang iba!"
Pinalakas ko loob ni papa pero iba ata yung ginawa ko, naguilty ako kase naiyak si papa pero agad naman nawala yun dahil niyakap nya ako.

"anak sorry talaga hah! Pramis ni erpats di na mauulit yun, salamat din dahil nung wala ako ikaw yung tumayong tatay ng kapatid mo"
Medyo natulo yung luha ko sa part na to
Owmayghash sooo emotional haha char.

Di ko alam kung ano gagawin ko kung wala si erpats samin,  halos mabaliw din kami ni mama kase nasanay kaming kumpleto ang pamilya namin.

"oh sya pumasok ka na sa bago mong school, diba alam mo na naman yun" sabi ni mama saken. Sa totoo lang ayoko talagang pumasok sa school, and to think of first day palang yun ng school eh tinatamad na ako, what more kung tumagal ako dun...... Well di ako tatagal dun kung ganito attitude ko soooo, keri ko to!!! 1 year lang naman!!!...

Habang naglalakad ako meron akong nakitang itim bracelet na nakakalat sa kalsada.... Shempre ako una palang plano kong ibenta kase sampo lang baon ko hahahahaha lalakad lang naman daw kase sa school eh at ako na rin naman nagpresinta na sampo nalang ibigay nila saken kase di ko naman kaylangan ng malaking pera..... Kaso ngayon parang nagsisisi na ako dahil marami akong nakikitang masasarap na pagkain..... Dali dali kong pinulot yung bracelet na yun, tapoooos may narinig akong tunog ng sasakyan, binubusinahan ako,,,,, ayytt shems nasa gitna pala ako ng kalsada non, imaginine mo na ang tagal ko na palang tinititigan yung bracelet at nasa gitna pa talaga ako ng daan,,, nagcause tuloy ako ng traffic hehehe........

So ayun na ngaaaa!! Ang sabi ni mama saken, kinausap nya yung malapit na kamag-anak nya na teacher rin,, pinakiusapan nya na gawin akong section one, natawa nalang ako kase nalaman kong isa lang pala ang section dito..... At yung bracelet nga pala, ayun suot suot ko,  di ko ata gustong ibenta kase sayang! Ang ganda pa naman sa wrist ko!

Shempre first day of school sa new school, di ko pa alam kung saan talaga ako nakaroom,,, then nakita ko yung kamag-anak etc. na sinasabini mama, so nag ask ako......

"mam uhhmm hello po,  may i ask kung saan po yung Grade_ Molave?"
Medjo kabado na parang ewan kase muka palang nung teacher, mukang terror na

"ayyy anak ikaw ba yung anak ni V?"
(V nalang yung name ni mama para safe 😂) chusqpo ang layo pala ng inisip ko sa kanya kase salita palang nasesense ko na na medyo kalog itong magiging teacher ko

"yes po mam" tipid na sagot ko

"you can call me ma'am Aida but its better if you call me ma'am Dang"

"thank you po ma'am Dang" nangiti ako.
Lesson learned,,, don't judge the book by its cover, maaaring mukang asal Dinosaur ang kaharap mo pero ugaling Barney naman pala.

"wanna come and join me para di ka narin malate sa room?" pag aaya nya sakin at tumango lang ako,,,,, feeling ko kabisado ko na yung daan namin agad agad.....

Nakarating kami sa room, shems di ko Ineexpect na mas maingay pala to kesa sa dati kong classroom, teka bibilangin ko sila..... Isa,  dalawa tatl-teka sandale ang sama ng tingin sakin ni ate mong girl hah!!! Pangit ba ako kase parang ganun yung tingin nya sakin eh!!??
Pakingsystem ang creepy ni ate mong girl, aabangan kaya ako sa labas neto?

"QUIET CLASS!!!!" nagulat ako nung sumigaw si ma'am Dang
"FIRST DAY OF SCHOOL AT ANG IINGAY NYO NA! PINAPAKITA NYO TALAGA KUNG PAANO NYO AKO HIHIGHBLOODIN EH NOH!!???!??"
chusqpo terror pala talaga sya
"anak paki introduce mo naman ang sarili mo sa harapan ng mga magiging classmates mo" nahiya ko sa part na yun kaya naman agad agad akong nag introduce

"hi my name is _______ but you can call me Coke because why not?" ewan ko kung bakit lahat sila nagpalakpakan eh inintroduce ko lang naman yung sarili ko sa unahan,  then there's this creepy girl na masama ang tingin saken kanina pa

"okay you may take a seat anak, dun ka umupo sa gilid ng window dyan sa tabi ni Jamie" Hmmmm okay,,, Jamie...

"yes mam" tipid kong sagot....  Hmmm Jamie pala hah!! Okay, maangas ka hah

_________________________________________

Soooo icucut ko muna ito dahil nipapatulog na ako ni mamckarls ko
Hanggang sa susunod nalang na update katwicexonce hah 😊
Goodnightyyyyy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Straight Pero Gusto Kang AnakanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon