Chapter 1

1.1K 9 0
                                    

Isa na namang napakabusy na araw para kay Allen bilang isang Restaurant Manager/Co-owner.Nagtayo na sila ni Migs ng sariling Restaurant.Maayos naman ang kanilang negosyo dahil dinadayo naman talaga ito ng mga customers.3 years pa lang sila sa business pero nagkaroon agad sila ng 3 branches.Bawat isa sa kanila ay pinamumunuan ang bawat baranch.Sa isang branch ay salitan sila ni Migs. 


"Oh,iniwan mo na naman yung restaurant mo.Baka malugi tayo niyan?"natatawang sabi ni Allen kay Migs. 

"Baka naman mapadali ang pagyaman natin?Hindi na natin naeenjoy ang mga single moment ng buhay natin..."ang nagpapacute na sagot ni Migs. "Parang everyday ka na kasi andito."sabi ni Allen. "Eh,namimiss ko lang naman ang kaibigan ko..."parang nagtatampo nitong sabi kay Allen. "Sus! Ayan ka na naman eh..minsan hindi ko alam kung sincere ka pa?"parang naiinis na sabi niya kay Migs pero hindi naman galit. 


Si Migs ay kababata ni Allen.Pero hindi sila close nito noon.Nagtaka nga siya kung papaano sila nito naging close.Pero masaya siya dahil nung mga oras na feeling niya walang natira sa mga kaibigan niya dahil sa pangyayari noon,si Migs ang sumuporta sa kanya.Ito ang nagtatanggol sa kanya sa mapanghusgang tao sa paligid niya.Siguro kung wala si Migs at ang inay niya hindi mapapadali ang pagmomove on niya. 

Nagpunta ito sa bahay nila noong araw na paalis na sila ng kanyang inay.Susunod daw ito sa kanya.Lahat ng pamilya ni Migs ay nasa Amerika at ito lang ang naiwan sa Pilipinas.Nang maibenta ang bahay nito,sumunod nga ito kina Allen.Simula noon araw na umalis sila sa kanilang lugar ay wala ng balita ang mga kapitbahay nila.Hindi alam ni Allen kung bakit ganun na lang kapursigido si Migs na damayan siya,na tulungan siyang makabangon. 

Kahit sobrang lapit ng loob nila sa isa't isa eh hindi kailanman nahulog ang loob ni Allen dito,dahil ipinaskil niya sa isip at puso niyang tama na ang minsan. 

Masaya siya sa kung ano ang meron sila ngayon ni Migs.Tinuturing niya itong kapatid,kaibigan at kapamilya.Ayaw niyang masira ang samahan nila pero very vocal ang lalaki na may special feelings na ito para sa kanya. 


"Len,until now hindi mo pa rin ba nakakalimutan si Bejie?"untag sa kanya ni Migs. 

"Hindi naman pwedeng kalimutan ang masaklap na pangyayaring 'yun sa buhay ko.Dahil markado na yun sa isip at buhay ng mga tao.But the good thing is,wala na yung sakit."may kasiyahan sa pagkakasabi niya pero may damdaming ikinukubli. 

"Yeah,it's been 7years now.What if one day Benjie will show up?"curious na tanong ni Migs. 


Hindi nakasagot si Allen.What if magkrus ang kanilang landas?sigurado ba siyang wala ng galit niya rito?Marami pa siyang tanong na gustong malaman ang kasagutan mula kay Benjie pero wala siyang balita dito simula nung magkahiwalay sila. 

"Hindi ko alam Migs,pero marami akong tanong sa kanya..."may nakitang lungot si Allen sa mukha ni Migs.Namimisteryosohan siya.Dahil ngayon lang niya ulit nakita sa mga mata nito na parang may mabigat na dinadala..'yun parang may sense of guilty.Pero ayaw niyang pangunahan ang kaibigan.Hahayaan niya na ito mismo ang mag-open up kung may gumugulo sa isipan nito. 


"Good evening anak,nagluto ako ng masarap na adobo.Di ba paborito mo 'yon?"bati sa kanya ng ina ng maka-uwi na siya sa bahay galing trabaho. "Talaga po?hehe,medyo gutom na rin ako e."pagkasabi nun may bigla siyang naalala sa nakaraan. "oh,nalungkot ka bigla?"tanong ni Lucing na nagtataka. "Ahh,wala po 'ma...may naalala lang ako."sagot niya sa ina. 


Hatinggabi na pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Allen.Mabuti na lamang ay rest day niya bukas.Naalala niya si Benjie.May puwang pa pala sa puso niya si Benjie,pero kapag naaalala niya ito napupukaw ang galit niya rito.Gusto niyang sumbatan ang lalaki sa ginawa nito sa kanya.Dahil sa kanya,namatay ang kanyang ama.Gusto niya rin ipamukha sa lalaki na nakabangon pa rin siya kahit sinira nito ang buhay niya.Nakatulugan ni Allen ang mga isiping 'yon. 


Namasyal si Allen dahil rest day niya naman.Wala siyang plano na mamili ng kung anu-ano.Lilibangin niya lang ang sarili.Sa kanyang pag-iikot sa Mall,may nakita siyang gallery exhibit.Hindi siya mahilig magpinta dahil wala naman siyang talent dito...but he knows how to read the emotion,story of a certain painting.Napako at nakuha ang atensyon niya sa isang painting doon. 

"Maganda ba?"tanong ng lalaki sa kanya pero hindi niya ito tinapunan man lang ng tingin.Nakatuon pa rin ang mga mata niya sa painting. 

"Oo,ang ganda ng isang 'to..punong-puno ng emosyon."sagot niya na hindi pa rin tumitingin sa lalaki. "ah,marunong ka bang magbasa ng painting?"manghang tanong ng lalaki. 

"Punong-puno ng emosyon ang painting na 'to.Isang lalaki na nakasandal sa isang matayog na puno.Nakatingala siya sa langit habang umuulan ng malakas tila itinatago ang mga luha sa pumapatak na ulan.Ang mga dahon ng puno ay parang mga pangarap ng lalaki na unti-unting nalalagas at inaanod ng ilog na nasa harapan niya.Ang mga ilog ay nagsisilbing mga panahon na dumadaan at di na maibabalik ang lumipas.Ang bahagharing ito ay nagpapatunay na may natitira pangpag-asa.Kaya siya sa puno nakasandal dahil kahit anong bagyo ang dumaan nananatili parin itong matayog.Parang ang bigat ng dinadalang problema ng lalaking nasa painting..."ang mahaba niyang interpretasyon sa painting at tumingin sa lalaki.Gwapo ito,matangkad..moreno at higit sa lahat malaki ang katawan.Namangha siya sa kaharap. 

"Ang galing mo naman..nakuha mo ang mensahe ng painting.Nabasa mo ang gustong sabihin ng pintor.Oh,by the way I'm Russell.Isa akong pintor."pagpapakilala ng lalaki. 

"I'm Allen.Please to meet you..."sabi niya kay Russell at nakipagkamay siya."Magkano ang painting na 'to?" 

"Oh,pasensya ka na pero hindi for sale ang painting na yan..but if you would like may ibang paintings sa loob na pwede mong pagpilian and----" naputol ang sasabihin pa ni Russell ng tumunog ang cellphone ni Allen at nag-excuse ito. 


"Pasensya ka na pero I have to go.Maybe some other time na lang ako babalik dito para tumingin ng ibang paintings mo."nagmamadaling umalis si Allen pero inabutan muna siya ng calling card ni Russell. 


Isang oras na ang nagdaan at namamangha pa rin siya kay Allen.Napukaw ang kanyang pag-iisip ng makitang papalapit ang kaibigan niya. 


"Pre,alam mo bang maraming gustong bumili dyan sa painting mo..at halos lahat ng lugar na napuntahan natin eh pare-pareho lang ang sagot ko.But there's this certain person na nakapagbigay ng interpretation dito sa painting mo na katugma sa message mo."ang namamanghang sabi ni Russell sa kaibigan. 

"H-ha?t-talaga!? Sino? Nakilala mo ba?"excited at hindi makapaniwalang kaibigan ni Russell. 

"A certain Allen..di ko naitanong ang apelyido.I was about to invite him to look some of our paintings pero nagmamadali ng umalis.I gave him my Calling card just in case bibili siya."sagot ni Russell. 




"Ma,are you okay?hindi mo na naman ba ininom ang gamot mo?"ang nag-aalalang tanong ni Allen sa ina ng makauwi na siya ng bahay. 

"Anak,ok na ako..."ngumiti ang matanda at hinalikan ang anak. "Ma,naman kasi..sobra akong nag-alala..."ang naglalambing na sabi sa ina. 



*itutuloy...

If Ever You're In My arms Again       ( Summer Love : Book II )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon