Challenge.
Tingin sa kanan, may magjowa
Tingin sa kaliwa, may magjowang naghaharutanKahit saan ako mapatingin nakakakita ako ng magjowang ang susweet.
"Maghiwalay na lahat ng may jowa"sigaw ko
Hindi ko pinansin ang mga matang nakatitig sa akin
Sumbong ko kayo sa mga magulang nyo e.
"Good morning Jack" bati sa akin ng kaibigan kong si jenna
"Morning bes"
"Ang aga aga ganyan mukha mo nag away na naman ba kayo ng kapatid mo?"
"Hindi no, ang aga aga kasi nakakakita ako ng magjowang ang susweet"
"HHAHAHA jusmeyo ka jack bakit hindi ka nalang magkulong sa bahay nyo"
"Kung pwede lang ay matagal ko ng ginawa"
"Pag inggit, pikit"
"Gooodddd mooorrrniinnggg" masayang bati sa amin ni aries
"Good morning din aries" bati pabalik ni jenna
"Oh bakit kayong dalawa lang?" Tanong ni aries
"Hindi sumabay sa akin si jepoy at troy" sagot ko
"Bakit daw?"
"Aba malay ko"
"Oh jenna nasaan si mark?"
"Nauna na sa akin, maaga raw sya ngayon kasi marami syang gagawin"
"Aysuss baka nakipag kita na naman iyon sa ex nya"
"Tumigil ka nga aries" saway ko
"May tiwala naman ako kay mark"
Si mark at jenna ay magjowa. Si troy at jepoy naman ay magkapatid
"Tsaka alam kong hindi magloloko iyong si mark" singit ko sa usapan
"Pano mo nasabi?"
"Ginamit ko bibig ko"
"Matagal nang walang nararamdaman si mark kay trish kaya naman malaki tiwala ko na hindi magloloko si mark"
"Pano iyong pagkikita nila noong isang araw?"
"Alam mo ikaw aries manahimik ka nalang kaya, baka kung saan pa mapunta itong topic nyo" saway ko kay aries
Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa tambayan namin, alas sais pa lang ng umaga kaya naman nagagawa pa naming magdaldalan
Ilang sandali pa ay dumating na rin sila jepoy kasama si mark
"Wazzapp mga single" pang aasar ni jepoy
"Anong single ka dyan? May jowa kaya ako"
"Si aries at jack kasi tinutukoy ko"
"Ang sabi mo ay "mga single" so nag assume ako na kasali ako"
"Assuming ka sis"
"Oh baka magtalo pa kayo" awat ni troy
"Yabang mo naman jepoy porket sinagot ka ni grace" ani aries
"Bakit kasi pre hindi mo ligawan si irene, hindi ba't matagal nang may gusto iyon sayo?"
"Gusto nya ako pero hindi ko tipo ang mga katulad nya"
"Aysuss choosy pa" jenna
"Anong tipo mo sa babae pre?" Tanong ni mark
BINABASA MO ANG
30 Days
Teen FictionAkala ko nagpapanggap lang ako Akala ko hindi kita mamahalin Pero akala ko lang pala Dahil sa bawat araw na nagpapanggap tayo hindi ko namamalayang nahuhulog na pala ako sayo