--
Please support po :)
--
Nanuod lang kami ng movie at nagshopping. Kakastress!
"Ugh gabi na din pala! Kakapagod HAHA!" sabi ko.
"Oo nga bakla, alam naman naming stress ka kaya sumama kami." sabi naman ni Leah.
"Huh? Di ako stress noh!" deny ko. oo na kakastress kasi.
"Suuss. Kilala ka namin. Pag stress ka Mame lahat na gusto mong gawin lalo na nag shopping." Kilalang - kilala na nga nila ako.
"OM, Gurl Look oh!" sabay turo ni Cyrill sa dalawang taong makaksalubong namin.
Hindi ko naman maaninaw noong una, by the way nga pala. I'm wearing glasses. noong mejo malapit na, ayun nakilala ko na. Psh! Kakastress.
"Hayaan mo na sila, alam mo naman BER months. Tag landi talaga!" sarcastic kong sabi.
"Ang hard mo naman Mame."
"Hi gurls! It's getting late, I bet you should go home already okay." sabi ni Ma'am Bianca. Kasama niya si Dj tapos nakahawak pa si Dj sa bewangni Ma'am.
Ewan ko bakit parang anytime babagsak yung luha. Ang bigat lang silang tingnan. Nakatingin lang ako sa kamay ni Dj. Buti pa siya nagiging sweet sa iba.
"Okay Ma'am!" sabi nila.
"Tara na gurl!" bulong nila sa akin.
Tatalikod na sana kami ng..
"Wait! Uhm-- Chandria. Sumabay ka na sa amin. Uhmm- total along the way naman yung bahay nyo." naramdaman ko ang paglapad ng ngiti ng mga kaibigan ko.
Dapat naman talaga hinahatid nya ako. Psh!
"Uhhmmm hindi na sir. Baka NAKAKAISTORBO ako SAINYO eh!" fake smile ko pa.
"No, it;s okay dear!" sabi naman ni Ma'am. Anong it's okay? Sa akin hindi okay. Dapat ako yun eh, ikaw lang yung isasabay! tskk.
"I'ts your time para umepal!" bulong naman sa akin ng mga kaibigan ko. Brat talaga.
"Uhmm Okay!" umuna na silang tatlo at ako naiwan sa dalawang to. Feeling ko chaperon ako sa date ng aking asawa! Nebeyen!
Nagpunta na kami sa parking lot at uupo na sana sa shotgun seat, pero may umepal na naman!
"Heeyy Kathryn, ako dyan. Sa likod ka na lang okay?" sita sa akin ni Ma'am Bianca.
"Uhmm tinetesting ko lang naman po kung bukas eh hehe" painosente kong sabi.
"Ha? Ganun ba? Okay." sabi ni Ma'am naweweirduhan na yata sa akin.
Pinagbuksan pa siya ni Dj ng pinto. Psh!
Nasa loob na silang dalawa.
"Kathryn hindi ka pa ba papasok?"
Binuksan ko ang pinto at isinara ko ng malakas.
"Hey, Kathryn dahan- dahan baka masira!" mejo naiirita na sa akin si Ma'am.
"Ayy sorry po. Tinetesting ko lang naman po kung matibay!" HAHHA ang childish nung rason. HAHHA pero BEST ACTRESS kaya to kaya hindi nahahalata ni Ma'am. Nakita ko namang tinitingnan ako ni Dj.
