Üthought ko - Lessons Learned .

320 4 2
                                    

PAUNAWA: Ang mga sumusunod na pwede nyong mabasa ay rated SPG. Maari itong maglaman ng mga samo't saring kalandian, kautuan, kabaliwan at kung anu-ano pa na maaaring maisip ng maliit kong utak. Maari itong maglaman ng mga alaala mula sa kahapon at pwede din namang mga kathang isip na iniisip ng taong nagsulat nito.

~~~~~~~~~~~~~

MGA PAUNANG PASILIP.

Naalala ko nuong bago ako grumaduate ng hayskul, may ginawa akong listahan. Listahan ng mga natutunan ko. Sa cellphone ko yun nakalagay e, sa di malamang dahilan e binura ko ata? Sayang diba? Pwede ko pa naman sana yung ma-share sa kung sino-sino.Ilan-ilan lang ang natatandaan ko. EWAN LO NGA KUNG MAY SENSE YUN E. Katulad nito:

#1 : LEARN TO ACCEPT EVERYTHING. Oo lahat-lahat, pwera na lang yung mga friend request ng mga di mo kilala sa facebook, mahirap na no' baka accept ka lang ng accept tapos rapist o murderer na pala yung fini-friend mo. Pero seryoso, wag mong i-try intindihin ang lahat kasi yung ibang bagay, kailangan mo na lang i-accept ng walang explanation. Mas madali kasi yung gawin, para mas madali ka ding makapag move forward sa life mo.

#2: DI MASAMA MAGING TANGA. Wag nga lang madalas. OA na pag ganun. Lahat naman tayo may katangahan e, choice lang natin kung kelan natin yun ilalabas. Yun nga lang, wag mo naman ilabas araw araw. Every once in a while lang, kunwari tuwing special events lang. Ganun.

#3: HINDI MASAMA UMASA, PERO WAG NAMAN SOBRA.. In born na yun satin, hindi mo man gustong umasa e aasa ka pa din. Kasi laging may HOPE sa atin, parang tiny fuse yun na bigla na lang nag-i-spark pag may something kang gusto mong mangyari. Ngayon, wag naman tayong sobrang umasa sa isang bagay. Kasi pag sobra sobra tayong umaasa, nag-a-assume tayo at pag nag-a-assume tayo nag-e-expect tayo at pag nag-e-expect tayo mas may tendency tayong masaktan. Kaya dapat, wag tayong sosobra. Masakit masaktan e. So papangunahan ko na kayo, wag kayong umasa na may magandang maidudulot tong' mga sinasabi ko. Utot lang to'.

#4 : LIFE MOVES ON. DEAL WITH IT. Ang buhay kasi, tumatakbo yan. Runner e? Pero syempre, hindi titigil ang mundo pag may isang tao o bagay na nawala sayo. Tatakbo pa din ang oras, magmomove ang mga tao, patuloy pa din ang buhay. At yun ang di magbabago kahit ano man ang mangyari. Hindi titigil ang oras dahil lang nadapa ka, hindi titigil sa pag-ikot ang mundo dahil lang sa nasugatan ka, at hindi titigil ang buhay kahit mawala ka pa. Kaya wag paimportante. Enjoy mo lang buhay mo. Be stress free. At kahit wag kang mag-live peacefully okay lang basta ba masaya ka e.  

#5 : MAY MGA TAONG PANANDALIAN LANG SA BUHAY MO. Oo, ganun talaga. Tayo ay parang bus. May mga taong makikisakay sa atin at sasamahan tayong magbyahe patungo kung saan, pero meron din yung makikisakay lang sa atin at bababa din sa susunod na bus stop. Pero syempre kahit may bumaba, tuloy pa din ang buhay. Ganun talaga e? May papara at bababa. Tingnan na lang natin kung sino ang di magbabayad ng pamasahe.May aalis at may darating. Tingnan na lang natin kung sino ang mag-i-stay.

#6 : TRYING TO PLEASE EVERYONE IS A STEP TO FAILURE. You don't need to please everyone. Itigil mo na yan. Mape-pressure ka lang. Chill and relax. You don't need to do what they want you to do. And you don't need to be someone they want you to be. It's your life baby, not their's. You should drive it and not them. Kumbaga ang life mo ay isang sasakyan, ikaw ang nasa steering wheel , ikaw yung driver kaya ikaw dapat magdecide kung saan pupunta yung car mo. Follow your dreams not their dreams. Work hard and keep on moving till you reach success.

#7: HALOS LAHAT NGAYON, E NAPEPEKE NA. Pati mga kaibigan. Kaya dapat piliin natin yung magiging kaibigan natin a? Yung good influence dapat sa atin. Saka yung talagang nagpapakatotoo at di ka pinaplastic. Ingat ingat tayo sa pagpili ng mga kaibigan huh?

#8: WALANG LUGAR NA "KAHIT SAAN" at pagkain na "KAHIT ANO". Madalas to' pag nag gagala ang magkakaibigan e. Nakasanayan ko na yan e. Kaya natuto na ako. Kaya nga ako pag tinanong, ng kung saan ko gusto at anong gusto ko, edi diretso sagot agad. Wala ng kiyeme. Wala ng arte. Para madami malibot.

#9: WAG KANG MAG-E-EMOTE SA FACEBOOK STATUS MO. Malalaman kasi ng buong pamilya mo, pati buong angkan nyo. Jusmiyo. At mauumay sayo ang mga fb friends mo na ayaw makabasa ng mga madramang status galing sa madramang emoterang frog. Gawa ka na lang ng blog mo tapos dun mo ilagay lahat ng hinanakit mo sa mundo. O kaya i-GM mo na lang sa mga kaibigan mo. Pag nalaman kasi ng buong angkan mo edi lagot na, magtatanong pa sila. Tapos iinisin ka kasi di nila maiintindihan ang drama ng buhay mo. Or kung wala na talaga, pakamatay ka na lang. Juks.

#10: LEARN FROM YOUR MISTAKES. At wag ng uulitin. Katangahan na yun pag ganun. Baka masaktan ka lang e, madaming sasapok sayo. Hihi. Kaya ka nga kasi nagkamali sa una para sa susunod alam mo na yung gagawin mo.

-- OHLALALALALAA~ Nalimot ko na talaga yung iba kong sinulat nuon e. Sayang 20+ pa naman yun. Andami ko pa lang natutunan na ka-echosan nuon. Yun yung natutunan ko aside from the lessons involving school.

Inuulit ko, ang maaari nyong mabasa ay may kinalaman lagi sa akin, kung ano ang iniisip ko, nararanasan ko at nararamdaman ko. In short, mga kakornihan, kabaduyan, kaartehan at kadramahan ko sa buhay. Bow. :)

Ü-THOUGHT koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon