1: Sayaw Nene

10 0 0
                                    


/A.N: I suggest na bago niyo simulan yung one shot ay pakinggan niyo muna yung song. :> the rest, Enjoy!/

-•-


"Halika na
Pirmahan ang kontrata
Isuko'ng sarili, 'wag nang babalik
Sisikat ka, iha"


Sayawan mo lang sila. Indak pa, sabayan mo ang tugtog at hiyaw ng mga uhaw sa katawan. Nakakatawa't pinapalakpakan nila ako kaya iginiling ko pa- ginalingan, malambot at mabagal ang ikot ko sa poste, bawat sipol nila'y ginagahan ang aking katawan.


"Sa iyong ganda, sila'y mapapasamba
Sa iyong kinis, sila'y manginginig"


Wala na tayo sa kahirapan anak. Itinawid na kita sa karangyaan, mabibili mo na ang gusto mo't makakapag-tapos ka pa. "I love you Mama." Noo'y matinis at maliit pa ang boses mo tulad ng iyong taas pero malaki ka na- maputi at wangis ng iyong ina. "Mag-iingat ka sa abroad." Tanda kong paalam mo sa akin.


"Sayaw Nene, sayaw Nene
Sayaw, sayaw
Hanggang mawala ang iyong kaba"


Mayaman sa tao ang bar- maingay gabi-gabi at magdamagan ang hiyawan. Ramdam ang tugatog at pagkalulong ng iilan sa tuktok ng kalangitan. Galingan mo pa, sayawan mo sila nang makatanggap ka ng malaking kita. Para kay nanay- para kay tatay. Sayaw, sayaw
Hanggang malasing sa kanilang hiyaw.


"Gusto ko maging artista 'paglaki ko." Gusto kong maging kilala sa buong mundo, tinahak ko ang daang nilakbay rin nila- ang industriya ng mga kilala. Pero mahirap mag-ani ng impluwensiya kung nagtatanim ka sa munting bukid ng wala mang isang hektarya. Pero sinubukan ko, nadapa at hindi na nakabangon. Nadapa at iba na ang tinayuan- sa bar tayo bubuo ng pangalan, dito ako magiging kilala, at dito ako magiging artista.


"Halika na
Maraming nakapila
Sundin mo lang ano'ng gusto nila
Bumebenta ka, iha"


Nang mapagod ako'y lumabas muna saglit, binuksan ko ang pakete ng sigarilyo at sinindihan ang isang piraso nito. Kapansin pansin ang mga pasa sa binti ko't mga braso. Hindi na naalis ang bubog at bugbog sa iilang parte ng katawan ko- mga bangungot ng kahapon. Sinipsip ko ang yosi at nagbuga ng maitim na usok, kumakalat ang kulay nito sa himpapawid 'at di kalaunan ay naglaho na ito sa dilim.


"Sa iyong haplos, sila'y mapapasaya
Mga malulungkot at nag-iisa"


Lasing ang aking asawa nang umuwi ito alas dose na ng gabi. Nagising ako sa kalabog ng pintuan at tinatawag ang aking pangalan. Tanda kong kinumutan muna ang aking anak at saka bumaba na upang ipaghain ang aking asawa. Kahit puyat na'y pinilit ko itong labanan at ininit ang sardinas na ulam pa kaninang tanghali.


"Sayaw Nene, sayaw Nene
Sayaw, sayaw
Hanggang malasing sa kanilang hiyaw"


Kaharap ko'y binato ako nito ng baso at tumama sa aking ulo. Kasabay nito'y nabitawan ko ang plato at kumalansing ang mga kutsara. Pinulot ko ang mga kanin na nakadikit sa sahig habang tumutulo ang dugo sa aking mukha. Ang kaninang sabaw ng sardinas ay kumalat na rin. Pinagmumura na ako nito at nag-aalboroto ang kanyang bibig, hinablot nito ang buhok ko at sinampal sa kanyang kaliwang palad. Luha't dugo na ang pumapatak sa akin at pilit kong inaalis ang kanyang kamao sa aking buhok.


"Sayaw Nene, sayaw Nene
Sayaw, sayaw
Hanggang mawala ang iyong hiya"


Hinagis ako nito sa pader at ipinanligo sa akin ang sabaw ng sardinas at mga pinulot na kanin sa sahig. Lumuhod ito sa akin at itinabi sa aking tenga ang aking buhok upang masilayan ng mas malinaw ang aking mukha. Hinaplos haplos nito ang aking pisngi at nang mapagod na'y sinukahan ako sa mukha at tuluyan na itong nakatulog.



