NINGNING AT LIWANAG
Sa unang pagkakataon
Nasilayan ang liwanag
Liwanag na may dulot na kasiyahan at kapighatian
Parang nililipad kapag liwanag ay nasisilayan
Akala ko'y liwanag na walang hanggan
Ngunit ito pala'y parang sikat ng araw
Sa pagsapit ng gabi'y di na muling masisilayan
Hanggang sa nawala na nang tuluyan
Ang nararamdamang pagmamahal
Sapagkat ang liwanag ng iyong buhay
Ay may iba ng ginagalawan
Kung saan ang kaunting pag-asang pinanghahawkan
Unti-unti ng natutunawParang kandilang nagliliyab
Habang tumatagal
Ang liwanag ay namamatay
Dahil ang puso'y tumigil na sa pagtibok
Datapwat pagkawasak ang dulotMay isang binhing hulog ng kalangitan
At puso'y sumibol at nagbunga ng kasiyahan
Nag-ugat ng katatagan
Nagsanga ng katapatan
At ipinakita ang kalawakan
Na ang ningning at liwanag ay sakit ang dulot sa mga matang bagong silang
YOU ARE READING
Fruit of My Boredom
PoetryA poetry that will make you feel like you are riding in a roller coaster.