Chapter 1

25 3 0
                                    


Midnight Lovers
Chapter 1

                                              - YUKI -

"Hey! May problema ka ba?" tanong ng estrangherong lalake na tumabi saakin

Napatigil ako sa pag iyak at saka humarap sakanya.

Isang matangkad, porselana ang balat, matangos ang ilong, makapal ang kilay, manipis at mapulang labi at matataas na pilik matang lalake ang nakikita ko ngayon.

Mas lalong hindi ako nakapagsalita.

"Gusto mo bang maglabas ng sama ng loob?" nakangiting dagdag niya pa

Hindi ko alam pero napatango ako bigla.

Lalong lumawak ang ngiti sa kanyang mapupulang labi at saka pinagpag ang sarili.

"Tara! Sasamahan kita"

Inalok niya saakin ang kanyang kamay para tumayo at malugod ko namang tinanggap iyon.

Napadpad kami sa may bandang likod ng mini forest na may maliit na bundok di kalayuan sa palagi kong tambayan. Napatakip ako ng bibig sa sobrang mangha sa palagid.

Maliit na bundok na napapalibutan ng kumikislapang mayayabong na punong-kahoy, mga bituin na sobrang nakaka akit tingnan at lamig ng hangin na nagpapagaan ng loob.

"B-Bakit mo ako dinala rito?" maang-maangan na tanong ko

"Alam mo? Dito ako tumatambay pag may malalim akong iniisip"

Nakangiwi ko siyang tiningnan. "Sabi ko bakit mo ako dinala rito?"

"Simple lang. Ilabas mo ang sama ng loob mo rito. Pwede kang sumigaw, umiyak ng malakas at tumawa. Walang ibang makakarinig kundi tayo lang" paliwanag niya

"T-Talaga?"

"Hmmm"

"Teka...Dinala mo ako rito kahit hindi tayo magkakilala...Bakit?"

Tipid siyang ngumiti. "Edi magpapakilala ako. Ako nga pala si Tristan"

Bumuntong hinga ako.

"Y-Yuki"

"Kinagagalak kitang makilala magandang binibini" wika niya sabay abot sa kamay ko at hinalikan iyon

Napatalon ako sa gulat na ikinatigil niya.

"S-Sorry...Nabigla yata kita"

Umiling ako. "O-Okay lang"

"Tara doon tayo" anyaya niya sakin papunta sa gitna ng maliit ng bundok

"Ngayon, sumigaw ka hanggat sa gusto mo. Ilabas mo ang nararamdaman mo. Andito lang ako sa likod mo"

Biglang nag init ang sulok ng mata ko at kusang tumulo ang luha ko. Malalim akong bumuntong hinga.

"BAKIT BA GINAGANITO NIYO AKOOO? ANO BANG KASALANAN KO SAINYO!! ALAM KONG MAHINA AKO KAYA DINARAMDAM KO AGAD ANG MGA SINASABI NIYO SAAKIN!? DI KO NAMAN KAYO INAANO AH? SINASAMPAL! DINUDURO! KUNG KELAN NIYO GUSTO?!!"

"AHHHHHHHHHHHHHH! AYOKO NAAAAA! PAGOD NA PAGOD NA AKOOOO!"

Tanging iyak, sigaw at hikbi ko lang ang naririnig ko sa palagid. Sa sobrang panginginig ng tuhod ko, napa upo ako bigla.

Naramdaman ko nalang na may yumakap sakin sa likod. Gustuhin ko mang tanggalin ang braso niyang nakapulupot sakin, hindi ko magawa. Aaminin ko, gumaan ang pakiramdam ko kakasigaw pero mas gumaan ang pakiramdam ko nung yakapin niya ako.

"Shhhh...Tahan na Yuki. Simula ngayon lagi na akong nandito para sayo. Pangako"

Napapikit ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Sobrang sama lang talaga ng loob ko. Maya-maya ako na ang kusang humiwalay sa pagkakayakap niya sakin. Tinitigan niya lang ako na blangko ang ekspresyon. Ngumiti ako ng malapad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Midnight LoversWhere stories live. Discover now