Untitled Part 2

4.1K 41 12
                                    

Abala ako sa pagbabasa ng mga notes ko para sa pagsusulit ko para bukas nang bigla ko na lang naramdaman ang pagbaliktad ng sikmura ko.


Lakad-takbo ang ginawa ko na tumungo sa banyo namin. Halos isuka ko na lahat ng kinain ko kaninang umaga.


"Arggh" kulang na lang na isubsob ko ang mukha ko sa inidoro sa tuwing nararamdaman ko na tila umaakyat ang lahat ng kinain ko palabas.


Tila lantang gulay akong napaupo dito sa sahig ng banyo. Tagaktak ang pawis, hapong-hapo at naghahabol ng hininga.


Wala sa isip akong napahawak sa medyo umuumbok ko ng tiyan. Napapikit na lang ako at isang butil ng luha ang lumandas sa pisnge ko.


Mga ilang minuto din akong nanatili sa ganoong posisyon nang bigla ko na lang narinig ang tila papalapit na mga yabag.


"Hahaha ano ba , Love. Nakikiliti ako. Tumigil ka nga, malapit naman na tayo sa kwarto mo"


Isang 'di pamilyar na boses ng babae ang narinig ko na may kasama pang malanding pagtawa.


Nakabukas lang ang pinto ng banyo kaya tiyak na makikita ko sila sa oras na dumaan sila sa gawi ko.

"Excited na kasi ako, Love. Saka ang sexy mo kasi ngayon sa suot mo"


Isang napakapamilyar naman na boses ang narinig ko. Boses na halos ilang taon akong inutusan ng kung ano-ano. Boses na tinatakot akong magsalita ng kahit ano mula pa noong bata pa ako. Boses na laging nagsasabi na siya na daw ang bahala sa tulad ko.

"Si Kuya na ang bahala, Bunso"


Naalala kong lagi niyang sinasabi sa akin noon pa man.


At 'di nga ako nagkamali ng dalawang pigura ang tumapat sa pintuan ng banyo. Napatigil at napatingin sila sa gawi ko. Si Kuya habang nakaakbay sa isang 'di ko kilalang babae. Nakasuot ito ng pulang damit na talagang hapit sa kan'ya at sobrang ikling short. Hindi naman sa nagiging mapanghusga ako, pero base na rin kasi sa ayos at sa ginawa niyang pagsama sa bahay ng isang lalaki ng ganitong oras, hindi na 'yon ang gawain ng isang matinong babae.


"Sino siya, Love?" biglang tanong nito kay Kuya.


"Don't mind her. She's my younger sister." sagot nito na 'di man lang ako tinatapunan ng kahit na isang tingin.


Hindi na nakapagsalita pa ang babae dahil agad na itong hinila ni Kuya paalis. Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto sa kabilang kwarto- kwarto ni kuya.


Agad na akong tumayo at nagtungo sa lababo para maghilamos at maayos ang sarili ko.

It's already 1 in the morning. Tiyak galing na naman 'yang si Kuya sa bar na lagi niyang pinupuntahan. Halos araw-araw na lang na iba-iba ang babaeng kan'yang dinadala dito sa bahay. Hindi alam nila mama at papa ang kan'yang ginagawa dahil nasa probinsya ang mga ito.


Pagkapasok ko sa kwarto ay agad na bumungad sa akin ang tila kalabog at mahihinang pag-ungol na nagmumula sa kabilang kwarto. Hindi na bago sa'kin ang ganitong mga pangyayari.


Niligpit ko na lang ang mga gamit ko at hinanda ang sarili ko sa pagtulog. Pinilit kong makatulog sa kabila ng mga nakakarinding ingay na naririnig ko sa kabilang kwarto.


Kailangan kong maging maaga bukas dahil sa may exam kami sa tatlong subject ko. Walang nakakaalam sa pagbubuntis ko kahit na ang mismong mga magulang ko. Tanging kami lang ni Kuya ang nakakaalam.


Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung makakaya ko ba ang magiging reaksyon nila o kung anong isasagot ko 'pag tinanong nila ako kung sino ang ama ng batang dinadala ko.


Anong isasagot ko? Na si Kuya ang ama nito? Na bunga ito ng makamundong pagnanasa niya? Na bunga ito ng pagiging inosente ko?


Hanggang ngayon ang sakit pa ring isipin. Hanggang ngayon ang hirap pa ring tanggapin na kung sino pa ang dapat nagpoprotekta sa akin ay 'yon pa ang umabuso sa'kin


Napahawak ulit ako sa tiyan ko.


"Makakaya natin 'to, 'Nak. Makakabangon din si Mama. Hindi ako galit sa'yo dahil ikaw ang naging bunga ng kahayupang ginawa ng Kuya ko. Hindi mo naman kasalanan 'yon. Wala kang kasalanan. Para sa'yo babangon ako. Babangon si Mama."


Isang ngiti ang namutawi sa labi ko habang sinasabi ko 'yon. Babangon ako. Alam ko, makakabangon ako.



Note: Ito na muna sa ngayon. Promise to finish this as soon as possible. Bitin muna ngayon, Angels.

FB: Kyoshi Constello



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Si Kuya na ang bahalaWhere stories live. Discover now