Prologue...

75 3 0
                                    

NARRATOR: Una sa lahat nais kong ipaalam sa lahat na bored lang ako ngayong araw at samakatuwid wala pa akong tulog pero hindi pa ako inaantok kaya naman naisipan kong balikan ang dati kong pangarap na maging isang manunulat... Pangalawa; masarap din palang makiuso na ang kwento ko ay maisulat dito sa WATTPAD... Marami na ang sumikat,  pero hindi ko naman iyon hangad.. Sa huli...ikaw na bahala.  

        Sounds "boring" ang magbasa ng isang mahabang nobela pero hindi kita pinipilit na basahin ito... Pero kung wala ka nang libangan at sawa ka na sa mga napapakinggan, nakikita o naririnig mo, ikaw ang bahala kung susubaybayan mo ito... Hoping na sana bored ako lagi upang patuloy mong mabasa ang kwentong ito na Pinamagatang: "THE FOUNDER"

        Sa mga gigiliwin kong mambabasa; Kumusta ka naman? Ang kwentong ito ay hindi nalalayo sa personal mong karanasan kaya't naniniwala akong makaka-relate ka o kung hindi naman...maaaring magulat ka na may ganito palang kwento na nagaganap sa iyong paligid.

        Batid ko at nababatid mo rin na ang lipunang ating ginagalawan ay nababalot ng pagsunod at pagpapasunod; mga batas o mga alituntuning hindi mo mabilang at ni isa man ay wala kang binalak na kabisahin, siguro'y maikakategorya mo na lamang ito sa salitang "huwag" kapag bawal at..."oo" kung pwede. Ngunit ano pa man ang mga alituntunin o batas; isa lang ang SIGURADO: Para hindi ka ma-out of place; susunod ka at: Para di ka maparusahan susunod ka pa rin...

CHOICES: Susunod o susunod???

The FounderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon