gusto kita

0 0 0
                                    


gusto kita pero natatakot ako
takot sa sasabihin ng mundo
gusto kita matagal na
pero handa na ba ako sa kanilang pag husga

dahil oo gusto kita
kahit pareho tayong maria
na sa tingin ng lahat ay malaking kasalanan
pero pagmamahal ang aking nararamdaman

sa sobrang gusto kita
masaya na akong makita kang masaya
kahit na ang tingin sa akin ay kaibigan
pero ito naman ay pang matagalan

gusto kita pero gusto mo sya
ano nga bang laban ko sa kanya
sya ang lalaking mas una mong nakilala
ako ay kaibigan mo lang at babae pa

pero ngayon aalisin na ang takot sa puso
handa na akong isigaw sa buong mundo
nararamdaman ko para sayo ay hindi isang biro
handa na akong magpakatotoo

ngayon handa na akong isigaw na gusto kita
ay mali hindi pala
hindi pala kita gusto
dahil mahal kita matagal na

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

gusto kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon