PROLOGUE

0 0 0
                                    

    So ayun guys i have an ultimate crush since first year at mag schoolmate lang kami at sa kabilang section lang siya so kaya hindi ako nahihirapan na sumilay sa kanya, pero hindi man lang nya ko pinapansin, syempre ang sakit para sa akin na hindi ka man lang pinapansin ng super duper crush mo? Ni hindi ko nga alam kung mahal ko na ba siya kasi sa tuwing maiisip ko siya napapangiti nalang ako at nagiimagine ng kung ano-ano.

     Ang popogi rin ng kaibigan niya.. ewan ko ba kung bakit naging crush ko siya ni hindi man lang siya matalino, pero ang galing niya sa basketball lagi siyang mvp tuwing may intrams kami, kaya tuwing napapanood ko ang laban niya nag chi-cheer ako sa kanya sa isip, Syempre nakakahiya naman siguro na mag cheer ako sa kanya eh hindi naman kami close at tsaka baka sabunutan lang ako ng fans niya.

   Kahit na sabunutan ako ng fans niya aba!!.. hindi ako papayag na maapi noh!! kaya lalaban ako.

  Psh. napaka korni ko talaga...

                       *AFTER 2 YEARS*

    Sa paglipas ng dalawang taon ay hindi man lang nagbago ang nararamdaman ko sa kanya lalo itong lumalim lalo nung naging kaklase ko siya. Sa kadahilanang dati ay magkahiwalay ang matatalino sa medyo you know hehehe... basta ayun kaya naging kaklase ko siya ay pinagsama-sama na lahat kasi sabi ng ibang teachers sa amin ay  pare-pareho lang naman daw ang tinuturo.

     Hayss.. kaya naiba na naman ang sched na dating hanggang 7:30 ng umaga ay naging 7:15.

   Kaya todo gising na naman si ako kaka stress na       nakaka depress chourr!! HAHAHAHAHA  syempre kahit anong stress ay dapat wag madepress pano kung naisipan ko nalang magpakamatay? edi nawala ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo? hayss.. saan ba patungo to? so ayun pakilala muna tayo.

      Ako si Alexandra Gabrielle R. Valenzuela, I'm 16 years old third year high school, Sa SNHS/ Siniloan National High school ako nag-aaral. Kilala ako sa school na ito na magaling mag-archery, since nung 7 years old ako ay tinuruan nako ni dad ng archery, nakitaan daw ako ng potential ni dad sa kadahilanang magaling daw akong sumipat gamit yung pang archery na pang bata sa tuwing may papatamaan kasi akong isang bagay ay lagi tong natatamaan.

      Magaling din akong kumanta actually choir ako sa school namin tuwing mapeh time na namin ay excuse dahil nag papraktis kami para lalong mahasa yung boses namin.

    Tatlo kaming magkakapatid pangalawa ako sa panganay, Yung panganay na kapatid ko ay si Alexander Gabriel R. Valenzuela at isa na siyang ganap na engineer, Yung bunso ko namang kapatid ay si Aerell Dominique R. Valenzuela, siya ay nasa first year high school na, High school na pero may pagka childish niya syempre galing palang siyang primary school kaya medyo may pagkabata pa ang isip niya.  

      Maganda si Aerell madami ang nagkakagusto sa kaniya pero wala sa siyang nagugustuhan maliban kay Lance Delos Reyes, si lance ay nasa first year HS lang din pero magkaiba sila ng section, sobrang gwapo niya pero may pagka cold din ito at mahirap rin itong iapproach lalo na't hindi mo siya ka close, tipid din itong magsalita hindi tulad ni aerell ay medyo pagkamadaldal at laging nakataas ang boses kaya kahit ako ay gusto ko na siyang sapakin dahil napaka ingay niya.

    Alam niya din kung nagsisinungaling ka o hindi dahil nahuhuli niya agad ito, Hindi ko alam sa batang yun kung anong utak meron sya edi wow nalang sa kanya tss..

     At syempre ipakikilala ko kayo sa aking super duper crush na si Nathan Rob Lopez. ehemmm... sobrang gwapo nyan kaya nga crush ko diba? pero di ako pinapansin ouch!!. Hearthrob yan sa school tsaka yung mga kaibigan niya na may mga sapak. Well we call him rob kasi nakasanayan na nya na tawagin siyang ganun alangan namang *totoy* ang itawag ko diyan? edi nasuntok ako nun BWAHAHAHAHA!! Charr.. Si Rob minsan ay mainitin din ang ulo kaya kapag pikon sya ay parang bigla na lang itong nanununtok. Baliw yan eh pero baby ko yan!! charr..

                 *MGA KAIBIGAN NI ROB*
Andrei Santos 
                   -si andrei ang pinaka mabait sa kanilang lahat sa tuwing mapapaaway ang kaibigan nila ay inaawat agad nito dahil ayaw niyang lumaki ang mga ulo nito at laging mambully. Matalino rin si andrei kasali siya sa honor student.

Derrick Yap
                   -si derrick ang pinakamistoryoso sa kanila sa tuwing kakausapin mo siya ay mas matipid pa sa matipid kaya minsan ay nakakawalang gana siyang ganang kausap dahil bilang lang sa kamay mo ang sasabihin niya. Pero mabilis siyang makiramdam kapag malayo kapa lang ay alam niyang paparating kana.

Brent Recide
                 - si brent ang palatawa sa kanila, hindi sya nauubusan ng joke kahit korni pa yan tatawa at tatawa pa rin sya. Kapag tumatawa siya ay nawawalan ng mata dahil singkit sya. Pero kapag may nasabi kang mali sa kanya ay magiging seryoso agad to maramdamin si brent kaya wag kang magjojoke kung alam mong lampas kana sa linya dahil nakakainsulto ito sa kaniya at bigla nalang syang hindi namamansin.

Mccoy Bartolome
               -si mccoy ay katulad lang sya ni brent na mahilig magpatawa pero magkaiba sila ng personality. Siya lagi ang umiintindi sa magkakaibigan kapag may problema sya agad ang nilalapitan.

   Lahat sila ay galing sa mayamang pamilya kaya hindi mapagkakaila na nagugustuhan din ito ng mga girls kasi mayaman na nga gwapo pa.

TO BE CONTINUE...

Don't forget to vote and comment thankss..

  

   

ULTIMATE CRUSHWhere stories live. Discover now