EARYL'S POV
Andito kami ngayon sa office nya at nagtatrabaho sya ngayon, ang dami nyang mga papeles na nasa table nya at kailangan nya yung pirmahan pero maloko talaga sya dahil maya't maya ay tumitingin ito sa gawi ko at ngingiti bigla kaya napapangiti nalang ako ng lihim dahil sa kalokohan nya
"Ahm Klint pupunta muna ako sa baba may bibilhin lang ako"-pagpapaalam ko dito at pumunta sa harapan ng mesa nya
"Bakit di mo ako tinawag na hubby?"-nakapout na tanong nito at para tong bata kaya di ko mapigilang hindi ngumiti
"Pinagtatawanan mo ako"-sabi nya parin habang nakapout
"Hahhaha ok hindi na hubby pwede na ba akong umalis bibili kasi ako ng nakakain natin dahil hindi pa tayo nagbebreakfast at maglalunch na oh"-sabi ko
"Pwede naman akong utos nalang na bilhan tayo ng pagkain o kaya naman ay umorder nalang tayo wag ka ng umalis"-sabi nito
"Nakakahiya naman saka nga busy silang lahat, wala naman akong ginagawa kaya ako nalang"-sabi ko dito
"Sige na nga"-sabi nito
"Thank you alis na ako"-pagpapaalam ko dito at akmang aalis na sana ako pero pinigilan nya ako
"Sandali"-sabi nito at lumapit sa sakin
"Bakit may gusto ka bang ipabili?"-tanong ko dito
"Wala naman pero mukhang may nakakalimutan ka ata"-sabi nya kaya napaisip naman ako
"Ahh buti pinaalala mo yung wallet"-sabi ko at kinuha yung wallet at akmang aalis na sana ako pero pinigilan nya ako
"Ano?"-tanong ko dito
"Hindi yun yung nakalimutan mo;-sabi nya kaya napakunot noo naman ako
"Ano?"-takang tanong ko
"This"-at bigla nya nalang akong hinalikan sa labi pero saglit lang naman
"Sige na alis ka na pero bumalik ka kaagad ha , ingat"-nakangiting wika nito ako naman ay napatulala nalang at para akong. Tuod na naglakad palabas ng office nya nabalik lang ako sa wisyo ng nasa elevator na ako
Hindi yun yung first kiss namin pero first time nyang mag act ng ganun may mga sumakay din sa elevator na tingin ko ay nagtatrabaho din dito at mukhang may pinaguusapan sila yumuko nalang ako dahil baka mailang sila sakin kanina kasi ipinakilala ako ni Klint sa lahat kaya baka mailang lang sila sakin kaya nanatiling nakaupo lang ako pero ng marinig ko ang pangalan ng kakambal ko ay nakaagaw ito ng pansin ko
"Nakakapanibago si ma'am Cia kanina parang ibang tao sya"-sabi nung isa tatlo kasi silang nakasabay ko at nasa likod nila ako
"Malay mo naman umaarte lang na mabait dahil andun si sir Russel"-sabi nung isa
"Hindi talaga eh kasi parang magkaiba tao talaga sila kumpara sa nakilala natin noon"-sabi nung naunang magsalita kanina
"Sigurado ako na umaarte lang yun dati nga nagawa na nya sakin eh umarte sya na sya yung inaargabyado ko pero buti nalang hindi ako pinalis si sir"-sabi nung isa pa
Kala ko sakin lang sya ganun yun pala sa ibang tao din
Naunang lumabas yung tatlo kaya napa angat na rin ako ng tingin at hanggang sa makababa na ako at dahil tapat lang naman pala nitong company yung restaurant napagmamay ari ko kaya tumawid lang ako ng kalsada at pumunta sa restaurant
Pagkarating ko dun ay agad akong nakita ng mga kasamahan ko at kahit maraming costumers ay lumapit ito sakin at isa isa akong niyakap nung mga babae yung mga lalaki naman ay tumayo lang sa harapan ko
"Sige na back to work mamaya nalang tayo magkwentuhan pagwala ng customers pagbalik ko mamaya"-sabi ko
"Aalis ka din agad?"-tanong ni Joven na ikinatango ko naman ng marahan
"Sorry may ginagawa lang talaga ako ngayon"-sabi ko kaibigan ko si Joven at para ko na rin syang nakakabatang kapatid natuwa nga ako dati kasi kapangalan pa ito ni kuya
"Sige na balik na kayo mamaya nalng"-sabi ko ngumiti naman sila sakin bago umalis sa harapan ko at bumalik sa trabaho habang si Joven ay naiwan sa harapan ko
"Kamusta naman itong restaurant?"-ta
nong ko sa kanya
"Ayos lang naman nagkaproblema nung mga isang linggo ang nakalipas nung nagpaalam ka pero nagawan din naman agad ng paraan kaya hindi ko na pinaalam Sayo"-sabi nya at tumango tango naman ako
"Pakisabi nga sa mga chef na lutuan ako ng lunch pang dalawang tao"-sabi ko tumango tango naman sya at nagpaalam nasakin pupunta sya sa kusina
Ako naman ay pumunta sa office ko at dun iintayin yung pagkain na ipinaluto ko
Habang inaantay ko ay nagbasa muna ako ng mga papeles sa table at pinirmahan ko yung nga dapat pirmahan ng may tumawag sa phone ko at tingnan ko kung sino ay agad ko itong sinagot
"Wifey bakit ang tagal mo"-pambungad nito pagkasagot ko ng tawag
"Wait lang saglit nalang babalik na din ako dyan"-sabi ko
"Asan ka ba ngayon?"-tanong nya napailing naman ako dahil siguradong susunod ito dito
"Sa restaurant na pag mamay ari ko"-sabi ko
"Hintayin mo ako dyan pupunta ako"-sabi na eh
"Sige"-sabi ko at pinatay ko na yung tawag lumabas ako ng office at hinanap ko si Joven at nung nakita ko ito ay lalapitan ko sana ito ng may biglang bumangga sakin at natumba ako at napaupo sa sahig nitong restaurant at napunan din ako ng juice na hawak nito
"Sorry"-sabi naman nung nakabangga sakin at tinulungan ako tumayo
"Its ok and thank you"-sabi ko habang tinutuyo ang sarili ko
"Sorry talaga hindi kasi ko kasi napansin na may tao pala"-sabi nito
"Its ok I know na hindi mo sinasadya"-sabi ko
"Papalitan ko nalang ang damit mo"-sabi nya
"No need "-sabi ko dito
"Sorry talaga , pumayag ka ng palitan yung damit mo kasi ako naman ang.may kasalanan kung bakit nabasa ka"-sabi nya
"i said no need ok in fact meron pa naman akong damit na dala so hindi mo na kailangang palitan"-sabi ko dito
"Sorry, Jovelone Esquerra nga pala"-pakilala nya at inilahad ang kamay nya at akmang tatanggapin ko ito ng may nauna sakin
"Russel Klint Francisco, her HUSBAND"-nanlaki naman ang mata ko , kahit sino ang makakarinig nun siguradong tataasan ka ng balahibo.
BINABASA MO ANG
SUBSTITUTE WIFE (COMPLETED)
RomancePrologue Her family never care for her nakung ituring sya ay parang hangin lang na lahat ng gawin nya ay mali para sa magulang nya but she wants their love and attention from them but all of these was given to her twin sister. Kambal nya na mabait...