(Raver's POV)
Buti na lang at madaling gisingin si jewel dahil kahit lalake ako ay natatakot din ako sa ganung klaseng lugar..
Tinamaan ka nga naman ng malas, oo! kalagitnaan ng gabi at saka kami nasiraan ng sasakyan. Sila mama at papa pati ang parents ni Rose at ang kambal niyang si Marie ay nauna na dun sa sinabi nilang tutuluyan naming bahay..
"Kuya raver, eto na yung bahay. Nasaan sila Marie?" - jewel
"Baka naman nasa loob na," sabi ni Rose "Hello po? tao po? Marie? Mama!!? Nandiyan na ba kayo?" at ayun na nga nagkakakatok na siya.
may Lumabas na isang matandang babae, halos puti na ang kanyang napakahabang buhok..
"Mga iha, iho pumasok na kayo rito at delikado diyan sa labas. Yung mga kasama ninyo ay nandito na" - sabi niya.
"Thank you po lola, Salamat po at pumayag kayo na dito po muna kami magpalipas ng gabi." - sabi ni Mama Vic.
oo nga pala, siya si mama Victoria namin ni Jewel, Mama Vic for short. hehe
"Walang anuman, hangad ko rin naman ang inyong kaligtasan sa dis oras ng gabing ito." - Lola
"ah, lola ano pong name ninyo? hehe ako po pala si Marie Rose Fernalinan ayun po yung kambal ko si Rose Marie Fernalinan. tas eto naman po si mama ko, si Mama Mary at yung katabi niya ay si Papa Roger." - Mahabang pagpapakilala ni marie.
"Hello po lola, ako naman po si Jewel, tas ayun po yung kuya ko si Kuya raver. tas si mama ko si Mama Victoria at si Papa Tadeus." - sabi naman ni jewel.
"Ay pagpasensiyahan ninyo na at hindi na ako gaanong maalam sa pangalan, ano. hehe pero ako si lola Aleng, ayun na lamang ang itawag ninyo saakin" - pagpapakilala ni lola aleng.
"Wag na wag kayong lalabas ng bahay ko ng hindi pa nag uumaga mga iho at iha. Dahil sinasabi ko sainyo napakadelikado sa labas ng ganitong oras."
"Hindi naman sa tinatakot ko kayo, ano? pero meron na ring minsang naligaw dito ilang taon na rin ang nakalilipas." - pagkukwento ni lola
- F L A S H B A C K -
(THIRD PERSON'S POV)
May mag asawa at isang sanggol na nasiraan ng sasakyan dis oras ng hating gabi at nakita nila ang bahay ni lola aleng.
Masayang ipinatuloy ni lola aleng ang pamilyang iyon dahil nga't delikado ang magpakalat kalat sa lugar na yon ng hating gabi..
binilin ni lola aleng na Huwag na huwag lalabas ng bahay niya ng hindi pa sumasapit ang umaga, ngunit sa kalagitnaan ng gabi ang babae ay Lumabas ng bahay ni lola aleng dahil sa kanyang kursonidad..
Napadpad ang babae sa hindi niya na malaman na lugar hanggang sa may nakita siyang isang hindi pangkaraniwang tao na katulad niya.. Nilabanan niya ang titig ng lalakeng iyon at bigla na lamang siyang nawalan ng malay..
Sa kabilang banda, ang asawa ng babae ay mahimbing na natutulog ngunit ang kanilang anak ay bigla na lamang umiyak ng umiyak at doon nagising ang lalake at si lola aleng. Hinanap nila ang asawa ngunit hindi nila mahagilap..
Sumapit ang kinaumagahan saka na lamang nila nahanap ang babaeng walang malay at hindi na maayos ang kasuotan.. Pinagmadali ni lola aleng na dahil ang babae sa kanyang bahay at doon tignan ang babae..
Ang sabi ni lola aleng sa babae ay napagsamantalahan siya ng isang hari ng kagubatan kung kaya't hangga't maaari ay wag siyang lalabas ng bahay ng hating gabi. ngunit naging makulit ang babae kaya ayan ang kinahantungan..
- E N D OF F L A S H B A C K -
"Lola ano na pong nangyare pagkatapos nung aksidenteng iyon?" - tanong ni marie
PLEASE VOTE AND COMMENT BILABS!😘
ELLENLALAB LABSYOUUUU!😘😘
ABANGAN KUNG ANO NA NGA BANG NANYARE SA AKSIDENTENG IYON MGA BILABS!😘
THANKS FOR READING..
BINABASA MO ANG
My Dream Girl Is Diwata [On Going]
FanfictionMy dream girl is diwata♥^^ By; Ellen'G♥♥♥ Hello hello ^_^ sana magustuhan nyo :D perstime kopo gumawa ng story at 1st time koo ituuuuuu :*** thankieess , enjoy mga bilabs! labyouall♥:*