Naalala ko pa ang mga panahong umiiyak ako sa harapan mo dahil sa mga problemang takot akong harapin, ikaw ang nagpapalakas ng loob ko ka sa tuwing down na down ako sa sarili ko.
Naalala ko pa ang mga panahong palagi mo akong sinasamahan kahit malapit lang ang pagbibilhan ko. Ang OA mo pa nga nun hahaNaalala ko pa ang panahong pinapasaya mo ako kapag malungkot ako, nandyan ka palagi sa tabi ko kapag may problema ako, ikaw din ang sumusuporta sa mga desisyon ko.
Sa sobrang close natin sa isat isa ang daming nagsasabi kung girlfriend daw kita o nililigawan. Natatawa nalang tayo sa tuwing tinatanong nila yun sa atin............
Pero ikaw...............naalala mo pa ba??
Hanggang isang araw hindi kana nagparamdam sa akin hindi ko alam kung bakit. Bakit hindi ka sumasagot sa mga text at tawag ko sayo...bakit?
Mahigit isang buwan ka ring hindi nagparamdam sa akin. Namimiss na kita, namimiss ko na ang presensya mo, hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko, napanghihinaan ako ng loob sa mga problema ko kasi wala yung taong nagpapalakas ng loob ko.
Pero bakit wala ka sa panahong kailang kita?? Kailangan ko ng karamay , kailangan ko ng balikat mo na maiiyakan, kailangan ko ang mga payo mo at higit sa lahat kailangan ko ang kaibigan ko.
Bakit ka wala??......bakit hindi ka na nagpaparamdam sa akin?? Bakit?
Nalaman ko nalang na hindi mo na pala talaga maaalala at hindi mo na masasabi kung bakit bigla kang nawala......
Dahil sa pagkakataong ito nalaman ko na mayroon ka palang sakit, sakit na unting unting nagpapabura ng mga ala ala mo. Kaya ka pala nawala ng isang buwan dahil tinatago mo sa akin ang sakit mo, na baka malaman ko kaya hindi ka sumasagot sa mga texts at tawag ko...... Ang sabi sa akin ni tita na ikaw daw ang nagsabing wag munang ipaalam sa akin na may sakit kang alzaimer diseases kasi baka malungkot ako. Pero lalo akong malulungkot kapag hindi mo agad sinabi sa akin.
Kapag ba tinago mo sa akin ang sakit mo sa tingin mo gagaling ka ba? Kung hindi ko pa nalaman agad sa tingin mo ba matutuwa ako?
Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit tinago mo? Bakit ako nalang ang hindi nakakaalam na may sakit ka? Ang dami kong tanong na gusto kong sagutin mo pero masasagot po pa ba yun??
Gusto kitang saktan, sigawan pero wala akong karapatan dahil biktima ka rin dito ng sakit mo. Wala kang kasalanan kung bakit ka nagkasakit.
Araw araw na akong nasa bahay nyo para tumulong sa pagaalaga at pagbabantay sayo. Nung una mga simpleng bagay lang ang mga nakakalimutan mo pero ngayon lumalala na, maski pangalan mo ay nakalimutam mo na.
Pati ako nakalimutan mo na. Mga masasayang mga alaala, Mga segundo, oras, araw, linggo at taon na magkasama tayo ay nabura na sa mga alaala mo.
Hanggang isang araw.......................
Nakatanggap ako ng tawag galing kay tita ang sabi nya umalis ka daw ng magisa at hindi nila alam kung saan ka pumunta hanggang sa merong tumawag sa kanila na nasugod ka daw sa ospital. Sobra sobra ang tibok ng puso ko sa kaba. Bakit ganito ang nararamdaman ko, wala naman sigurong mangyayari sayo diba?
Sa pagtapak ko sa loob ng ospital ay nagsimula nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay kasabay nun ang panginginig ng mga kamay ko.
Hanggang sa nakita na kita, nakita kitang nakahiga sa isang kama at unting unting tinatakpan ng puting tela ang buo mong katawan.
Sana inagahan ko ang pagpunta ko, dapat binilisan ko ang pagtakbo ko para nakapagpaalam ako sayo at masabi ko ang mga nararamdaman ko. Umiiyak ako habang kawak ko sa huling pagkakataon ang mga kamay mong nanlalamig.
Mamimiss kita, Mamimiss ko ang kaibigan ko na palaging nandyan, mamimiss ko ang kapatid ko na dinadamayan ako, mamimiss ko ang taong mahal ko. Ang taong nagparamdam sa akin na may silbi ako dito sa mundo, nagparamdam na kahit na sumablay ka ay magpatuloy ka pa rin.
Kaya ngayon kahit ilang tawag at text ko sayo hindi mo na ito masasagot at kahit ilang sigaw ko sa pangalan mo hindi mo na maririnig dahil nakahiga kana sa kabaong. Umiiyak ako habang pinagmamasdan ang Putlang putla mong mukha at hinang hina mong katawan
Umiiyak ako nung makilala kita...........
At umiiyak di akong wala kana.END
COPYRIGHT © 2019 by Ghelai_roswell
This work is COPYRIGHT. No part may be reproduced, copied, scanned, stored in any retrieval system, recorded or transmitted in any form by any means without the prior written permission in the author.

BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORY
Short StoryAng mga nilalamam nito ay puro maiikling istorya lamang, pero kung hindi mo gusto ang mga toh ay pwedeng hindi mo to basahin Salamat☺