Ako si Hyuan. Kasalukuyang 18 na taong gulang. Nag simula ang lahat nuong inutusan ako ni mama na kunin ko yung susi ng Opisina nila sa 7/11 upang kitain yung kaofficemate niya. Dinescribe naman ni mama kung anong itsura at namukhaan ko naman agad. Pag dating ko na 7/11 andun na kasi sila agad. Dalawa sila, si Eunice at Sarah. ilang segundo ko siyang tinitigan (si Eunice) just to be sure na hindi siya si Abbigail na Crush ko na taga Tagaytay. which is a friend of my ex.
I have a girlfriend nung panahon na to. ang pangalan niya ay si Irish. 1year and on going kame. back to the topic. ayun ang unang meet ko kay Eunice. hanggang sa mga sumunod na ilang araw. naki sleep over siya sa bahay dahil sa Malayo ang bahay niya at anong oras narin. nag tabi sila ni mama sa kwarto nila at ang step father ko naman natulog sa sala sa sofa. nakakailang beses ako ng baba para lang masilayan siya. wala lang papansin lang talaga ako kapag may bisita sa bahay.
nasaktuhan na nag papahilot si mama saaken. andun din siya tahimik lang na nakahiga habang ako hinihilot si mama at nag chchat sa GF ko. pag tapos nung araw na yon. napadalas na ang pag tulog niya samin. ok naman saaken kasi nakakausap ko narin naman siya. medyo masungit nga lang. palaging nakairap. mag mula nung naging close kame. sakin na siya tumatabi. hindi pako nag oopen up sakanya at ganun din siya saken. nag uusap lang kame tungkol sa pinapanuod namin dalawa. kung minsan naman busy ako sa GF ko kaya hindi ko siya pinapansin. busy rin naman siya sa mga tinake home niya na trabaho niya.
isang linggo na ganun. hanggang sa dumating yung birthday ko. nag swimming kame ng pamilya ko. as usual kasama ang mga tropa ni mama sa opisina nila. mag katabi lang kasi yung opisina nila mama at yung resort. sa resort naman nag ttrabaho yung step father ko. sakto na nasa opisina parin si Eunice. bago pa siya umuwi pinilit ko siya na pumunta at mag swimming. sabi ko sa amin nalang siya matulog at papahiramin ko nalang din siya ng damit. ayun napapayag ko naman siya. nasa isang pool kaming dalawa. di gaano karaming tao pero enough na para maging maingay ang paligid. hindi ko alam pero bigla nalang akong nag open up sakanya. hanggang sa tinanong niya ko kung ilan ex ko at binalik ko din sakanya.
she opened up to me. about her past. about pano siya niloko nung nag iisang ex niya. ang tanga nung ex niya kasi sinayang niya yung taong sobra siyang mahal. ewan ko pero I felt thankful din nung time na yun. eto na yung panahon na crush ko siya. after that night. mas lalo pa kaming naging close, I added her sa FB. araw araw kami mag kachat. nag kkulitan. siguro kung lalake ako baka naisip na ng iba na merong something samen. kaso parehas kaming babae. umabot sa ilang buwan ganun padin ang estado namin. siguro nga talagang mabilis akong mafall. kasi nung mga panahon na yun talagang inaamin kong may nararamdaman nako para sakanya.
bago pa man kami mag kalabuan ng GF ko talagang meron nakong nararamdaman para sakanya. inamin ko sakanya kaso sad to say na she doesnt feel the same. medyo dismayado ako kasi akala ko meron din siyang nararamdaman para saken. inisip ko na baka talagang ganun lang siya sa lahat. good thing is ok lang sakanya. happy siya na may taong may gusto sakanya eventho sa ugali niya raw. well meron naman talaga kahit naman ako meron. lahat naman ata ng tao feel ko may attitude talaga and dahil sa ok lang sakanya mas lalo akong humanga sakanya. kasi kung para sa iba yun, lalayo na sakin ang mga yun. kaya sobrang hanga ko sakanya.
binalak niyang lumayo. akala niya din trip ko lang. hanggang sa dumating ang pasukan. sabi niya malilimutan ko rin siya. sabihin nating dahil sa school nagawa ko siyang iwasan. tiniis ko na wag siyang ichat. nakakailang beses akong backread sa mga chat namin para lang kiligin. kaso yun yung naging dahilan kung bakit namiss ko siya lalo. mas humirap pero tiis tiis. until I met someone who reminded me of me nung panahong umamin ako kay Eunice. isang buwan na ang lumipas sa skul may kaklase akong babae na umamin saken na gusto niya raw ako. I entertained her while I was still in a relationship. I tried entertaining her yet I still end up longing for Eunice. Ilang Buwan din ang lumipas at nag break kame ni Irish.
a week after break up namen naging kame ni Nicole. yung babaeng nafall raw sakin. pinilit ako nung tropa niya na panindigan yung nararamdaman ni nicole for me and I did. I did it because they told me so and inisip ko na baka dahil kay nicole baka magawa kong malimutan si Eunice. umabot kami ng almost 1yr hanggang sa Me and Eunice gained communication again. galit siya saken kasi bigla nalang daw akong nawala. I just told her na I was busy at school and that Im sorry. umokay naman din kame. pero ako hindi because everything went rushing back at me. the feelings na akala ko wala na.
it was her time of review para sa Board exam niya for CPA. sobrang stressed niya kasi hindi na raw niya kaya. she was being eaten by it. I comforted her in a way na alam ko. I told her that I would stay by her side at na magaling siya na kakayanin niya yun. I stayed eventho alam kong magiging delikado na yung puso ko. I kept every convo with her kasi mababasa o makikita ni Nicole. I dont want her to end up dying dahil saken. until one day, she confessed about having feelings for me nuon pa. hindi niya sure kung bago ako umamin or after ko umamin nuon sakanya. ayaw niya raw aminin nuon kasi bata pa raw ako. age matters so much to her before. 6 yrs kasi pagitan namin. Kinilig ako, my heart almost want to jump outta my system. but then my brain said na I shouldn't cheat anymore and to remain loyal kay nicole. and I did! nilayuan ko si Eunice after her confession.
and It was the biggest mistake of my life. ang pakawalan ng pangalawang beses ang taong mahal ko. nung una hindi ko siya inintay, hindi ko man lang pinanindigan yung nararamdaman ko sakanya, I tried hiding it. ngayon pinakawalan ko siya kung kailan may nararamdaman na siya saken. We lost communication again. a month after, nag paramdam ulit ako nung birthday niya. she was so mad at me. bumisita pa siya nuon sa bahay pero ayaw niya man lang akong ngitian. sino nga naman kasing ngingiti sa ginawa ko sakanya. but I thank God for giving me strength to approach her kasi kung hindi ko ginawa baka talagang nawala ko na siya sa buhay ko. I worked hard to gain her trust again. I proved her that Kaya ko na. na handa nakong mag take ng risk. kahit alam kong may masasaktan nanaman ako Ginawa ko para sakanya.
Naging M.U kame ni Eunice siguro after ilang months din. Hanggang sa dumating ang Prom namen. she escorted me papunta duon kahit na alam niyang andun si Nicole. hanggang sa kalagitnaan ng Prom namen. habang katabi ko si Nicole, tinawagan ko si Eunice to ask her if she could be mine. sabi niya ayaw niya raw sagutin yung mga ganung tanong sa calls. gusto niya raw personally. So a week after our prom, pumunta siya sa bahay para makitulog ulit. sinakto kong 1:43am ng Feb 20. she was sleeping adorably.hanggang sa magising siya. I kissed her forehead before asking her if she could be mine. she smiled sweetly that made my heart skip a beat. she Said YES! muntik pako mapasigaw nuong panahon na yon sa sobrang saya. We waited hanggang sa mabuking kame ni Nicole. and it happened after a week. it was Sad, tagal ko ring hindi napatawad yung sarili ko. But after that, Si Eunice nalang. wala ng iba.
Hindi na to pwedeng pakawalan. akin nato habam buhay! It was one hell of a ride sa lovelife ko. too much heartbreaks, pero sobrang worth kung si Eunice naman ang huli ko. until now kami parin <3 it was our 21st Kahapon lang Nov 20, 2019. Siya yung babaeng hinding hindi kana hhiling ng kahit na sino pa sa buhay mo, kasi alam mo na siya lang sapat na. there were too much struggles at first pero worth it. lahat ng away namin worth it naman kung siya rin ang kaaway. we broke up for 3 days pero nag kabalikan rin. we learned from our past mistakes that made us both mature in so many ways. gaya nung first month niya sa work niya. akala ko di na niya ko mahal kasi sobrang busy niya, hindi ko man lang makausap ng maayos. tapos uuwi matutulog lang. then I learned understanding her situation rather than complaining about everything. natutunan ko na kapag nag tatampo ka at pagod na pagod siya, imbis na mag sungit ka sakanya, why not make her feeling relieved from all her tiredness.
imbis na pagalitan mo siya bakit hindi mo nalang siya lambingin kasi pagod na nga aawayin mo pa. I learned to know your own limits. natuto akong makiramdam. wag kang mag mukmok sa mistakes mo, learn from it and make yourself be better than your old self.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~<< T H E E N D >>~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
OTAKUSAYO : ILOVEYOU
I made it up nung mga panahong tago pa kame sa bahay namin. OTAKU kasi we both are OTAKU. we both love being OTAKU kaya ginawa ko siyang ILOVEYOU. :)