Destiny 11: Hidden Identity Part 2

9 0 0
                                    

       Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Dad ay dumiretso na ako sa kwarto at naligo. Mga 7 pm na kami nakauwi ni Dad at mabuti na lang hindi kami nakita ni Mom na basa sa ulan.

 Habang pinanatutuyo ko ang aking buhok ay kumatok si Mom sa pintuan.

Nicole bumaba ka na kakain na tayo sabi ni Mom

Sige Mom im coming sabi ko

Bumaba na ako at umupo sa tapat ni Dad.

Walang umiimik habang kumakain kami pero biglang nagsalita si Dad.

Siguro nagugulahan kayong dalawa kung bakit hindi ko gustong magkaroon kayo ng kasintahan.-Dad

Tinitigan ko lang si Dad at si ate Laine naman ay yumuko.

Alam ko naman na nasa tamang edad na kayo kaya kailangang malaman niyo na ang aking dahilan sabi Dad

Si Mom naman ay tahimik lang na nakikinig sa sinabi ni Dad.

Ang pamilya natin ay hindi isang ordinaryo. Ang ating angkan ay tinatawag na The Chosens Gods. sabi ni Dad

Anong ibig niyong sabihin Dad? tanong ni Ate Laine

Tayo na lamang ang natitira sa ating angkan matapos sirain ng mga kalaban ang ating palasyo. Kayong dalawa ay isang Crystal Princess sa ating kaharian. sabi ni Dad

Ang kaharian natin ay tinatawag na Phoenix. Ang dating tirahan natin ay nasa sentro ng Earth. Ikaw Laine ay ipinanganak doon pero si Nicole ay dito na ipinanganak sa mundo ng mga tao. sabi ni Dad

Nagbibiro ba kayo Dad? Its not funny sabi ni Ate

Ikaw ang bahala Laine kung maniniwala ka o hindi. Ang isang Crystal Princess ay ipinanganak na may misyon sa mundo. May iba’t-ibang kapangyarihan ang taglay nito. Una, kaya niyong gawin ang mga bagay na gusto ninyong mangyari sabi ni Dad

May kakayahan kayong magpagaling ng maysakit. Sa inyong paglaki ay mas dadami ang inyong kapangyarihan na maaring makakapagpabago ng inyong mga ugali. Isa sa ipinagbabawal sa inyo ang pagkakaroon ng kasintahan o asawa kapag hindi pa tapos ang tungkulin niyo sa mundo sabi ni Dad

Paano po malalaman naming na tapos na ang aming misyon? sabi ko kay Dad

Kayo lamang ang makakaalam at mismong ang Spiritual Leader ang magpapakita sa inyo sabi ni Dad

Kapag hindi niyo ito sinunod ay mapaparusahan kayo.- Dad

Anong klaseng parusa? tanong ni Ate

KAhit ano ay kaya nilang gawin. Kaya dapat magampanan niyo ng maayos ang inyong mga misyon. sabi Dad

Dad, isa ka rin bang Crystal Prince? tanong ko

Oo sabi ni Dad na sumusubo ng kanin

Ehh si Mom? –Ate Laine

Tao ang nanay niyo.-Dad

So Dad, tapos na ang misyon mo? –ako

Hindi pa baby sabi ni Dad

Ba’t hindi kayo naparusahan? Diba bawal mag asawa? tanong ni ate

Bahagyang tumawa si Dad.

Ang totoo niyan naparusahan rin ako sabi ni Dad

Anong nangyari Dad? –ako

Nagmakaawa ako na hindi ko kayang iwan ang Mom niyo kaya kinausap nila siya sabi ni Dad

Anong nangyari Mom? tanong ko kay Mom na kanina pa tahimik

Tinanong nila ako kung kaya ko bang mabuhay kasama ang Dad niyo na pahihirapan nila sabi ni Mom

SInabi kong kakayanin ko dahil mahal ko siya at kahit pa patayin nila siya ay sana isama na nila ako para magkasama pa rin kami sabi ni Mom

Pagtapos kausapin ng Mom niyo sila ay pinatawag nila kami dagdag ni Dad

Then? - ATE

Napagdesisyonan nilang hindi kami parurusahan pero ang kapalit nun ay ang pagkakaroon namin ng mga anak na kagaya ko sabi ni Dad

So parang kami ang parusa Dad? tanong ko

Hindi anak para sa akin isang biyaya yun sabi ni Dad

Meron pa pala akong sasabihin na dapat niyong tandaan. Dapat mag-ingat kayo sa mga taong malapit sa inyo dahil maaring mga kalaban sila at papatayin kayo. –Dad

Ba’t papatayin nila kami? tanong ko

Malaki ang galit ng mga Black Orions sa ating angkan. Kapag may isinisilang sa ating angkan, meron din sa Black Orions sabi ni Dad

Alam kong mahirap paniwalaan pero sana tanggapin niyo ng buong puso sabi ni Dad

Tumango lang ako at si ate naman ay kumain ulit.

Pagkatapos ng sinabi ni Dad ay may parteng parang nabuo sa akin pero medyo naguguluhan pa rin ako. Halos 4 na oras na akong hindi makatulog.

Time Check: 10: 20 pm

Aigoo ang tagal ko nang nakatulala bulong ko

Bzzt!  Bzzt! Bzzt!

>.> Merong nagtext. Sino kaya to?sabi ko

0_0!

Bukas na pala ang party namin nila Grace. Aish! muntik ko ng malimutan bulong ko

Tss, matutulog na ako bulong ko at pinatay ang ilaw.

.

-_-    zzzzzzzzzzzzzzzzzz

Being A Crystal PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon