Nakatitig lang ako sa mga grupo ng kababaihan at kalalakihan na nagkalat dito sa gymnasium. Inaantay ko kase 'yong mga kaibigan ko dahil ang tagal tagal nilang mag bihis at nauna na lang akong bumaba. Saktong-sakto dahil pagkababa ko ay nagbubunganga na 'yong president namin dahil ang tagal daw bumaba ng mga kaklase namin at nagagalit na 'yung P.E. teacher namin.
"Everyone, pumunta kayo sa proper seating arrangement ninyo at maglinya!" lintanya ng aming P.E teacher.
Ang mga masasayang mukha ng mga kaklase ko ay unti-unting nalukot dahil sa inanunsyo ng teacher.
"Ano ba yan! Akala ko pa naman magkakatabi tayo. Ang KJ ni Sir Guado." Padabog na naglakad si Aki papunta sa pwesto niya.
"Alright, since everyone is all settled. Makakasabay niyo ang Grade 12 ABM 1 sa P.E. class niyo hanggang matapos ang buong second semester." Dahil sa anunsyo ni Sir Guado, nagingay ang dalawang klase sa loob ng gymnasium. Paglingon ko sa kanan ko ay sakto namang may isang estudyante roon na nakatingin din sa gawi naming STEM 1. Klase kase namin ang nasa bandang ka kaliwa habang sila nama'y nasa kanang bahagi ng basketball court. Ang gymnasium namin dito sa Senior High ay may basketball court, bale gymnasium siya na may linyang basketball at volleyball court.
Nag-umpisa muna kami sa non-locomotor stretching bago kami nag proceed sa main agenda ngayong araw. Ang Cheerdance.
Tawanan ang nanaig sa buong period dahil sa mga kaklase ko at ng kabilang klase na mga pabibo. Basic skills palang naman ang tinuro sa amin tulad ng High-V, Low-V, Bow and Arrow, different jumps and marami pang iba.
"Okay class, I need you to memorize all the basic skills that we've taught you earlier because next week we will be having a Performance Task with your assigned groups. So each groups should have their own 3-minute routine performing the basic skills that we have. The rest of my instruction will be announce on Monday. Your group number are on your desks. Pakihanap nalang. Goodbye class, see you next week." Sir Guado and Ma'am Ortiz flew away as they bid their goodbye's on us.
"Grabe, 3 minutes yung gagawan natin ng routine, sis." Ani Ritz.
"Sana lang talaga maayos maging ka-grupo ko." Sabi naman ni Anne na binilisan ang pag-akyat sa hagdan. Kaya sumunod na rin kaming lahat.
Pagdating sa classroom ay sobrang ingay ng mga kaklase ko. Anong kaguluhan ba nangyayare ditto?
"Fats, anong nangyayare?" tanong ko sa isa kong kaklase na tahimik sa upuan niya.
"Nagkakagulo sila dahil sa mga magkakagrupo. We found out na apat hanggang lima lang ang magkakasama dito sa room."
"Ha?!" sigaw naman ng iba kong mga kaibigan.
"Pano nangyare yun? Eh 'di ba mahigit forty tayo dito. So, if there are only four to five members in each group may nine groups?" di makapaniwalang tanong ko rito. Dismayado naman siyang napatango.
"Hindi ba masyadong maraming grupo 'yon?" ani Claire. Sumang-ayon naman yung iba naming kaklase na ngayon ay nakikinig na rin sa usapan naming.
"Where did you find your group numbers?" tanong ni Aki.
"These folded papers which contains random numbers are placed beneath your desks. Go see for yourselves. Tignan niyo kung anong group number niyo." Agad naman kaming nagsipuntahan sa mga upuan naming.
"Anong group number mo?" nag-angat naman ako ng tingin kay Emman.
Binuksan ko naman 'yung folded paper na nakuha ko sa ilalim ng desk ko at pinakita sa kanya 'yung number ko, "6. You?" nagkibit balikat naman siya.
"3"
"Sino mga kasama mo?"
"Sila Miguel, ikaw?"
BINABASA MO ANG
Her Life Full of Lies
Teen FictionDid you already lie to someone? May it be white lies or big lies? I bet no one in this world haven't done that. Because in this world, nothing is impossible, everyone lies, even your most trusted loved ones. They all lie. They'll destroy your trust...