Sayaw Nene, sayaw Nene Sayaw, sayaw hanggang mawala ang iyong hiya.


Nang mag-umaga na ay pinagluto ako nito ng tuyo at itlog, malinis ang bahay at walang anumang bahid ng dugo ang nag-marka sa sahig. "'Wag mo'kong iiwan ha?" Tumango na lamang ako at hinalikan ako nito sa labi.


"Samantalahin mo na habang bata ka pa
Kung kulubot na, wala na kaming paki sa'yo"


Pagbalik ko sa bar ay hinandogan ako ng inumin ng isang lalaki. Mapait ito tulad ng aking kapalaran at kalagayan at nang kalaunan ay nasanay na ako sa lasa nito. Kinindatan ako nito at hinawakan ang aking baywang. Sinayaw ako nito sa tibok ng tugtugan. Isa, dalawa, at higit pang mga basong hindi ko na mabilang ang aking natumba. Sanay nang malasing at itakas sa realidad, nang maranasan ko naman ang munting kaligayahan. Umiikot na ang paligid at hindi na maaninag ang liwanag. Tumatawa na lamang ako sa hindi malamang dahilan, masaya at nakangiti ang kurba ng aking labi. Tama sayaw pa, gumiling ka nang kumita ka ng mas malaki sa kanila.


"Samantalahin habang bata ka pa
Kung kulubot na, wala ka nang saysay dito"


Ramdam kong inihiga ako sa kama. Nawala na ang ingay sa paligid subalit ay panay pa rin ang kilos ng aking katawan at tawang tawa na tila kinikiliti. Lalong lumamig ang paligid at wala na rin malambot na saplot sa aking katawan. Malikot ang nahihilo na ako sa ikot ng mundo. Katulad na nila akong nasa ulap ang nararamdaman. Panay ang tusok sa aking kalooban at pwersa sa aking hita. Pinalitan na ng luha ang masayang paligid ngunit nanatili ang tawa sa aking bibig. Patuloy ang pwersa nito at tumagal ng ilang minuto, at nang umabot na sa kasukdulan ay iniwan ako nitong mainit ang loob. Tama, masayang nakahilata sa siyam na ulap at magpalamon sa kadiliman.


"Sayaw, sayaw
Wala na kaming paki sa'yo"


Nagising ako sa loob ng preso. Mabaho at hindi kaaya-aya ang paligid na sumalubong sa akin. Nag-positibo raw ako sa pagsusuri ng droga at nakakuha ng mga pakete nito sa aking bag.


"Sayaw, sayaw
Wala ka nang saysay dito"


Sinubukan kong tawagan si mama sa telepono ng istasyon, walang sumasagot. Nakailang ulit ako ngunit hindi ako nagtagumpay. Pinilit ko din ang numero ng aking anak pero wala ring sumasagot. Ang dating prinsesa'y naging alipin na ng mga preso. wala na ang mga alak- walang maingay na sayawan, nasaan ang makukulay na ilaw? Nasaan na sila?


"Sayaw Nene, sayaw Nene
Sayaw, sayaw
May ipapalit kami sa'yo"


Kamakailan lamang ay nakatanggap ako ng balita ukol sa aking pamilya. Pinagbabaril umano sila ng mga magnanakaw at putol ang kanilang mga dila. Patay na si mama- si papa rin ay wala ng buhay. Ang anak ko? Nakaluhod na lamang ako sa sahig at nanlumo sa nangyari. Panay agos lamang ng luha ang yumayakap sa akin. Nakaramdam na rin ako ng padyak sa aking tiyan at minsa'y nasusuka pa.


"Sayaw Nene, sayaw Nene
Sayaw, sayaw"


Awit ng mga bata sa daan, "sayaw sayaw" saka ako sumabay sa kanilang mga galaw. Nakatutuwang makipaglaro sa mga bata. Masaya at wala nang problema ang paligid. Minsa'y may baso akong napupulot para paghingi ng mga barya sa mga taong dumadaan. Ang aking dinadala ay ginawa kong hapunan noong ika-tatlong buwan niya. Masayang sumabay sa kumpay ng buhay- ngunit wala nang mas sasaya pa sa aking kalagayan.





"Sayaw, sayaw
May bago nang paborito...."












Maria Juana
27 Years old
Died: November 18, 2019

-•-

The End

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sisikat Ka Iha (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon