Chapter 5

424 4 1
                                    

Si Benjie na ang nagdrive pauwi gamit ang car ni Allen.Pagdating nila sa bahay ni Allen nadatnan nila si Migs na naghihintay sa labas.Napansin niya ang pasa nito sa mukha. 

"Allen,patawarin mo 'ko..nagawa ko lang naman 'yon dahil mahal ko si Tiffany that time.Nang malaman ko ang nangyari sayo,sa pamilya mo nakunsensya ako kaya ipinagtapat ko sa mga magulang ni Tiffany ang lahat.Oo,siya ang nag-utos sa akin at ako nga ang kumuha sa inyo ng video..nabulag ako nun sa pag-ibig kay Tiffany..desperado ako kaya ginawa ko ang gusto niya...ang plano ko nun ay bugbugin si Benjie...pero may napansin akong kakaiba...ka------"naputol ang sasabihin niya dahil sinunggaban agad siya ni Benjie. 

"Hayup ka!gago ka! All this time,nagdusa kami...sinira mo ang buhay ko! Ang buhay namin!"galit na sabi ni Benjie habang sinusuntok si Migs.Hindi ito lumalaban. 

"Sinabi ng tama na!"suway ni Allen. "Sana mapatawad niyo ako..pinagsisihan ko ang ginawa ko..alam kong di na maibabalik ang lahat sa dati.."hopeless na sabi ni Migs. 

"Sige na Migs..umuwi ka na.Gusto ko munang mapag-isa at makapag-isip."pagtataboy niya kay Migs. 

"Allen,pwede ba tayong mag-usap?"pakiusap ni Benjie kay Allen. "Narinig mo naman di ba?gusto kong mapag-isa!"bulyaw ni Allen. 

Malungkot si Benjie dahil hindi pa rin siya binibigyan ng pagkakataon ni Allen. 


Casual lang ang pakikitungo ni Allen kay Migs.Kung wala silang pag-uusapan tungkol sa business ay hindi naman sila nag-uusap.Kapag umuuwi naman siya sa bahay lagi niyang nadadatnan si Benjie sa harap ng gate nila.Minsan isang araw nakukulitan na siya rito. 

"Hindi ka ba talaga napapagod?kailan mo ba ako titigilan?"ang naiinis ng tanong ni Allen. "Hangga't hindi mo ako kakausapin at mapakinggan ang side ko."sabi ni Benjie. "Pwes,manigas ka dyan!"pumanhik na sa loob ng bahay.


Nang gabing 'yon ay hindi makatulog si Allen..palagay niya ay uulan.in-open niya ang aircon.Nakatulog din naman siya.Naalimpungatan siya dahil sa lakas ng Ulan at kidlat.Pinatay niya ang aircon dahil sobrang lamig na.Babalik na sana siya sa kama para matulog.Naalala niya si Benjie,nawala sa kanyang isipan kanina.Umuwi na kaya ang lalaking iyon? 

"shit! Ano bang plano ng lalaking 'to ang magkasakit?"tanong niya sa sarili. 

Si Benjie,basang basa sa ulan..hindi pumasok sa sasakyan.Giniginaw na ito.Hahayaan na sana niya pero hindi niya maatim na tignan ito ng ganun.."pinapakonsensya talaga ako!"sabi niya sa sarili habang pababa para puntahan si Benjie. 

"Ano ka ba!? Balak mo bang magkasakit o magpakamatay?dito pa talaga sa harap ng bahay ko..."galit na sabi ni Allen ng pumapasok na sila ng bahay.Hindi sumagot si Benjie.Akmang lalabas ulit ito ng bahay... 

" wag ka ngang parang bata!Pumasok ka dito at maupo ka."utos niya rito na parang bata ang sinasabihan.Tumalima naman si Benjie sa utos ni Allen.Umakyat si Allen para kumuha ng damit.Pagbalik niya ay nanginginig na ito.. 

"Heto ang damit,kaya mo bang magpalit?"tanong ni Allen sa kanya.Hindi ito sumagot.Nakita ni Allen na alanganin itong kumilos.Namumungay ang mga mata.Hinawakan niya ito. "Diyos ko! Ang taas ng lagnat mo!" nababahala niyang sabi... 


*itutuloy...

If Ever You're In My arms Again       ( Summer Love : Book II )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon