Sabi nila "The more you hate, the more you love." And I so agree. Marami akong nasaksihang kwento na magpapatunay nyan.
I have a friend na ganyan ang love story. As in, hate na hate nya talaga yung guy. Para siyang kinikilabutan, with some kind of "Yucky!!" feeling kapag nakaka-receive sya ng flowers, cards at chocolates coming from him. Pero syempre, yung tsokolate, exempted yun, di pwedeng madamay sa inis nya kasi napapakinabangan namin. Hehe.
The guy knew that she disliked, even hated him so much. Napahiya, nabasted sya nang paulit-ulit. Wala sya ni katiting na pag-asa. But he was persistent, hindi sya sumuko kasi desidido sya na ito talaga ang mapangasawa nya. Pero itong friend ko, hindi nya talaga maimagine na magkakatuluyan sila. Never talaga.
Pagkatapos ng ilang taon, OMG, nagulat na lang ako kasi nabalitaan ko na ikakasal na pala sila. And I was really amazed on how it ended that way. Love must have been really so powerful to capture even the most elusive heart.
Natutuwa ako kasi nagkatuluyan sila, kasi nakita ko kung gaano sya kamahal nung guy. At bihira na lang siguro ang ganun katinding pagmamahal. Ibang klase talaga.
Kaya mahirap ang magsasalita nang patapos kasi baka magising ka na lang isang umaga, mahal mo na pala sya, pero sya pagod na.